1 At ganun nga natapos ang pag-create sa langit at lupa, at sa lahat ng nandun. 2 Nung pampitong araw, natapos na ng Diyos ang lahat ng ginawa nya kaya nagpahinga sya. 3 Bliness nya ang araw na yun at ginawa nyang special, kasi yun yung araw na nagpahinga sya pagkatapos nyang gawin ang creation. 4 Ganito nga crineate ng Diyos ang langit at ang lupa.
Ang Garden ng Eden
5 wala pang mga halaman at tumutubong tanim sa lupa kasi di pa sya nagpapadala ng ulan at wala pang nagsasaka. 6 Pero may tubig na nanggagaling sa ilalim ng lupa at yun ang nagdidilig dito.
7 Tapos kumuha si Lord God ng lupa at shinape nya yun na tao. Hiningahan nya yun sa ilong at nagkaron ng buhay ang tao.
8 After nun, gumawa si Lord God ng garden sa Eden, sa bandang East, at dun nya nilagay yung taong crineate nya. 9 Pinatubo nya dun ang mga puno na magaganda at masasarap ang bunga. Sa gitna ng garden, nandun yung puno na nagbibigay ng buhay, at isa pang puno na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama.
10 Umaagos sa Eden ang isang ilog na dumidilig sa garden. Mula dun, nahahati ito sa apat na ilog. 11 Pishon ang tawag sa unang ilog at umaagos yun sa palibot ng buong lupain ng Havilah. 12 Makikita dun ang purong ginto, mga kakaibang pabango at mamahaling bato. 13 Gihon naman ang tawag sa pangalawang ilog, umaagos ito sa palibot ng buong lugar ng Cush. 14 Ang pangatlong ilog na tinatawag na Tigris ay umaagos sa east ng Assyria. At ang pang-apat na ilog ay ang Euphrates.
15 Tapos nilagay ni Lord God ang tao sa Garden ng Eden para bungkalin at alagaan ito. 16 Sinabi nya sa tao, “Pwede mong kainin ang lahat ng prutas sa garden, 17 except sa puno na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Wag na wag kang kakain ng prutas ng punong yun. Pag kumain ka nun, mamamatay ka sa araw ding yun.”
18 Tapos sinabi ni Lord God, “Hindi maganda sa tao ang mabuhay mag-isa. Gagawa ako ng kasama nya na makakatulong nya.” 19 So kumuha sya ng lupa at mula dun, ginawa nya ang lahat ng mga hayop at ibon. Dinala nya ang mga ito sa tao para tingnan kung ano ang itatawag nito sa kanila. Kung ano ang tinawag sa kanila ng tao, yun ang naging pangalan nila. 20 Binigyan nga ng tao ng pangalan ang lahat ng ibon at hayop, pero wala ni isa man sa mga ito ang nababagay na kasama at makakatulong nya.
21 Kaya pinatulog ni Lord God nang mahimbing ang tao saka kinuha ang isa sa mga ribs nito at sinara ang laman sa tapat nun. 22 Gumawa sya ng isang babae mula sa rib na kinuha nya, at dinala nya yung babae sa lalaki. 23* Tapos sinabi ng lalaki,
“Sa wakas, eto na ang isang kagaya ko—
Buto ng aking buto, laman ng aking laman.
Tatawagin syang ‘Babae’ kasi galing sya sa lalaki.”
24 Dahil dun, iniiwan ng lalaki yung tatay at nanay nya para sumama sa asawa nya, at sila ay nagiging isa.
25 Parehong hubad yung lalaki at babae, pero hindi sila nahihiya.
Footnotes
2:23
+ TATAWAGIN…LALAKI: Sa Hebrew, halos magkatunog ang mga salita para sa “babae” at “lalaki.”