Dumating si Jacob sa Bahay ni Laban
1 Tinuloy na ni Jacob yung lakad nya papunta kina Laban, at nakarating sya sa lugar ng mga taga-East. 2 Tapos, may nakita syang balon sa bukid. May tatlong grupo ng mga tupa na nakahiga sa tabi nun, kasi dun umiinom yung mga tupa. May malaking bato na nakatakip sa balon, 3 at pag nandun na lahat ng grupo ng mga tupa, inaalis ng mga shepherd yung bato sa balon para painumin ang mga tupa. Tapos, ibabalik nila yung bato sa dating pwesto.
4 Kinausap ni Jacob yung mga shepherd, “Mga brod, taga-saan kayo?”
5 Tinanong nya sila, “Kilala nyo ba si Laban, yung apo ni Nahor?”
6 Nagtanong ulit si Jacob, “Kumusta sya, malakas pa ba?”
7 Sabi ni Jacob, “Tutal maaga pa at di nyo pa naman ikukulong yang mga tupa, bakit di nyo sila painumin, tapos dalhin nyo muna sa bukid para pakainin?”
8 Sumagot sila, “Hindi pa pwede. Hihintayin muna namin na makarating lahat ng mga tupa dito, saka aalisin yung bato dyan sa balon. Tapos, dun pa lang namin sila paiinumin.”
9 Habang nakikipag-usap si Jacob sa kanila, dumating si Rachel, kasama ang mga inaalagaan nyang tupa ng tatay nya. 10 Pagkakita ni Jacob sa pinsan nyang si Rachel at sa mga tupa ng Tito Laban nya, pumunta sya sa may balon, inalis yung batong nakatakip dun, at pinainom nya yung mga tupa. 11 Tapos, kiniss nya si Rachel sa pisngi, at naiyak sya sa sobrang tuwa. 12 Sabi nya kay Rachel, “Kamag-anak ako ng tatay mo, anak ako ni Rebecca.”
13 Nung marinig ni Laban yung tungkol sa pamangkin nyang si Jacob, tumakbo sya para salubungin ito, tapos niyakap nya si Jacob at kiniss, saka sinama pauwi. Kinwento ni Jacob kay Laban ang lahat ng nangyari, 14 at sinabi ni Laban, “Oo, kamag-anak nga kita, magkadugo nga tayo!” Nag-stay si Jacob dun nang isang buwan.
Nagtrabaho si Jacob kay Laban
15 Sinabi ni Laban kay Jacob, “Hindi porke kamag-anak kita, hindi na kita babayaran sa trabaho mo. Magkano ba ang gusto mong sweldo?” 16 May dalawang anak na babae si Laban: si Leah yung panganay, si Rachel naman yung mas bata. 17* Maganda yung mga mata ni Leah, pero si Rachel, maganda ang mukha at katawan.
18 Na-inlove si Jacob kay Rachel, kaya sabi nya, “Magtatrabaho ako nang pitong taon sa inyo, basta pumayag kayong maging asawa ko si Rachel.”
19 Sumagot si Laban, “Mas gusto ko namang ibigay sya sayo kesa sa iba pang lalaki. Sige, mag-stay ka dito sa akin.” 20 Nagtrabaho nga si Jacob nang seven years para kay Rachel, pero parang ilang araw lang yun kay Jacob kasi nga mahal nya si Rachel.
21 Sinabi ni Jacob kay Laban, “Tapos na po yung time na napag-usapan natin. Ipakasal nyo na sa akin ang anak nyo.” 22 So, naghanda si Laban para i-celebrate ang kasal at ininvite nya lahat ng tao sa lugar nila. 23 Pero nung gabing yun, imbes na si Rachel, si Leah ang dinala nya kay Jacob, at sinipingan ito ni Jacob. 24 (Binigay ni Laban kay Leah ang alipin nyang si Zilpah para maging katulong nito.) 25 Kinabukasan, nalaman ni Jacob na si Leah pala yung kasama nya buong gabi! Pinuntahan nya si Laban at sinabi, “Bakit nyo ginawa sa akin ito? Nagtrabaho ako sa inyo para kay Rachel, pero bakit nyo ako niloko?”
26 Sumagot si Laban, “Dito kasi sa amin, hindi nauunang mag-asawa yung mas bata kesa sa panganay. 27 Tapusin mo na lang itong one week na celebration, saka ko ibibigay sayo si Rachel, basta magtrabaho ka ulit sa akin nang seven years.”
28 Pumayag si Jacob, at tinapos nga nya yung one week na celebration. Tapos, binigay ni Laban ang anak nyang si Rachel para maging asawa nya. 29 (Binigay ni Laban kay Rachel ang alipin nyang si Bilhah para maging katulong nito.) 30 Sumiping din si Jacob kay Rachel, at mas minahal nya si Rachel kesa kay Leah. Tapos nagtrabaho ulit sya nang seven years kay Laban.
Ang mga Anak ni Jacob
31 Nakita ni Lord na hindi ganun kamahal ni Jacob si Leah, kaya niloob nyang magkaanak ito. Si Rachel naman, hindi magkaanak. 32* Nabuntis si Leah at nanganak ng lalaki. Sabi nya, “Nakita ni Lord ang paghihirap ko. Ngayon, mamahalin na ako ng asawa ko.” Kaya Reuben ang pinangalan nya sa bata. 33* Nabuntis ulit sya at nanganak ng lalaki. Sabi nya, “Narinig ni Lord na hindi ako mahal ng asawa ko, kaya binigyan nya ako ng anak.” Kaya Simeon ang pinangalan nya sa bata. 34* Nabuntis ulit sya, at lalaki ulit ang anak nya. Sabi nya, “Ngayon, magiging close na kami ng asawa ko kasi tatlo na ang anak ko sa kanya.” Kaya Levi ang pinangalan nya sa bata. 35* Tapos nabuntis pa sya, at lalaki ulit ang anak nya. Sabi nya, “This time, pupurihin ko si Lord,” kaya Judah ang pinangalan nya sa bata. Tapos, hindi na sya nagkaanak ulit.
Footnotes
29:17
+ Maganda: o kaya Hindi maganda.
29:32
+ REUBEN: Katunog nito yung Hebrew para sa “Heto ang isang anak na lalaki.”
29:33
+ SIMEON: Katunog nito yung Hebrew word para sa “narinig.”
29:34
+ LEVI: Katunog nito yung Hebrew word para sa “maging kadikit.”
29:35
+ JUDAH: Katunog nito yung Hebrew word para sa “purihin.”