1 Hindi magkaanak si Rachel kay Jacob, kaya nainggit sya sa ate nya. Sabi nya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng mga anak, kung hindi, mamamatay ako!”
2 Nagalit si Jacob kay Rachel, at sabi nya, “Diyos ba ako? Sya ang may gawa kaya di ka magkaanak.”
3 Sabi ni Rachel, “Eto si Bilhah, yung katulong ko. Sipingan mo sya para mapunta sa akin yung magiging anak nya. Tapos, magkakaron na ako ng anak dahil sa kanya.” 4 Binigay nga nya si Bilhah kay Jacob bilang asawa, at nagtalik sila. 5 Nabuntis si Bilhah at nanganak ng lalaki. 6* Sabi ni Rachel, “Pinaboran ako ng Diyos. Narinig nya ang prayer ko at binigyan nya ako ng anak,” kaya Dan ang pinangalan nya sa bata. 7 Nabuntis ulit si Bilhah at nanganak ng isa pang lalaki. 8* Sabi ni Rachel, “Matindi ang naging laban namin ng ate ko, pero nanalo ako,” kaya Naphtali ang pinangalan nya sa bata.
9 Nung na-realize ni Leah na hindi na sya nagkakaanak, binigay nya kay Jacob ang katulong nyang si Zilpah bilang asawa. 10 Nanganak ng lalaki si Zilpah. 11* Sabi ni Leah, “Ang swerte ko!” Kaya Gad ang pinangalan nya sa bata. 12 Nagkaanak ulit ng lalaki si Zilpah kay Jacob, 13* at sabi ni Leah, “Ang saya-saya ko! Ngayon, masasabi na ng mga babae na masaya ako.” Kaya Asher ang pinangalan nya sa bata.
14* Nung panahon ng pagha-harvest ng mga pananim, pumunta si Reuben sa bukid at may nakita syang mandrakes. Inuwi nya yun sa nanay nyang si Leah. Tapos sabi ni Rachel kay Leah, “Pahingi naman ako ng mandrakes na dinala ng anak mo.”
15 Pero sabi ni Leah, “Di pa ba sapat na kinuha mo yung asawa ko? Pati ba naman itong mga mandrakes na dala ng anak ko, kukunin mo rin?”
16 Kinagabihan, pag-uwi ni Jacob galing sa bukid, sinalubong sya ni Leah at sinabi, “Sa akin ka matutulog ngayong gabi, binayaran ko na si Rachel ng mandrakes na bigay ng anak ko.” At may nangyari nga sa kanila nung gabing yun.
17 Sinagot ng Diyos ang prayer ni Leah. Nabuntis sya at ito na ang panlimang anak nila ni Jacob. 18* Sabi ni Leah, “Binigay ng Diyos ang reward ko, kasi binigay ko ang katulong ko sa asawa ko.” Issachar ang pinangalan nya sa bata. 19 Nabuntis ulit si Leah at pang-anim na anak na nya yun kay Jacob. 20* Sabi nya, “Magandang regalo ang binigay sa akin ng Diyos. Ngayon, magiging mahalaga na ako sa asawa ko kasi anim na ang nabigay kong anak sa kanya.” Kaya Zebulun ang pinangalan nya sa bata. 21 Tapos nun, nagkaanak din sya ng babae, at Dinah naman ang pinangalan nya dito.
22 Finally, naawa ang Diyos kay Rachel. Sinagot nya ang prayer nito at binigyan na sya ng anak. 23 Nabuntis sya at nanganak ng lalaki. Sabi nya, “Inalis na ako ng Diyos sa kahihiyan. 24* Sana bigyan pa ako ni Lord ng isa pang anak,” kaya Joseph ang pinangalan nya sa bata.
Ang Request ni Jacob kay Laban
25 Nung pinanganak na ni Rachel si Joseph, sabi ni Jacob kay Laban, “Payagan nyo na akong umuwi sa amin. 26 Ibigay nyo po sa akin ang mga asawa at mga anak na pinaghirapan ko, tapos aalis na ako. Alam nyo naman kung paano ako nagtrabaho sa inyo.”
