Genesis
Chapter 3
Ang Di Pagsunod ng Tao
1 Sa lahat ng hayop na ginawa ni Lord God, ang ahas ang pinakatuso. Isang araw, tinanong ng ahas ang babae, “Sinabi ba talaga ng Diyos na bawal kayong kumain ng kahit anong prutas dito sa garden?”
2 Sumagot ang babae, “Pwede naman naming kainin ang kahit anong prutas dito sa garden 3 except sa prutas nung punong nasa gitna. Sabi ng Diyos, wag naming kainin yung prutas ng punong yun, wag din daw naming hawakan. Or else, mamamatay kami.”
4 Sumagot ang ahas, “Hindi totoo yan, di kayo mamamatay. 5 Sinabi lang yun ng Diyos kasi alam nyang kapag kinain nyo yun, magiging parang Diyos kayo, malalaman nyo kung ano ang mabuti at masama.”
6 Tiningnan ng babae ang puno at nagandahan sya dito. Mukha ngang masarap kainin ang prutas nun. Naisip din nya, “Ang sarap sigurong maging matalino.” So kumuha sya ng prutas at kinain yun. Binigyan din nya ang asawa nya at kumain din ito. 7 Tapos, namulat ang isip nila at na-realize nilang hubad sila. Kaya nagtahi sila ng mga dahon ng fig tree para ipangtakip sa sarili.
8 Nung maggagabi na, narinig nilang naglalakad si Lord God sa garden kaya nagtago sila sa likod ng mga puno. 9 Pero tinawag ni Lord God ang lalaki, “Nasaan ka?”
10 Sumagot ang lalaki, “Narinig ko po kayong naglalakad sa garden. Natakot ako kaya nagtago ako. Nakahubad po kasi ako.”
11 “Sinong may sabing nakahubad ka?” tanong ng Diyos. “Kinain mo ba yung prutas na pinagbawal ko?”
12 Sumagot ang lalaki, “Eh kasi po, binigyan ako nung babaeng binigay nyo sa akin, kaya kumain ako.”
13 Tinanong ni Lord God ang babae, “Bakit mo ito ginawa?”
Sumagot sya, “Niloko po ako ng ahas kaya kumain ako.”
Ang Judgment ng Diyos
14 Tapos, sinabi ni Lord God sa ahas,
“Dahil sa ginawa mo, ikaw lang ang susumpain
sa lahat ng mga hayop, maamo man o mabangis.
Mula ngayon, ikaw ay gagapang,
kakain ka ng alikabok habang buhay.
15 Ikaw at ang babae, aking pag-aawayin,
anak mo't anak nya, palagi kong paglalabanin.
Dudurugin ng kanyang anak ang iyong ulo,
at ang sakong ng anak nya ay tutuklawin mo.”
16 At sa babae, ganito ang sinabi nya,
“Gagawin kong napakahirap ang iyong pagbubuntis,
yung panganganak mo, gagawin kong sobrang sakit,
pero ang makasama ang iyong asawa, gugustuhin pa rin,
pangungunahan ka nya at lagi mo syang susundin.”
17 At sinabi nya kay Adam,
“Dahil nakinig ka sa asawa mo
at kinain ang prutas na pinagbawal ko,
susumpain ko ang lupa nang dahil sayo.
Habang buhay, mahihirapan ka sa pagtatanim,
para magkaron ka ng makakain.
18 Tutubo sa lupa, mga tinik at damo,
mga ligaw na halaman ang kakainin mo.
19 Pagpapaguran mo ang iyong pagkain,
hanggang bumalik ka sa lupa kung saan ka nanggaling.
Sa lupa ka galing, sa lupa ka rin babalik.”
20* Eve ang pinangalan ni Adam sa asawa nya, dahil sya ang nanay ng lahat ng tao. 21 Gumawa si Lord God ng mga damit mula sa balat ng hayop para kay Adam at sa asawa nito, at dinamitan nya sila.
Pinalayas sa Garden sina Adam at Eve
22 Pagkatapos, sinabi ni Lord God, “Ngayon kagaya na natin ang tao kasi alam na nila kung ano ang mabuti at masama. Hindi na sila pwedeng kumain ng prutas ng punong nagbibigay-buhay, kasi pag kumain sila nun, di na sila mamamatay.” 23 So, pinalayas sila ni Lord God sa garden ng Eden at pinabungkal sa kanila ang lupa kung saan sila nagmula. 24 Tapos, naglagay ang Diyos ng mga creatures na may pakpak sa bandang east ng garden. Naglagay din sya ng isang nag-aapoy na espada na umiikot sa lahat ng direksyon para walang makalapit sa puno na nagbibigay-buhay.

Footnotes


3:20 + EVE: Katunog nito yung Hebrew word para sa “lahat ng may buhay.”
3:20 + ADAM: Sa Hebrew, “lahat ng tao” ang ibig sabihin ng pangalang ito.