Genesis
Chapter 41
Inexplain ni Joseph ang Panaginip ng Hari
1 After two years, nanaginip ang hari ng Egypt. Nakatayo daw sya sa tabi ng Nile River. 2 Tapos biglang may pitong magaganda at matatabang baka na umahon sa ilog at kumain ng damo. 3 After nun, may pitong pangit at payat na baka naman na umahon din sa ilog. Lumapit sila at tumayo sa tabi nung ibang baka. 4 Kinain ng mga payat na baka yung matatabang baka. Tapos nagising ang hari. 5* Nakatulog ulit ang hari at nanaginip ulit sya. May pitong uhay daw ng grain na tumubo at unti-unting lumago, malaki at mataba ang mga yun. 6 After nun, may tumubo pang pitong uhay ng grain, pero payat at lanta ang mga yun dahil sa init ng hangin sa desert. 7 Tapos kinain ng mga payat na grain yung matataba. Nagising ang hari at na-realize nyang panaginip lang pala yun. 8 Kinabukasan, hindi sya mapakali. Kaya pinatawag nya ang lahat ng mga magician at wise men sa Egypt. Kinwento nya yung mga naging panaginip nya, pero walang makapag-explain nito sa kanya.
9 Tapos sinabi nung taga-serve ng wine sa hari, “May kasalanan po ako, ngayon ko lang naalala. 10 Dati po, nagalit kayo sa amin ng head ng mga panadero, at pinakulong nyo kami sa bahay ng kapitan ng mga guard. 11 Isang gabi, pareho po kaming nanaginip, tapos may kanya-kanyang meaning yung panaginip namin. 12 May kasama po kami dung binatang Hebrew, yung alipin nung kapitan ng mga guard. Kinwento namin sa kanya yung panaginip namin, tapos inexplain nya sa amin yung meaning nun. 13 Nangyari pong lahat yung mga sinabi nya sa amin, nabalik nga ako sa posisyon, at binitay nga ang panadero.”
14 Pinatawag agad ng hari si Joseph. Nilabas sya sa kulungan, tapos nag-ahit sya, nagbihis ng bagong damit, at humarap agad sa hari. 15 Sabi ng hari sa kanya, “Nanaginip ako, pero wala ni isang makapag-explain nun sa akin. May nagsabi sa akin na kaya mong mag-explain ng panaginip.”
16 “Hindi po ako,” sabi ni Joseph. “Ang Diyos ang magbibigay ng magandang paliwanag sa panaginip nyo.”
17 Kinwento ng hari ang panaginip nya: “Nakatayo daw ako sa may Nile River. 18 Tapos may pitong magaganda at matatabang baka na umahon sa ilog at kumain ng damo. 19 After nun, may umahon din na pitong pangit at payat na baka. First time kong makakita ng ganun kapayat na baka sa Egypt. 20 Tapos, kinain ng mga payat na baka yung mga matabang baka. 21 Pero after nilang kainin yun, parang walang nagbago sa kanila, ang papayat pa rin nila. Tapos, nagising na ako. 22 Nanaginip ulit ako. May nakita akong pitong uhay ng grain na malaki at mataba, tumubo yun at unti-unting lumago. 23 May pitong uhay din ng grain na tumubo, payat at lanta naman ang mga yun dahil sa init ng hangin sa desert. 24 Kinain ng mga payat na uhay yung matataba. Kinwento ko ito sa mga magician, pero walang makapag-explain nito sa akin.”
25 Sinabi ni Joseph sa hari, “Pareho lang po yung meaning ng dalawa nyong panaginip. Pinapakita sa inyo ng Diyos kung ano ang gagawin nya. 26 Yung meaning po nung pitong matabang baka ay pitong taon, at pitong taon din ang meaning ng pitong uhay na may madaming grain. Parehas lang po ang meaning nila. 27 Yung pitong payat na baka at pitong payat na uhay ay seven years ng taggutom. 28 Sabi ko nga po sa inyo, pinapaalam sa inyo ng Diyos kung ano ang gagawin nya. 29 Sa loob ng seven years, magiging masagana ang buong Egypt. 30 Pagkatapos nun, pitong taon na taggutom naman. Makakalimutan ng lahat ang masaganang taon ng Egypt kasi masasalanta sila ng taggutom. 31 Hindi na nila maaalala ang masaganang taon dahil sa sobrang tindi ng taggutom na kasunod nun. 32 Mahal na hari, dalawang beses nyo yang napanaginipan. Ibig sabihin, tinakda na yan ng Diyos at malapit nang mangyari.
