Bliness ni Isaac si Jacob
1 Matanda na si Isaac at hindi na sya makakita. Pinatawag nya si Esau, yung panganay sa magkapatid, at sabi nya, “Anak ko!”
2 Sabi ni Isaac, “Matanda na ako. Malapit na akong mamatay. 3 Kunin mo yung pana mo, yung mga gamit mo pang-hunting. Pumunta ka sa gubat at manghuli ka ng hayop para sa akin. 4 Ipagluto mo ako ng masarap na pagkain, yung favorite ko. Dalhin mo yun dito para makain ko, tapos ibe-bless kita bago ako mamatay.”
5 Nakikinig pala si Rebecca habang kinakausap ni Isaac si Esau. Kaya nung umalis na si Esau para mag-hunting ng hayop, 6 sinabi nya kay Jacob, “Narinig kong kausap ng tatay mo si Esau. Sabi nya, 7 ‘Mag-hunting ka ng hayop, tapos iluto mo nang masarap. Pagkakain ko nun, ibe-bless kita sa harap ni Lord bago ako mamatay.’ 8 So anak, ganito ang gawin mo. 9 Puntahan mo yung mga alaga natin, kumuha ka ng dalawang batang kambing, yung matataba. Tapos, iluluto ko yung favorite na pagkain ng tatay mo. 10 Dalhin mo yun sa kanya para makain nya, at ma-bless ka nya bago sya mamatay.”
11 Pero sabi ni Jacob kay Rebecca, “Nay, mabalbon si Esau, makinis naman ako. 12 Paano kung hawakan ako ni tatay tapos malaman nyang niloloko ko sya? Baka isumpa nya ako imbes na i-bless.”
13 Sumagot ang nanay nya, “Hayaan mo, aakuin ko yung sumpa na ibibigay nya sayo, basta gawin mo ang sinasabi ko, anak. Sige na, dalhan mo ako ng mga kambing.” 14 Kumuha nga si Jacob ng mga kambing at dinala yun kay Rebecca, tapos niluto nito yung paboritong pagkain ni Isaac. 15 After nun, kinuha nya yung pinakamagandang damit ni Esau na tinatago nya sa bahay at pinasuot yun kay Jacob. 16 Binalutan nya ng balat ng kambing yung mga braso ni Jacob pati yung makinis na part ng leeg nya. 17 Tapos inabot nya kay Jacob yung pinrepare nyang masarap na pagkain at tinapay.
18 Pumunta nga si Jacob sa tatay nya, at sabi nya, “Tay!”
19 Sabi ni Jacob, “Ako po ito, si Esau, yung panganay mo. Nagawa ko na yung inutos nyo. Bangon na po at tikman nyo itong dala kong karne, para ma-bless nyo na ako.”
20 Pero sabi ni Isaac, “Bakit ang bilis mo naman yatang nakahuli, anak?”
21 Sabi ni Isaac kay Jacob, “Lumapit ka nga para mahawakan kita. Si Esau ka ba talaga?” 22 Lumapit nga si Jacob sa tatay nya, at hinawakan sya nito. Sinabi ni Isaac, “Hmm, boses ni Jacob, pero yung braso, parang kay Esau.” 23 Hindi nya nakilala na si Jacob yun, kasi mabalbon yung mga braso gaya ng kay Esau. Ibe-bless na sana nya si Jacob, 24 pero nagtanong ulit sya, “Ikaw ba talaga yan, Esau, anak?”
25 Sabi ni Isaac, “Akin na yung karneng dala mo, para makain ko na at mabigyan kita ng blessing.” Inabot nga yun ni Jacob, at kumain si Isaac. Binigyan din nya ito ng wine na maiinom. 26 At sinabi ng tatay nyang si Isaac, “Halika, anak, yakapin mo nga ako.” 27 Paglapit nya para yumakap, naamoy ni Isaac ang damit nya, kaya bliness nya ito at sinabi,
“Ang mabangong amoy ng anak ko,
kasingbango ng bukid na bliness ni Lord!
28 Ibigay sana ng Diyos ang hamog galing sa langit,
at gawin nyang mataba ang lupa para sayo.
