Genesis
Introduction

Introduction

Galing ang title na Genesis sa salitang Greek na ang ibig sabihin ay “simula.” Tungkol ito sa pag-create sa universe, sa pinagmulan ng mga tao, sa ugnayan ng tao sa Diyos at sa pagkasira ng relasyon nila dahil sa kasalanan.

Pwedeng hatiin ang Genesis sa dalawa:

1) Chapter 1–11 Ang pag-create sa buong universe at sa mga tao, kasali na ang pagkalat ng mga tao sa ibat-ibang parts ng mundo. Nandito ang mga kwento nina Adam at Eve, Cain at Abel, ni Noah at ng baha, at ng tower ng Babylon.

2) Chapter 12–50 Ang history ng mga ninuno ng mga Israelites. Una si Abraham, na kilala dahil sa faith at pagsunod nya sa Diyos. Kasunod nyan ang kwento ng anak nyang si Isaac, at apo na si Jacob (na tinatawag ding Israel), at ang 12 na anak ni Jacob na bumubuo sa 12 tribes ng Israel. Binigyan ng special na atensyon si Joseph, ang isa sa 12, at kinwento yung mga dahilan kaya tumira sa Egypt si Jacob, ang mga anak nya, at ang mga pami-pamilya nila.

Ang librong ito ay kwento ng mga ginawa ng Diyos. Nagsimula ang libro sa declaration na ang lahat ng klase ng buhay ay crineate ng Diyos. Nagtapos ito sa isang pangako na may concern ang Diyos para sa kanyang bayan. Sa buong libro, ang Diyos ang bida—sya ang nagja-judge at nagpaparusa sa mga gumagawa ng mali, ang nagli-lead at tumutulong sa bayan nya, at ang nagmo-mold ng history ng tao.

Ang Genesis ay isa ring libro tungkol sa faith. Ito ang nagsisilbing foundation ng buong Bible at nagbigay ito ng mga illustration para sa mga major doctrines ng Christian faith. Ang pagbabasa ng librong ito ay makakatulong para magkaron ang isang tao ng malapit na relasyon sa Diyos, na syang nag-create ng universe at Panginoon ng lahat.

Outline

Outline

  • Ang pag-create sa universe at sa mga tao (1:1–2:25)
  • Ang simula ng kasalanan at paghihirap (3:1-24)
  • Mula kay Adam hanggang kay Noah (4:1–5:32)
  • Si Noah at ang baha (6:1–10:32)
  • Ang tower ng Babylon (11:1-9)
  • Mula kay Shem hanggang kay Abram (11:10-32)
  • Ang mga ama: Abraham, Isaac, Jacob (12:1–35:29)
  • Ang lahi ni Esau (36:1-43)
  • Si Joseph at ang mga kapatid nya (37:1–45:28)
  • Ang mga Israelites sa Egypt (46:1–50:26)