Ang Kasunduan ng Diyos kay Noah
1 Bliness ng Diyos si Noah at ang mga anak nya at sinabi sa kanila, “Magkaron kayo ng maraming anak, magpakarami kayo at punuin nyo ang buong mundo. 2 Matatakot sa inyo ang lahat ng mga hayop, lahat ng gumagapang sa lupa, mga ibon sa langit, at mga isda sa dagat. Magiging under silang lahat sa kontrol nyo. 3 Pwede nyo nang kainin ang lahat ng hayop na nabubuhay at gumagalaw, gaya ng mga halamang binigay ko para makain nyo. Binibigay ko na silang lahat sa inyo. 4 Pero wag kayong kakain ng karne na may dugo pa, pinagbabawal ko yun kasi nasa dugo ang buhay. 5 Buhay ang magiging kapalit pag may taong pinatay, mapahayop man o tao ang pumatay. 6 Sinumang pumatay ng kapwa nya ay papatayin din kasi crineate ang tao na gaya sa Diyos.
7 “Magkaron nga kayo ng maraming anak, magpakarami kayo at punuin nyo ng lahi nyo ang mundo.”
8 Tapos, sinabi ng Diyos kay Noah at sa mga anak nya, 9 “Gagawa ako ng kasunduan sayo, sa magiging descendants mo, 10 at sa lahat ng may buhay na kasama nyong lumabas ng barko, lahat ng ibon at hayop. 11 Promise ko sa inyo, di ko na ulit papatayin sa baha ang lahat ng may buhay. Hindi na ulit wawasakin ng baha ang mundo. 12 Bilang sign ng kasunduan ko sa inyo at sa lahat ng kasama nyong may buhay, hanggang sa lahat ng susunod pang generation, 13 maglalagay ako ng rainbow sa mga ulap. Yun ang sign ng kasunduan ko sa mundo. 14 Tuwing may mga ulap sa langit at may makikitang rainbow, 15 maaalala ko ang promise ko sa inyo at sa lahat ng hayop, na hindi na ulit wawasakin ng baha ang lahat ng may buhay. 16 Pag nakita ko ang rainbow sa mga ulap, maaalala ko ang pang-forever na kasunduan ko sa lahat ng nabubuhay sa mundo. 17 Yun ang sign ng kasunduan ko sa lahat ng may buhay sa mundo.”
Si Noah at ang mga Anak Nya
18 Kasama ni Noah na lumabas ng barko ang mga anak nyang sina Shem, Ham, at Japheth. Si Ham ang tatay ni Canaan. 19 Silang tatlo na mga anak ni Noah ang ninuno ng lahat ng tao sa mundo.
20 Si Noah, na isang farmer, ang unang taong nagtanim ng ubasan. 21 Isang araw, uminom si Noah ng alak. Nalasing sya at nakatulog sa tent nya nang walang suot na kahit ano. 22 Nung makita ni Ham na hubad ang tatay nya, lumabas sya at sinabi yun sa dalawa nyang kapatid. 23 Kaya kumuha sina Shem at Japheth ng kumot at iniladlad yun sa likod nila. Tapos, sabay silang naglakad paatras sa tent saka tinakpan ang katawan ng tatay nila. Hindi sila lumingon para di nila makitang nakahubad si Noah. 24 Nung hindi na lasing si Noah, nalaman nya ang ginawa sa kanya ng bunso nya. 25 Kaya sinabi nya,
“Sumpain si Canaan!
Magiging pinakamababang alipin sya ng mga kapatid nya.”
26 Sinabi pa nya, “Praise the Lord, ang Diyos ni Shem!
Magiging alipin ni Shem si Canaan.
27 Dagdagan sana ng Diyos ang mga lupain ni Japheth!
Mabuhay sana ang lahi nya kasama ni Shem!
At magiging alipin ni Japheth si Canaan.”
28 Pagkatapos ng baha, nabuhay pa si Noah nang 350 years. 29 Namatay sya sa edad na 950.