Nagkita sina Jacob at Esau
1 Nakita ni Jacob na parating na si Esau na may kasamang 400 na tao, kaya pinasama nya yung mga anak nya sa mga nanay nilang sina Leah, Rachel, at yung dalawang katulong na naging asawa din nya. 2 Pinwesto nya sa harap yung mga katulong at yung mga anak nila, kasunod si Leah at ang mga anak nya, tapos sa likod, sina Rachel at Joseph. 3 Nauna si Jacob sa kanila, tapos lumuhod sya at nag-bow nang pitong beses, hanggang makalapit sya sa kuya nya. 4 Pero tumakbo si Esau para salubungin sya, niyakap sya nito nang mahigpit at kiniss sa pisngi. Tapos nag-iyakan sila. 5 Pagtingin ni Esau sa paligid, nakita nya yung mga babae at yung mga bata. Tinanong nya si Jacob, “Sino itong mga kasama mo?”
6 Lumapit ang mga katulong kasama ang mga anak nila. Lumuhod sila at nag-bow, 7 tapos nag-bow din si Leah at ang mga anak nya, at huling lumapit at nag-bow sina Joseph at Rachel.
8 Nagtanong ulit si Esau, “Eh yung mga hayop na nasalubong ko, para saan yun?”
9 Pero sabi ni Esau, “Kapatid ko, marami na ako nyan. Sayo na yan.”
10 Sabi ni Jacob, “Hindi, wag. Kung natutuwa ka nga sa akin, tanggapin mo na yung regalo ko sayo. Ngayong nakita kita, para ko na ring nakita ang mukha ng Diyos, kasi sobrang bait mo sa akin. 11 Please, tanggapin mo na itong binibigay ko sayo. Naging mabuti sa akin ang Diyos at binigay nya lahat ng kailangan ko.” Pinilit ni Jacob si Esau hanggang sa tanggapin nya ang mga yun.
12 Sabi ni Esau, “Tara, umalis na tayo, mauuna ako.”
13 Pero sabi ni Jacob, “Sir, alam mo namang mahina pa ang mga bata. Iniisip ko rin yung mga tupa at mga baka na nagpapasuso pa. Pag napwersa silang maglakad nang mabilis kahit isang araw lang, mamamatay lahat ng hayop na inaalagaan ko. 14 Sige po, mauna na kayo. Susunod ako pero mabagal lang kami, depende sa bilis na kaya ng mga alaga kong hayop at ng mga bata. Maaabutan ko rin kayo sa Edom.”
15 Sabi ni Esau, “Sige, pasasamahin ko na lang sayo yung ilang tao ko.”
16 So nung araw na yun, bumalik na si Esau sa Edom. 17* Pero si Jacob, sa Sukkoth nagpunta. Nagtayo sya dun ng bahay nya at ng mga matitirhan ng mga alaga nyang hayop, kaya tinawag na Sukkoth ang lugar na yun.
18 Pagkagaling sa Mesopotamia, safe na nakarating si Jacob sa Shechem na isang city sa Canaan. Nagtayo sya ng kampo nya malapit sa city na yun. 19 Nabili nya ang lupang yun sa lahi ni Hamor na tatay ni Shechem sa presyong 100 na pirasong silver. 20 Nagtayo sya ng altar dun at pinangalan nya yun kay El, ang Diyos ng Israel.
Footnotes
33:17
+ SUKKOTH: Sa Hebrew, “mga kubo na matitirhan” ang ibig sabihin ng salitang ito.