33 “Kaya ngayon, pumili kayo ng taong matalino at may kakayahang mamahala sa buong Egypt. 34 Tapos, mag-assign kayo ng mga magsu-supervise sa lupain, para ipunin ang 20% ng mga ani sa loob ng pitong taong sagana ang harvest. 35 Ipakolekta nyo sa kanila ang lahat ng pagkain sa time na yun, tapos ipaimbak nyo ang mga yun sa mga bodega ng mga city, at pabantayang mabuti. 36 Yung mga naipong pagkain ay gagamiting supply sa paparating na seven years na taggutom sa Egypt, para hindi mamatay sa gutom ang mga tao.”
Ginawang Governor si Joseph sa Egypt
37 Nagustuhan ng hari at ng mga officials nya yung plano ni Joseph. 38 Sinabi ng hari sa kanila, “May iba pa bang pwedeng mamuno dito bukod kay Joseph? Nasa kanya ang Espiritu ng Diyos.” 39 Sinabi ng hari kay Joseph, “Pinakita sayo ng Diyos ang lahat ng ito, kaya alam kong wala nang mas matalino at marunong pa kesa sayo. 40 Ikaw ang gagawin kong in-charge sa buong bansa. Susundin ng lahat ang mga utos mo. Ako lang ang mas mataas kesa sayo, kasi syempre hari ako. 41 Ina-appoint kita ngayon bilang governor ng buong Egypt.” 42 Inalis ng hari ang singsing nya na may seal at sinuot ito kay Joseph. Binihisan din sya ng mamahaling damit at sinuotan ng gold na kwintas. 43 Binigay din kay Joseph yung pangalawang sasakyan ng hari, tapos pag dadaan sya, meron syang tagasigaw ng, “Magbigay-galang ang lahat!” Ginawa ngang governor si Joseph sa Egypt. 44 Sinabi pa ng hari kay Joseph, “Ako ang hari, pero walang kahit sino dito sa Egypt ang pwedeng gumawa ng kahit ano nang hindi mo pinapayagan.” 45 Binigyan nya si Joseph ng bagong pangalan: Zaphenath Paneah. Pinakasal sa kanya si Asenath, anak ni Potiphera, yung priest sa city ng Heliopolis. Namuno nga si Joseph sa buong Egypt.
46 Nag-start si Joseph mag-serve sa hari nung 30 years old sya. Tapos umalis sya sa palasyo at pumunta sa ibat-ibang lugar sa Egypt. 47 Seven years naging sagana ang harvest sa buong Egypt. 48 Inipon ni Joseph ang lahat ng na-harvest na pagkain sa mga city. Tinago nya sa bawat city yung mga ani na galing sa mga bukid sa paligid nun. 49 Sobrang dami ng mga na-harvest na pagkain, parang buhangin sa dagat. Sa sobrang dami, hindi nya na ni-record ang mga yun.
50 Bago dumating ang panahon ng taggutom, nagkaron ng dalawang anak si Joseph kay Asenath. 51* Manasseh ang pinangalan nya sa una nyang anak, kasi sabi nya, “Pinalimot na sa akin ng Diyos ang lahat ng paghihirap ko at ng pamilya ng tatay ko.” 52* Ephraim naman ang pinangalan nya sa pangalawa, kasi sabi nya, “Binigyan ako ng Diyos ng mga anak, dun sa lugar kung saan ako naghirap.”
53 Natapos ang seven years na sagana ang harvest sa Egypt 54 at nagsimula ang pitong taong taggutom, gaya ng sinabi ni Joseph. Walang pagkain ang ibang mga bansa, pero may pagkain sa buong Egypt. 55 Nung nagugutom na ang mga Egyptians, humingi sila ng pagkain sa hari. Sinabi ng hari sa lahat ng Egyptians, “Pumunta kayo kay Joseph. Gawin nyo kung anong sabihin nya.” 56 Lalong lumala ang taggutom sa buong Egypt. Kaya binuksan ni Joseph ang lahat ng mga bodega at binentahan nya ng pagkain ang mga Egyptians. 57 Lumala ang taggutom sa lahat ng mga bansa, kaya nagpuntahan sila sa Egypt para bumili ng pagkain kay Joseph.

Footnotes


41:5 + UHAY: Bungkos ng mga grain na nasa dulo ng tangkay ng halamang gaya ng wheat.
41:51 + MANASSEH: Katunog nito yung Hebrew word para sa “pinalimot.”
41:52 + EPHRAIM: Katunog nito yung Hebrew word para sa “binigyan ng mga anak.”