Genesis
Chapter 7
Ang Baha
1 Sinabi ni Lord kay Noah, “Pumasok na kayo ng pamilya mo sa barko. Nakita ko na ikaw lang ang gumagawa ng tama sa mundo. 2* Magdala ka ng pitong pares, lalaki at babae, ng lahat ng malinis na hayop, pero isang pares lang para dun sa di-malinis. 3 Magdala ka rin ng pitong pares ng bawat klase ng ibon. Gawin mo ito para makapagparami ulit sila sa mundo. 4 One week mula ngayon, magpapaulan ako sa loob ng 40 days at 40 nights para mawala na sa mundo ang lahat ng crineate ko.” 5 At ginawa nga ni Noah ang lahat ng inutos sa kanya ni Lord.
6 Six hundred years old na si Noah nung bumaha sa mundo. 7 Pumasok sya sa barko, pati ang asawa nya, mga anak, at mga asawa ng mga anak nya para di sila malunod sa baha. 8 Isang lalaki at isang babae ng bawat hayop at ibon, malinis man o hindi, 9 ang kasama ni Noah sa barko, gaya ng inutos ng Diyos. 10 After seven days, bumaha nga sa mundo.
11 Nung 600 years old na si Noah, sa pang-17 na araw ng pangalawang buwan, nabuksan ang lahat ng mga bukal sa ilalim ng lupa. Nabuksan din ang mga bintana ng langit 12 at umulan sa loob ng 40 days at 40 nights. 13 Nung araw ding yun, pumasok sa barko si Noah at ang asawa nya, ang mga anak nyang sina Shem, Ham, at Japheth, at ang mga asawa nila. 14 Kasama din nila dun ang lahat ng klase ng hayop—maamo at mabangis, malaki at maliit—at lahat ng klase ng ibon. 15 Isang lalaki at isang babae ng lahat ng hayop ang kasama ni Noah sa barko, 16 gaya ng utos ng Diyos. Tapos, sinara ni Lord ang pinto ng barko.
17 Tuluy-tuloy ang buhos ng ulan sa loob ng 40 days at tumaas ang tubig hanggang sa lumutang ang barko. 18 Tumaas pa yung baha sa mundo at nagpalutang-lutang dun yung barko. 19 Naging sobrang taas na ng baha at nalubog na dun ang lahat ng matataas na bundok. 20 Tumaas pa ang tubig hanggang sa lumampas yun nang mga 25 feet sa tuktok ng mga bundok. 21 Namatay ang lahat ng nasa mundo—bawat ibon, bawat hayop, bawat tao. 22 Namatay nga ang lahat ng may buhay sa mundo. 23 Binura ni Lord sa mundo yung lahat ng nabubuhay—mga tao, mga hayop, at mga ibon. Si Noah lang ang natira at ang lahat ng kasama nya sa barko. 24 Hindi humupa ang baha sa loob ng 150 days.

Footnotes


7:2 + MALINIS NA HAYOP: Mga hayop na tinatanggap ng Diyos bilang alay sa kanya at pwedeng kainin ng mga tao.
7:2 + DI-MALINIS: Mga hayop na hindi tinatanggap ng Diyos bilang alay sa kanya at di pwedeng kainin ng mga tao.