Genesis
Chapter 44
Ang Nawawalang Kopa
1 Inutusan ni Joseph ang aliping in-charge sa bahay nya, “Punuin mo ng pagkain ang mga sako nila hanggat kasya, at ilagay mo sa ibabaw nun yung perang pinambayad nila. 2 Tapos, ilagay mo itong silver kong kopa sa sako nung bunso, kasama nung pera nya.” Ginawa nga yun ng alipin nya. 3 Nung mag-uumaga na, pinauwi na ang magkakapatid sakay ng mga donkey nila. 4 Nung hindi pa sila masyadong nakakalayo sa city, sinabi ni Joseph sa aliping in-charge sa bahay nya, “Habulin mo sila! Pag naabutan mo, sabihin mo ito, ‘Naging mabuti kami sa inyo, bakit nyo kami ginawan ng masama? 5 Bakit nyo ninakaw yung silver na kopa ng boss ko? Hindi nya lang yun ginagamit sa pag-inom, ginagamit nya din yun sa panghuhula. Ang sama-sama ng ginawa nyo!’”
6 Nung maabutan sila ng alipin, sinabi nga nya ito sa kanila. 7 Tapos sinabi nila sa alipin, “Ano pong ibig nyong sabihin, bakit nyo kami pinagbibintangan? Hinding-hindi po namin magagawa yan. 8 Yung pera nga pong nandun sa mga sako namin binalik namin sa inyo kahit galing pa kami sa Canaan. Hindi namin nanakawan ng silver o gold ang bahay ng boss nyo. 9 Sige, sir. Pag nakita nyo yun sa kahit sino sa amin, patayin nyo sya, tapos gawin nyo na kaming lahat na alipin.”
10 Sinabi nito, “Sige, payag ako! Pero yung kumuha lang ang magiging alipin, tapos yung iba, pwede nang umalis.” 11 Binaba agad nila ang mga sako sa lupa at binuksan ito. 12 Isa-isa itong tiningnan ng alipin, mula panganay hanggang sa bunso, at sa sako ni Benjamin nakita ang kopa. 13 Pinunit ng magkakapatid ang damit nila sa sobrang lungkot. Kinarga ulit nila ang mga gamit nila sa donkey at bumalik sila sa city.
14 Pagdating ni Judah at ng mga kapatid nya sa bahay ni Joseph, naabutan nila dun si Joseph. Tapos lumuhod sila sa harap nya. 15 Sabi ni Joseph sa kanila, “Ano itong ginawa nyo? Di nyo ba alam na yung mga taong kagaya ko, marunong manghula?”
16 Sabi ni Judah, “Sir, ano pa po bang masasabi namin? Wala na kaming madadahilan pa. Wala na talaga. Pinakita na ng Diyos yung kasalanan namin. Sige po, alipin nyo na kaming lahat at hindi lang yung nakitaan ng kopa.”
17 Pero sinabi ni Joseph, “Hindi! Hindi ko gagawin yan! Yung nakitaan lang ng kopa ang magiging alipin ko. Pero yung iba, pwede nang umuwi sa tatay nyo.”
Nagmakaawa si Judah para kay Benjamin
18 Lumapit si Judah kay Joseph at sinabi, “Sir, please, payagan nyo akong magsalita, wag po sana kayong magalit sa akin. Para na rin kayong hari. 19 Di po ba tinanong nyo kami kung meron pa kaming tatay o ibang kapatid? 20 Ang sabi namin, meron pa kaming tatay, at matanda na sya. Tapos yung bunso naming kapatid, pinanganak sya nung matanda na si tatay, kaya mahal na mahal sya nun. Yung kuya nya naman, patay na, kaya sya na lang yung nag-iisang anak ng nanay nya. 21 Sabi nyo dalhin namin sya dito para makita nyo sya. 22 Pero nabanggit din po namin na hindi sya pwedeng malayo sa tatay nya, kasi kung gagawin namin yun, mamamatay si tatay. 23 Pero sinabi nyo sa amin na wag kaming magpapakita sa inyo pag di namin kasama ang bunso naming kapatid.
24 “So pag-uwi namin, kinwento namin kay tatay lahat ng sinabi nyo. 25 Tapos nung pinapabalik na nya kami dito para bumili ng pagkain, 26 sinabi namin sa kanya, ‘Hindi kami pwedeng bumalik kung hindi namin kasama ang bunso naming kapatid. Makakabalik lang kami pag kasama namin sya.’ 27 Pero sabi ni tatay sa amin, ‘Alam nyo namang dalawa lang yung naging anak namin ni Rachel. 28 Yung isa, iniwan na ako, malamang nilapa sya ng mabangis na hayop, kasi hindi ko na sya nakita simula nun. 29 Matanda na ako. Kung isasama nyo din itong isa, at may masamang mangyari sa kanya, para nyo na din akong pinatay sa sobrang lungkot.’
30 “Sir, mahal na mahal ni tatay ang bunso namin. Pag umuwi kami ngayon at di namin kasama yung bata, 31 mamamatay sya. Matanda na sya kaya pag nakita nyang di namin kasama yung bata, mamamatay sya sa lungkot dahil sa amin. 32 Nag-promise din ako sa kanya na pag hindi ko naiuwi ang bunso namin, ako ang sisihin nya habang buhay. 33 So ngayon, sir, ako na lang po ang gawin nyong alipin kapalit ng bunso namin, at hayaan nyo syang makauwi kasama ng ibang mga kapatid nya. 34 Paano ako uuwi sa amin kung hindi ko kasama ang kapatid ko? Hindi ko po kayang makita yung masamang bagay na pwedeng mangyari sa tatay ko.”