Ang Tore ng Babel
1 Nung time na yun, iisa ang language ng mga tao at pare-pareho lang ang mga salitang ginagamit sa buong mundo. 2 Habang palipat-lipat ng tirahan ang mga tao sa East, nakarating sila sa isang patag na lugar sa Babylonia at dun na sila tumira. 3* Sinabi nila sa isat-isa, “Tara, gumawa tayo ng mga bricks, at lutuin nating maigi para tumibay.” Bricks ang ginamit nila imbes na bato, at alkitran ang pinangsemento nila. 4 Sabi nila, “Tara na, gumawa tayo ng city na may tore na aabot sa langit, para sumikat tayo at di tayo magkawatak-watak dito sa mundo.”
5 Bumaba si Lord para tingnan ang city at ang tore na tinayo ng mga tao. 6 At sinabi ni Lord, “Nagkakaisa sila ngayon at iisa ang language nila. Umpisa pa lang yan ng pwede nilang gawin. Sa susunod, magagawa na nila kung anong maisipan nila! 7 Bumaba tayo at guluhin natin ang language nila para di sila magkaintindihan.” 8 So, kinalat sila ni Lord sa buong mundo at nahinto ang pagtatayo nila ng city. 9* Tinawag na Babel ang city kasi dun ginulo ni Lord ang language ng lahat ng tao, at mula dun, napunta na sila sa ibat-ibang lugar sa buong mundo.
Ang Lahi ni Shem
(1 Chronicles 1:24-27)
10 Ito ang lahi na nanggaling kay Shem. Nung 100 years old na si Shem, dalawang taon after ng baha, naging anak nya si Arpachshad. 11 Tapos, nabuhay pa sya ng 500 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
12 Nung 35 years old na si Arpachshad, naging anak nya si Shelah. 13 Tapos, nabuhay pa sya ng 403 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
14 Nung 30 years old na si Shelah, naging anak nya si Eber. 15 Tapos, nabuhay pa sya ng 403 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
16 Nung 34 years old na si Eber, naging anak nya si Peleg. 17 Tapos, nabuhay pa sya ng 430 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
18 Nung 30 years old na si Peleg, naging anak nya si Reu. 19 Tapos, nabuhay pa sya ng 209 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
20 Nung 32 years old na si Reu, naging anak nya si Serug. 21 Tapos, nabuhay pa sya ng 207 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
22 Nung 30 years old na si Serug, naging anak nya si Nahor. 23 Tapos, nabuhay pa sya ng 200 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
24 Nung 29 years old na si Nahor, naging anak nya si Terah. 25 Tapos, nabuhay pa sya ng 119 years at nagkaron ng iba pang mga anak.
26 Nung 70 years old na si Terah, naging anak nya sina Abram, Nahor, at Haran.
Ang Lahi ni Terah
27 Ito ang lahi ni Terah na tatay nina Abram, Nahor, at Haran. Si Haran ang tatay ni Lot. 28 Naunang namatay si Haran kesa sa tatay nya. Namatay sya sa lugar kung saan sya pinanganak, dun sa Ur sa Babylonia. 29 Naging asawa ni Abram si Sarai, at napangasawa ni Nahor si Milcah na anak ni Haran. Anak din ni Haran si Iscah. 30 Baog si Sarai kaya hindi sya magkaanak.
31 Sinama ni Terah ang anak nyang si Abram, ang apo nyang si Lot na anak ni Haran, at ang manugang nyang si Sarai na asawa ni Abram, at magkakasama silang umalis sa city ng Ur sa Babylonia para pumunta sa Canaan. Nakarating sila hanggang sa Haran, tapos dun na sila tumira. 32 Dun na rin namatay si Terah sa edad na 205.
Footnotes
11:3
+ BRICKS: Oblong o kaya square na blocks na gawa sa putik at ginagamit sa pagtatayo ng mga building. Pinapatuyo ito o kaya nilalagay sa special na oven para maluto at maging matibay.
11:9
+ BABEL: Katunog nito yung Hebrew word para sa “ginulo.”