Bigyan ka sana nya ng maraming ani at alak!
29 Ang mga tao sa ibang bayan, magiging alipin mo,
at ang mga bansa, luluhod sa harap mo.
Magiging leader ka ng mga kamag-anak mo,
at luluhod sayo ang mga anak ng nanay mo.
Sumpain ang susumpa sayo,
at i-bless naman ang magbe-bless sayo.”
Nagmakaawa si Esau para sa Blessing ni Isaac
30 Bliness na nga ni Isaac si Jacob. Pagkaalis ni Jacob, saka naman dumating si Esau galing sa pagha-hunting. 31 Nagluto din sya ng masarap na pagkain at dinala yun sa tatay nya. Sabi nya, “Tay, upo na kayo, kainin nyo itong niluto kong karne para sayo, para ma-bless nyo na ako.”
32 “Sino ka?” tanong ni Isaac sa kanya.
33 Nanginig ang buong katawan ni Isaac. Sabi nya, “Eh sino yung nagdala sa akin ng pagkain na hinunting daw nya? Kakatapos ko lang kumain bago ka dumating. Bliness ko na sya, at hindi ko na yun mababawi.”
34 Pagkarinig dito ni Esau, umiyak sya nang sobrang lakas, nasaktan talaga sya. Sabi nya, “I-bless mo din ako, Tay. Please, ako rin!”
35 Sumagot si Isaac, “Pumunta dito yung kapatid mo at niloko nya ako. Nakuha na nya yung blessing na para sayo.”
36* Sabi ni Esau, “Tama lang talaga na Jacob ang pangalan nya. Inisahan na naman nya ako. Dati, kinuha nya yung karapatan ko bilang panganay, tapos ngayon, kinuha pa nya yung blessing na para sa akin.” Tapos sabi pa ni Esau, “Wala na po bang natirang blessing para sa akin?”
37 Sumagot si Isaac, “Anak, ginawa ko na syang amo mo, ginawa ko na ring alipin nya ang lahat ng kamag-anak nya. Binigyan ko na sya ng pagkain at alak. Wala na akong mabibigay sayo, anak.”
38 Nagmakaawa pa rin si Esau sa tatay nya, “Tay, isa lang po ba talaga ang blessing mo? I-bless mo din ako, Tay!” At umiyak pa si Esau.
39 Sabi ni Isaac sa kanya,
“Makinig ka, wala nang hamog para sayo galing sa langit,
malayo sa matatabang lupa ang titirhan mo.
40 Mabubuhay ka sa pakikipaglaban,
at magiging alipin ka ng kapatid mo.
Pero pag nagrebelde ka,
makakalaya ka sa kontrol nya.”
41 Galit na galit si Esau kay Jacob kasi napunta sa kanya yung blessing ng tatay nya. Sabi ni Esau sa sarili, “Malapit nang mamatay ang tatay ko. After naming magluksa, papatayin ko si Jacob.”
42 Pero nabalitaan ni Rebecca ang balak ng panganay nyang si Esau, kaya pinatawag nya ang bunso nyang si Jacob at sinabihan, “Makinig ka. Balak kang patayin ng kuya mo kasi gusto nyang makaganti sayo. 43 Ganito gawin mo, anak. Umalis ka na at pumunta ka sa Haran, sa kuya kong si Laban. 44 Dun ka muna mag-stay hanggat di humuhupa ang galit ng kuya mo. 45 Pag di na sya galit at nalimutan nya na yung ginawa mo sa kanya, ipapasundo kita dun. Hindi ako papayag na parehong mawala sa akin ang mga anak ko sa loob lang ng isang araw.”
Pinapunta ni Isaac si Jacob kay Laban
46 Sinabi ni Rebecca kay Isaac, “Ayoko na, pagod na akong makisama sa mga Hittites na asawa ni Esau. Pag Hittite din ang naging asawa ni Jacob, mas gusto ko na lang mamatay.”
Footnotes
27:36
+ JACOB: Katunog nito yung Hebrew word para sa “manloloko.”