Genesis
Chapter 6
Ang Kasamaan ng mga Tao
1 Dumami ang mga tao sa mundo at nagkaron sila ng mga anak na babae. 2* Nung makita ng mga heavenly beings na magaganda yung mga babaeng anak ng tao, ginawa nilang asawa kung sinong magustuhan nila sa mga yun. 3 Tapos sinabi ni Lord, “Hindi ko na papayagang mabuhay forever ang tao kasi mortal sila. Mula ngayon, hindi na lalampas sa 120 years ang buhay nila.” 4 Nung time na yun, at kahit pagkatapos pa nun, nagkaanak yung mga heavenly beings dun sa mga babae. Mga higante yung mga naging anak nila. Sila yung malalakas at sikat nung unang panahon.
5 Nung makita ni Lord na sobrang sama na ng mga tao sa mundo at palaging masama ang iniisip nila, 6 nagsisi sya na crineate nya pa sila. Ang sakit-sakit nun para sa kanya. 7 Sinabi nya, “Buburahin ko na sa mundo ang lahat ng taong crineate ko, pati ang mga hayop at ibon. Sana pala di ko na lang sila ginawa.” 8 Pero kay Noah, natutuwa si Lord.
Ang Barko ni Noah
9 Ito ang kwento ni Noah. Ginagawa nya parati ang tama at sya lang ang nag-iisang taong sumusunod sa Diyos nung panahon nya. Namuhay syang kasama ang Diyos. 10 May tatlo syang anak, sina Shem, Ham, at Japheth. 11 Except kay Noah, napakasama ng mga tao sa paningin ng Diyos. Puro karahasan ang nangyayari sa mundo. 12 Nakita ng Diyos na sobrang sama na nga ng mga tao, masasama ang lahat ng ginagawa nila.
13 Sinabi ng Diyos kay Noah, “Tatapusin ko na ang buhay ng lahat ng tao kasi dahil sa kanila, napuno ng karahasan ang mundo. Ngayon, wawasakin ko sila kasama ng mundo. 14* Gumawa ka ng barko gamit ang magandang klase ng kahoy at lagyan mo yun ng mga kulungan ng hayop. Pahiran mo ng alkitran yung loob at labas ng barko para di pasukan ng tubig. 15 Ganito ang sukat: 450 feet ang haba, 75 feet ang lapad, at 45 feet ang taas. 16 Gawan mo ng bubong at mag-iwan ka ng space na 18 inches sa pagitan ng bubong at ng mga gilid ng barko. Gawin mong tatlong floor yung barko, tapos lagyan mo ng pinto sa gilid. 17 Magpapadala ako ng baha sa mundo para mamatay lahat ng may buhay sa lupa. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo, 18 pero gagawa ako ng kasunduan natin. Pumasok kayo sa barko—ikaw, ang asawa mo, ang mga anak mo, at ang mga asawa nila. 19 Magsama ka sa barko ng lahat ng klase ng hayop para maligtas din sila, tig-dalawa bawat hayop, isang lalaki at isang babae. 20 Magsakay ka ng tig-iisang pares ng lahat ng klase ng ibon, hayop, at mga gumagapang sa lupa, para di sila mamatay. 21 Magdala ka rin ng lahat ng klase ng pagkain para sa inyo at sa mga hayop.” 22 At sinunod nga ni Noah ang lahat ng inutos sa kanya ng Diyos.

Footnotes


6:2 + heavenly beings: o kaya angels; o kaya naman anak ng Diyos.
6:14 + ALKITRAN: Itim na dagta na galing sa pine tree.