Ang Iba pang mga Anak ni Abraham
(1 Chronicles 1:32-33)
1 Nag-asawa ulit si Abraham, Keturah ang pangalan nung babae. 2 Naging anak nya sina Zimran, Jokshan, Medan, Midian, Ishbak, at Shuah. 3 Si Jokshan ang tatay nina Sheba at Dedan, at mga anak naman ni Dedan sina Asshurim, Letushim, at Leummim. 4 Ang mga anak ni Midian ay sina Ephah, Epher, Hanoch, Abida, at Eldaah. Lahat sila ay galing sa lahi ni Keturah.
5 Pinamana ni Abraham kay Isaac ang lahat ng mga ari-arian nya. 6 Pero nung buhay pa sya, nireregaluhan din nya ang mga anak nya sa iba nyang mga asawa. Pinatira nya sila sa lugar na malayo sa anak nyang si Isaac, dun sa bandang east ng lupain.
Ang Pagkamatay at Paglilibing kay Abraham
7 Umabot si Abraham sa edad na 175. 8 Mahaba ang naging buhay nya, at napakatanda na nya nung mamatay sya at malibing kasama ng mga namatay na nyang kamag-anak. 9 Nilibing sya ng mga anak nyang sina Isaac at Ishmael sa kweba ng Machpelah, sa bukid sa east ng Mamre na dating kay Ephron, anak ng Hittite na si Zohar. 10 Yun yung bukid na binili ni Abraham sa mga Hittites, at pareho sila ng asawa nyang si Sarah na nilibing dun. 11 Pagkamatay ni Abraham, bliness ng Diyos ang anak nyang si Isaac, na tumira sa Beer-lahai-roi.
Ang Lahi ni Ishmael
(1 Chronicles 1:28-31)
12 Ito ang lahi ni Ishmael, anak ni Abraham kay Hagar na isang Egyptian at alipin ni Sarah. 13 Ito ang pangalan ng mga anak ni Ishmael, mula sa pinakamatanda: si Nebaioth, Kedar, Adbeel, Mibsam, 14 Mishma, Dumah, Massa, 15 Hadad, Tema, Jetur, Naphish, at Kedemah. 16 Sila ang 12 na anak ni Ishmael na naging leader ng mga angkan nila. Pinangalan sa kanila yung mga bayan at lugar na tinitirhan nila. 17 Nabuhay si Ishmael hanggang 137 years, tapos namatay sya at nilibing kasama ng mga namatay na nyang kamag-anak. 18 Tumira yung lahi nya sa lupain sa pagitan ng Havilah at Shur, sa east ng Egypt papunta sa Assyria. Tumira sila malayo sa iba pang mga anak ni Abraham.
Pinanganak sina Esau at Jacob
19 Ito naman ang kwento ni Isaac na anak ni Abraham. 20 Forty years old si Isaac nung naging asawa nya si Rebecca. Anak sya ni Bethuel na isang Aramean galing sa Mesopotamia at kapatid sya ni Laban. 21 Hindi magkaanak si Rebecca, kaya nag-pray si Isaac kay Lord. Sinagot ni Lord ang prayer nya, at nabuntis nga si Rebecca. 22 Kambal yung magiging anak nya, at nasa tiyan pa lang, nag-aaway na sila. Sabi ni Rebecca, “Bakit kailangang mangyari sa akin ito?” Kaya nagtanong sya kay Lord.
23 Sabi ni Lord sa kanya,
“Dalawang bansa ang nasa iyong tiyan,
manganganak ka ng dalawang bayang magkalaban.
Magiging mas malakas yung isa kesa sa kambal nya,
magiging alipin ng mas bata yung mas matanda.”
24 Nung nanganak si Rebecca, kambal nga yung naging anak nya. 25* Mamula-mula yung balat ng unang baby at medyo mabalbon yung katawan, kaya Esau ang pinangalan sa kanya. 26* Paglabas naman nung pangalawa, mahigpit yung hawak nya sa sakong ng kapatid nyang si Esau, kaya Jacob ang pinangalan sa kanya. Sixty years old si Isaac nung pinanganak sila.
Binenta ni Esau ang Karapatan Nya Bilang Panganay
27 Lumaki yung dalawang bata. Naging mahusay na hunter si Esau at madalas nasa labas. Si Jacob naman, tahimik lang at laging nasa bahay. 28 Mas gusto ni Isaac si Esau kasi na-eenjoy nyang kainin yung mga hayop na napapatay ni Esau, pero mas gusto naman ni Rebecca si Jacob.
29 Isang araw, habang nagluluto si Jacob ng pulang beans na may sabaw, dumating si Esau galing sa pagha-hunting at gutom na gutom sya. 30* Sabi nya kay Jacob, “Gutom na gutom na ako! Pahingi nga ako ng mapulang sabaw na niluluto mo.” Yun ang dahilan kaya tinawag syang Edom.
31 Sumagot si Jacob, “Ibenta mo muna sa akin yung karapatan mo bilang panganay.”
32 Sabi ni Esau, “Sayo na! Aanhin ko naman ang pagiging panganay kung mamamatay na ako sa gutom?”
33 Sabi ni Jacob, “Sumumpa ka muna.”
34 Tapos binigyan sya ni Jacob ng tinapay at ng niluto nitong sabaw. Kumain sya at uminom, tapos umalis din agad. Ganun lang binalewala ni Esau yung karapatan nya bilang panganay.
Footnotes
25:25
+ ESAU: Katunog nito yung Hebrew word para sa “mabalbon.”
25:26
+ JACOB: Katunog nito yung Hebrew word para sa “sakong.”
25:30
+ EDOM: Katunog nito yung Hebrew word para sa “pula.”