Wala nang Baha
1 Hindi kinalimutan ng Diyos si Noah at ang lahat ng hayop na kasama nya sa barko. Pinaihip ng Diyos ang hangin at nagsimulang bumaba ang baha. 2 Nagsara ang mga bukal sa lupa pati yung mga bintana ng langit. Tumigil ang ulan, 3 at unti-unting humupa ang baha sa loob ng 150 days. 4 Sa pang-17 na araw ng pampitong buwan, sumadsad ang barko sa isang bundok sa Ararat. 5 Bumaba pa nga ang tubig, at sa unang araw ng pangsampung buwan, lumitaw na ang tuktok ng mga bundok.
6 Pagkatapos ng 40 days, binuksan ni Noah ang bintana ng barko 7 at nagpalipad sya ng isang uwak. Lumipad lang yun nang lumipad hanggang sa matuyo ang lupa. 8 Tapos, nagpalipad naman sya ng kalapati para i-check ulit kung wala nang baha. 9 Pero dahil may baha pa, walang madapuan yung kalapati kaya lumipad ito pabalik sa barko. Nilabas ni Noah ang kamay nya para ipasok ulit yung kalapati. 10 Naghintay si Noah ng pitong araw tapos pinalipad nya ulit yung kalapati. 11 Nung maggagabi na, bumalik sa barko yung kalapati at may tuka-tuka itong dahon ng olive na bagong tubo lang! Dahil dun, nalaman ni Noah na bumaba na ang tubig. 12 Tapos, naghintay ulit sya ng pitong araw bago pinalipad ulit ang kalapati. This time, hindi na yun bumalik.
13 Sa unang araw ng unang buwan, nung 601 years old na si Noah, wala nang baha. Inalis nya ang takip ng barko, tumingin-tingin sya sa paligid at nakita nyang natutuyo na ang lupa. 14 Pagdating ng pang-27 na araw ng pangalawang buwan, natuyo na nga ang lupa!
15 Tapos, sinabi ng Diyos kay Noah, 16 “Lumabas ka ng barko kasama ang asawa mo, mga anak, at mga asawa ng mga anak mo. 17 Palabasin mo rin ang lahat ng mga kasama mong ibon at hayop, para magkaron sila ng maraming anak at magparami sila sa buong mundo.” 18 Lumabas nga si Noah ng barko kasama ang buong pamilya nya. 19 Grupo-grupo namang lumabas ng barko ang lahat ng mga hayop, lahat ng mga ibon, at lahat ng mga gumagapang at gumagalaw sa lupa.
Nag-offer si Noah ng Sacrifice
20 Tapos, gumawa si Noah ng altar para kay Lord. Kumuha sya ng isa sa bawat klase ng malinis na hayop at ibon, at sinunog ang mga yun bilang sacrifice. 21 Natuwa si Lord nung naamoy nya yung sacrifice at sinabi nya sa sarili, “Hindi ko na ulit susumpain ang lupa dahil sa mga tao, kasi bata pa lang, masama na ang nasa puso nila. Hindi ko na ulit buburahin sa mundo ang bawat buhay na crineate ko, kagaya ng ginawa ko ngayon. 22 Hanggat meron pang mundo, laging may panahon ng pagtatanim at panahon ng pag-aani. Laging darating ang panahon ng taglamig at tag-init, tag-araw at tag-ulan, umaga at gabi.”