Si Cain at si Abel
1* Sinipingan ni Adam ang asawa nyang si Eve. Nabuntis si Eve at nanganak, Cain ang pinangalan sa baby. Sabi nya, “Nagkaron ako ng anak na lalaki sa tulong ni Lord.” 2 Tapos nagkaanak ulit sya, Abel naman ang pangalan. Nung lumaki sila, naging shepherd si Abel at farmer naman si Cain. 3 Minsan, nag-offer si Cain kay Lord ng mga hinarvest nya. 4 Nagdala naman si Abel ng isang panganay ng alaga nyang hayop. Pinatay nya yun at inoffer ang pinakamahalagang parte nun kay Lord. Natuwa si Lord kay Abel at sa offering nito, 5 pero ni-reject nya si Cain at ang offering nito. Dahil dun, galit na galit si Cain at kitang-kita yun sa mukha nya. 6 Tapos sabi ni Lord sa kanya, “Bakit ka nagagalit? Bakit ganyan ang mukha mo? 7 Kung tama ang ginawa mo, masaya ka sana ngayon. Pero dahil mali ang ginawa mo, nandyan na ang kasalanan, parang mabangis na hayop na nag-aabang sa pinto. Gusto nyang kontrolin ka, pero dapat matalo mo sya.”
8 Isang araw, sinabi ni Cain sa kapatid nya, “Tara, punta tayo sa bukid.” Pagdating dun, bigla nyang sinugod si Abel at pinatay.
9 Tapos, tinanong ni Lord si Cain, “Nasan si Abel na kapatid mo?”
10 Sabi ni Lord, “Ano itong ginawa mo? Dumanak sa lupa ang dugo ng kapatid mo at humihingi yun sa akin ng hustisya. 11 Dahil dyan, isusumpa kita. Hindi ka na pwedeng magbungkal ng lupa kasi dyan dumanak ang dugo ng kapatid mo na pinatay mo. 12 Kahit magbungkal ka ng lupa at magtanim, walang tutubo dun. Wala kang lugar na matitirhan at magiging pagala-gala ka sa mundo.”
13 Sabi ni Cain, “Sobrang bigat naman ng parusa mo sa akin. 14 Gusto mo akong palayasin sa lugar na ito at ilayo sayo. Wala na akong matitirhan at pagala-gala na lang ako sa mundo. Malamang patayin ako ng kahit sinong makakita sa akin.”
15 Pero sumagot si Lord, “Hindi. Pag may pumatay sayo, pitong beses na mas matindi ang magiging parusa nya.” Kaya nilagyan ni Lord ng palatandaan si Cain para warningan ang mga tao na wag syang patayin. 16 Lumayo nga si Cain kay Lord at tumira sa lupain ng Nod, sa east ng Eden.
Ang Lahi ni Cain
17 Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa, nabuntis ito at pinanganak si Enoch. Nagtayo si Cain ng city at pinangalan yun sa anak nya. 18 Anak ni Enoch si Irad, na tatay ni Mehujael. Anak naman ni Mehujael si Methusael, na tatay ni Lamech. 19 Dalawa ang naging asawa ni Lamech, sina Adah at Zillah. 20 Anak ni Adah si Jabal, na ninuno ng mga nag-aalaga ng mga baka at tumitira sa mga tent. 21 Ang kapatid nya namang si Jubal ang ninuno ng lahat ng mga tumutugtog ng harp at flute. 22 Anak ni Zillah si Tubal Cain. Sya ang gumawa ng lahat ng tools na gawa sa bronze at bakal. Si Naamah naman ang kapatid na babae ni Tubal Cain.
23 Sinabi ni Lamech sa mga asawa nya:
“Adah at Zillah, makinig kayo,
pinatay ko ang isang binata kasi sinugatan nya ako.
24 Pitong buhay ang bayad sa pagpatay kay Cain,
pero pag ako ang pinatay, 77 ang sisingilin.”
Si Seth at si Enosh
25* Sinipingan ulit ni Adam ang asawa nya, at lalaki ang naging anak nito. Sabi ni Eve, “Binigyan ako ng Diyos ng isa pang anak, kapalit sya ni Abel na pinatay ni Cain.” Kaya Seth ang pinangalan nya dito. 26 Nagkaanak si Seth ng lalaki, Enosh ang pangalan. Sa time na yun nagsimulang sumamba ang mga tao kay Lord.
Footnotes
4:1
+ CAIN: Katunog nito yung Hebrew word para sa “nakuha.”
4:25
+ SETH: Katunog nito yung Hebrew word para sa “binigyan.”