27 Pero sabi ni Laban sa kanya, “May sasabihin sana ako sayo. Nalaman ko sa panghuhula na bine-bless ako ni Lord dahil sayo. 28 Sabihin mo kung magkano ang gusto mong sweldo, at ibibigay ko.”
29 Sumagot si Jacob, “Alam nyo mismo kung paano ako nagtrabaho sayo at paano dumami yung mga hayop nyo na inalagaan ko. 30 Konti lang ang mga alaga nyong hayop bago ako dumating, pero ngayon, sobrang dami na. Bliness kayo ni Lord kasi nandito ako. Kelan ko naman maaasikaso ang sarili kong pamilya?”
31 “Ano bang gusto mong bayad?” tanong ni Laban.
32 Titingnan ko po ngayon lahat ng mga alaga mong hayop, tapos kukunin ko yung mga itim na tupa at may batik-batik, pati yung mga kambing na may spots. Yan ang gusto kong bayad. 33 Mache-check mo naman kung dadayain kita o hindi, pag tiningnan mo na yung bayad na hinihingi ko. Pag may nakita ka sa akin na kambing na walang spot, o kaya tupa na hindi itim, ibig sabihin ninakaw ko yun.”
34 Sumagot si Laban, “Okay sige. Gawin natin yang sinabi mo.” 35 Pero nung araw na yun, hiniwalay ni Laban yung mga lalaking kambing na may stripes at yung may spots, saka lahat ng babaeng kambing na may batik-batik o may puti-puti. Hiniwalay din nya yung mga itim na tupa. Pinabantayan nya ang mga yun sa mga anak nya, 36 tapos lumayo sya kay Jacob, mga tatlong araw na lakad yung layo. Inalagaan naman ni Jacob yung mga naiwang hayop ni Laban.
37 Tapos, pumutol si Jacob ng mga sariwang sanga ng tatlong klaseng puno. Binalatan nya yun nang konti para lumabas yung puti-puting part ng mga sanga. 38 Nilagay nya yun sa tapat ng lugar na pinag-iinuman ng mga tupa, kasi nag-aasawahan yung mga tupa pag umiinom sila. 39 So pag nagbi-breed yung mga tupa sa harap nung mga sanga, nagkakaron ng stripes, batik-batik, o mga spots yung pinapanganak nila.
40 Hiniwalay ni Jacob yung mga babaeng tupa. Pag ready na silang makipag-breed, hinaharap nya ang mga yun sa mga may stripes at sa lahat ng itim na hayop ni Laban. Dahil dun, nagkaron si Jacob ng sarili nyang mga hayop, at hiniwalay nya yun sa mga hayop ni Laban.
41 Tapos, pag healthy yung mga hayop na nagpa-partner, pinupwesto ni Jacob yung mga batik-batik na sanga sa harap nila, dun sa may pinag-iinuman, para dun sila mag-breed sa harap nun. 42 Pero pag hindi healthy yung nagpa-partner, di nya nilalagay yung sanga. Kaya napupunta kay Laban yung mahihina, tapos kay Jacob naman yung malalakas. 43 Dahil dyan, sobrang yumaman si Jacob. Nagkaron sya ng maraming hayop, mga alipin, mga camel, at mga donkey.
Footnotes
30:6
+ DAN: Katunog nito yung Hebrew word para sa “pinaboran sa hatol.”
30:8
+ NAPHTALI: Katunog nito yung Hebrew word para sa “laban.”
30:11
+ GAD: Katunog nito yung Hebrew word para sa “swerte.”
30:13
+ ASHER: Katunog nito yung Hebrew word para sa “masaya.”
30:14
+ MANDRAKES: Halamang may bulaklak, nakakalakas daw ng sex drive at nakakatulong para mabuntis ang babae.
30:18
+ ISSACHAR: Katunog nito yung Hebrew word para sa “reward.”
30:20
+ ZEBULUN: Katunog nito yung Hebrew word para sa “ituring na mahalaga.”
30:24
+ JOSEPH: Katunog nito yung mga Hebrew word para sa “inalis” at “bigyan pa ng isa.”