Genesis
Chapter 32
Nag-ready si Jacob na Makita si Esau
1 Nung nasa daan si Jacob pauwi, sinalubong sya ng mga angel ng Diyos. 2* Pagkakita nya sa mga angel, sabi nya, “Ito ang army ng Diyos!” Kaya tinawag nyang Mahanaim ang lugar na yun.
3 Tapos, nagpauna muna si Jacob ng mga tao papunta sa kuya nyang si Esau na nasa lupain ng Seir, sa bayan ng Edom. 4 Ito yung pinapasabi nya: “Sir Esau, ako si Jacob na alipin mo. Matagal akong nakitira kina Tito Laban, at ngayon lang ako uuwi. 5 Meron akong mga baka, donkey, tupa, kambing, at mga alipin. Pinapaalam ko ito sayo, sir, para gumaan na ang loob nyo sa akin.”
6 Pagbalik ng mga tauhan ni Jacob, sabi nila, “Pinuntahan namin ang kapatid mong si Esau. On the way na sya para salubungin ka. May kasama syang 400 na tao nya.” 7 Takot na takot si Jacob at sobra syang kinabahan. Kaya hinati nya sa dalawang grupo yung mga taong kasama nya, pati yung mga tupa, kambing, baka, at mga camel. 8 Iniisip nya, “Pag sinugod ni Esau yung isang grupo, at least makakatakas pa yung isa.”
9 Tapos nag-pray si Jacob, “O Diyos ng lolo kong si Abraham at Diyos ng tatay kong si Isaac, pakinggan nyo po ako! Lord, sabi mo umuwi ako sa bayan ko at sa mga kamag-anak ko, tapos sabi mo pa, gagawin mong okay ang lahat. 10 Hindi ko po deserve lahat ng pagmamahal at katapatan mo sa akin na servant mo. Nung tinawid ko ang Jordan River, tungkod lang po ang dala ko. Ngayon, dalawang grupo na ang kasama ko. 11 Please iligtas mo ako sa kamay ni Kuya Esau. Natatakot po ako sa kanya, baka sumugod sya at patayin kaming lahat, pati yung mga babae at mga bata. 12 Di ba sabi mo gagawin mong okay ang lahat para sa akin? Tapos sabi mo, pararamihin mo ang lahi ko na parang buhangin sa dagat, na hindi mabilang sa sobrang dami.”
13 Nag-stay muna si Jacob dun nung gabi, tapos ni-ready nya yung ireregalo nya sa kapatid nyang si Esau: 14 200 na babaeng kambing at 20 na lalaki, 200 na babaeng tupa at 20 na lalaki, 15 30 na inahing camels kasama ang mga anak nila, 40 na babaeng baka at sampung toro, 20 na babaeng donkey at 10 na lalaki. 16 Ginrupo-grupo nya ang mga ito, tapos nag-assign sya ng isang alipin na in-charge sa bawat grupo. Sabi nya sa kanila, “Mauna kayo sa akin, tapos dapat may space sa pagitan ng bawat grupo nyo.” 17 Inutusan nya yung unang alipin, “Pag nasalubong ka ng kapatid kong si Esau at tinanong ka nya kung sino ang amo mo, saan ka pupunta, at kanino yung mga hayop, 18 sabihin mo, ‘Ang alipin mo pong si Jacob ang may-ari nito. Ireregalo nya ito sa master nyang si Esau. Kasunod lang po namin sya.’” 19 Inutos din nya yun sa pangalawa, sa pangatlo, at sa lahat ng alipin na in-charge sa mga grupo ng hayop: “Ganito ang sasabihin nyo kay Esau pag nakita nyo sya. 20 Sabihin nyo, ‘Opo, nasa likod lang namin ang alipin nyong si Jacob.’” Iniisip ni Jacob, “Siguro mawawala na ang galit nya dahil sa mga ibibigay ko. Tapos pag nagkita na kami, baka patawarin na nya ako.” 21 Pinauna na nya yung mga regalo at nag-stay muna sya sa kampo nung gabing yun.
Nakipag-wrestling si Jacob sa Peniel
22 Nung gabi ring yun, bumangon si Jacob at sinama nya yung dalawa nyang asawa, yung dalawang katulong na naging asawa nya, at yung 11 nyang anak, at tumawid sila sa Jabbok River. 23 Tapos, tinawid din nya lahat ng mga property nya, 24 pero nagpaiwan syang mag-isa.
Tapos may lalaking dumating at nakipag-wrestling sa kanya hanggang bago sumikat ang araw.
25 Nung ma-realize nung lalaki na hindi na sya mananalo kay Jacob, hinampas nya si Jacob sa may balakang, at na-dislocate yung buto nito. 26 Sabi nung lalaki, “Bitawan mo na ako, mag-uumaga na.”
Pero sabi ni Jacob, “Hindi kita pakakawalan hanggat hindi mo ko bine-bless.”
27 “Anong pangalan mo?” tanong nung lalaki.
“Jacob,” sagot naman nya.
28* Sabi nung lalaki, “Simula ngayon, hindi na Jacob ang pangalan mo, Israel na. Nakipaglaban ka kasi sa Diyos at sa mga tao, at nanalo ka.”
29 Sabi ni Jacob, “Please sabihin mo sa akin ang pangalan mo.”
Pero sumagot sya, “Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko?” Tapos bliness nya si Jacob.
30* Sabi ni Jacob, “Nakita ko ang mukha ng Diyos, pero buhay pa rin ako,” kaya tinawag nyang Peniel ang lugar na yun. 31 Sumikat na ang araw nung paalis si Jacob sa Peniel, at umiika-ika sya dahil sa balakang nya. 32 Kaya hanggang ngayon, hindi kinakain ng mga Israelites yung litid sa may balakang ng hayop, kasi sa part na yun hinampas si Jacob.

Footnotes


32:2 + MAHANAIM: Sa Hebrew, “dalawang army” ang ibig sabihin ng salitang ito.
32:28 + ISRAEL: Sa Hebrew, “nakipaglaban sa Diyos” ang ibig sabihin ng pangalang ito.
32:30 + PENIEL: Sa Hebrew, “mukha ng Diyos” ang ibig sabihin ng salitang ito.