Si Hagar at si Ishmael
1 Hindi magkaanak ang asawa ni Abram na si Sarai, pero meron syang babaeng alipin na Egyptian, si Hagar. 2 Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Makinig ka, hindi ako binibigyan ni Lord ng anak. Sipingan mo na lang ang alipin ko. Baka sakaling magkaanak sya para sa akin.” Pumayag si Abram sa sinabi ni Sarai. 3 So, binigay nga ni Sarai si Hagar para maging asawa din ni Abram. Ten years na silang nakatira sa Canaan nung nangyari yun. 4 Sinipingan nga ni Abram si Hagar at nabuntis ito. Nung malaman ni Hagar na buntis sya, naging mayabang sya at minaliit nya si Sarai.
5 Tapos sinabi ni Sarai kay Abram, “Kasalanan mo kaya iniinsulto ako ni Hagar! Binigay ko sya sayo para maging asawa mo, pero mula nung malaman nyang buntis sya, minamaliit na nya ako. Si Lord na ang mag-judge kung sino sa ating dalawa ang tama!”
6 Pero sumagot si Abram, “Di ba, alipin mo sya? Bahala ka kung anong gusto mong gawin sa kanya.” Kaya minaltrato ni Sarai si Hagar hanggang sa lumayas ito.
7 Nakita ng angel ni Lord si Hagar sa isang bukal sa desert, sa daan papuntang Shur. 8 Sinabi ng angel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka galing at saan ka pupunta?”
9 Sinabi ng angel ni Lord, “Bumalik ka sa amo mo at sundin mo ang gusto nya. 10 Bibigyan kita ng maraming anak na di mabibilang sa sobrang dami. 11* Batang lalaki ang pinagbubuntis mo, at Ishmael ang ipapangalan mo sa kanya kasi narinig ni Lord na umiiyak ka at nahihirapan. 12 Mabubuhay sya na parang mailap na donkey. Kakalabanin nya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Hindi nya makakasundo ang mga kamag-anak nya.”
13 Nasabi ni Hagar sa sarili, “Nakita ko ba talaga ang Diyos? Pero bakit di ako namatay?” Kaya si Lord na kumausap sa kanya ay tinawag nyang “Diyos na Nakakakita.” 14* Yun ang dahilan kaya tinawag na Beer-lahai-roi yung balon sa pagitan ng Kadesh at Bered.
15 Pinanganak nga ni Hagar ang anak nya kay Abram. Lalaki ang baby at Ishmael ang pinangalan nya dito. 16 Eighty-six na si Abram nung time na yun.
Footnotes
16:11
+ ISHMAEL: Sa Hebrew, “nakikinig ang Diyos” ang ibig sabihin ng pangalang ito.
16:14
+ BEER-LAHAI-ROI: Sa Hebrew, “ang balon ng buháy na Diyos na nakakakita sa akin” ang ibig sabihin ng salitang ito.