Psalms
Chapter 102
Hinaing ng may Pinagdadaanan
1 Pakinggan mo ang prayer ko, Lord,
sana marinig mo itong hinaing ko!
2 Pag hirap na hirap ako,
wag mo akong pagtaguan.
Pakinggan mo ako,
please, sumagot ka agad pag tumawag ako sayo.
3 Itong buhay ko, parang usok, nawawala na,
nasusunog ang mga buto ko, parang nagbabaga.
4 Para akong tuyong damo na tinapak-tapakan,
ayokong kumain, wala na akong gana.
5 Sa sobrang lakas ng daing ko,
buto't balat na ang katawan ko.
6 Para akong mailap na ibon sa desert,
parang owl sa lugar na napabayaan na.
7 Nakahiga ako pero di makatulog,
parang ibong nag-iisa sa bubong.
8 Yung mga kaaway ko, buong araw akong iniinsulto,
yung mga nanlalait sa akin, nagmumura gamit ang pangalan ko.
9 Imbes na tinapay, abo na ang kinakain ko,
humalo na ang luha sa iniinom ko,
10 dahil ito sa matinding galit mo,
pinulot mo ako at saka tinapon.
11 Itong buhay ko, pawala na, parang anino pag gumagabi,
para akong damong natutuyo.
12 Pero ikaw, LORD, forever kang maghahari,
maaalala ang pangalan mo sa lahat ng generation.
13 Kikilos ka, maaawa ka sa Zion,
oras na para tulungan mo sya,
ito na ang tamang panahon.
14 Bawat bato nyang gumuho, mahal ng mga lingkod mo,
naaawa sila sa kanya, kasi durog-durog na sya.
15 Matatakot kay Lord ang mga bansa,
at lahat ng hari sa mundo, matatakot sa lakas nya.
16 Itatayo ulit ni Lord ang Zion,
ipapakita nya na dakila sya,
17 papakinggan nya yung prayers ng mga mahihirap,
hindi nya tatanggihan ang mga pinagpe-pray nila.
18 Dapat masulat ito para sa next generation,
para purihin si Lord ng mga ipapanganak pa lang.
19 Tumingin si Lord mula sa banal nyang trono,
mula sa langit, tiningnan nya ang mundo.
20 Narinig nya ang iyak ng mga nakakulong,
pinalaya nya yung mga hinatulan nang mamatay.
21 Kaya itataas sa Zion ang pangalan ni Lord,
at sa Jerusalem, pupurihin sya
22 pag nagsama-sama ang mga bansa at kaharian
para mag-worship kay Lord.
23 Pinahina nya ako kahit ang bata ko pa,
pinaiksi nya ang buhay ko.
24 Sabi ko nga, “O Diyos, forever kang nabubuhay,
wag mo muna akong kunin, bata pa ako.”
25 Noon pa man, nilagay mo na ang pundasyon ng mundo,
at ang langit, gawa mismo ng kamay mo.
26 Lahat yan mawawala, pero nandyan ka pa rin,
maluluma lahat yan, kagaya ng damit.
Parang damit, papalitan mo sila,
tapos, mawawala na.
27 Pero ikaw, hindi ka nagbabago,
walang katapusan ang buhay mo.
28 Mabubuhay nang safe ang mga anak ng mga lingkod mo,
magpapatuloy ang lahi nila dahil sayo.