Bliness ng Diyos si Jacob sa Bethel
1 Sinabi ng Diyos kay Jacob, “Pumunta ka sa Bethel, at dun ka tumira. Gumawa ka dun ng altar para sa akin, ako ang Diyos na nagpakita sayo nung tinatakasan mo ang kapatid mong si Esau.”
2 So, sinabi ni Jacob sa pamilya nya at sa lahat ng kasama nya, “Itapon nyo na ang mga diyus-diyosan ng ibang bayan na nasa inyo. Linisin nyo ang sarili nyo at magbihis kayo. 3 Aalis tayo dito at pupunta sa Bethel. Gagawa ako ng altar dun para sa Diyos na tumulong sa akin nung panahong nahihirapan ako, at kasama ko sa lahat ng pinuntahan ko.” 4 Kaya binigay nila kay Jacob lahat ng mga diyus-diyosan nila, pati yung mga hikaw na suot nila. Ibinaon yun ni Jacob sa ilalim ng oak tree malapit sa Shechem.
5 Nung paalis na si Jacob at ang mga anak nya, takot na takot yung mga tao sa mga katabing bayan, kaya hindi na sila hinabol ng mga ito. 6 Dumating si Jacob sa Luz, na tinatawag na ngayong Bethel na isang lugar sa Canaan. Kasama nya ang lahat ng mga tao nya. 7 Gumawa sya dun ng altar at pinangalan ang lugar na yun sa Diyos ng Bethel, kasi dun nagpakita ang Diyos sa kanya nung tinatakbuhan nya ang kuya nya. 8 Tapos, namatay si Deborah, ang yaya ni Rebecca, at nilibing ito sa ilalim ng isang oak tree sa bandang south ng Bethel. Tinawag na “Oak Tree ng Pag-iyak” ang punong yun.
9 Nung pabalik na si Jacob galing Mesopotamia, nagpakita ulit ang Diyos sa kanya at bliness sya. 10 Sabi ng Diyos sa kanya, “Jacob ang pangalan mo, pero simula ngayon, Israel na.” So tinawag na syang Israel. 11 At sinabi ng Diyos sa kanya, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Magkaron ka ng maraming anak. Manggagaling sa lahi mo ang maraming bansa, at magiging ninuno ka ng mga hari. 12 Ibibigay ko sayo ang lupang binigay ko kina Abraham at Isaac, at ibibigay ko rin yun sa magiging lahi mo.” 13 Tapos, iniwan na sya ng Diyos. 14 At sa lugar na yun kung saan sya kinausap ng Diyos, nagtayo si Jacob ng batong magpapaalala sa nangyari dun. Dinedicate nya yun at binuhusan ng wine at olive oil. 15 Tinawag nyang Bethel ang lugar na yun.
Namatay si Rachel
16 Umalis sa Bethel si Jacob at ang pamilya nya. Nung malayu-layo pa sila sa Ephrath, naramdaman ni Rachel na manganganak na sya, at nahirapan sya sa pagle-labor. 17 Nung sobrang sakit na ng pagle-labor nya, sabi sa kanya ng midwife, “Wag kang matakot, Rachel, lalaki ulit ang anak mo!” 18* Pero halos mamatay na sya. At sa huling hininga nya, tinawag nyang Benoni ang anak nya, pero Benjamin naman ang pinangalan ng tatay sa bata.
19 Namatay si Rachel, at nilibing sya sa tabi ng daan papunta sa Ephrath, na tinatawag ngayong Bethlehem. 20 Naglagay si Jacob ng batong palatandaan sa libingan ni Rachel, at nandun pa rin yun hanggang ngayon. 21 Tumuloy sa paglalakad si Jacob at nagkampo sila sa kabilang side ng tore ng Eder.
Ang mga Anak ni Jacob
(1 Chronicles 2:1-2)
22 Nung nakatira si Jacob sa lugar na yun, nakipag-sex si Reuben kay Bilhah, yung katulong na naging asawa ng tatay nya. Nabalitaan ito ni Jacob at galit na galit sya.
23 Anim kay Leah: sina Reuben (panganay ni Jacob), Simeon, Levi, Judah, Issachar, at Zebulun. 24 Dalawa kay Rachel: sina Joseph at Benjamin. 25 Dalawa kay Bilhah, yung katulong ni Rachel: sina Dan at Naphtali. 26 At dalawa kay Zilpah, yung katulong ni Leah: sina Gad at Asher. Pinanganak silang lahat sa Mesopotamia.
Namatay si Isaac
27 Dinalaw ni Jacob ang tatay nyang si Isaac sa Mamre, na tinatawag ding Kiriath-arba o Hebron. Dun tumira sina Abraham at Isaac. 28 Nabuhay si Isaac hanggang 180 years old 29 at matandang-matanda na sya nung mamatay. Nilibing sya ng mga anak nyang sina Esau at Jacob.
Footnotes
35:18
+ BENONI: Sa Hebrew, “anak ng kalungkutan ko” ang ibig sabihin ng pangalang ito.
35:18
+ BENJAMIN: Sa Hebrew, “anak na ibe-bless” ang ibig sabihin ng pangalang ito.