Genesis
Chapter 45
Nagpakilala na si Joseph
1 Hindi na makontrol ni Joseph ang emosyon nya sa harap ng mga alipin nya, kaya pinalabas nya muna sila sa kwarto. Sila-silang magkakapatid lang ang nandun nung nagpakilala si Joseph sa kanila. 2 Umiyak sya nang malakas, at sa sobrang lakas ng iyak nya, narinig yun ng mga Egyptians, at agad yung binalita sa palasyo. 3 Sinabi ni Joseph sa mga kapatid nya, “Ako ito, si Joseph. Buháy pa ba talaga si tatay?” Natakot sila nang marinig ito, kaya di sila nakasagot. 4 Tapos sinabi ni Joseph sa kanila, “Tara dito.” Lumapit nga sila at sinabi nya, “Ako yung kapatid nyong si Joseph, yung binenta nyo sa Egypt. 5 Wag na kayong mag-alala, wag nyo nang sisihin ang sarili nyo sa ginawa nyo sa akin. Dinala talaga ako dito ng Diyos para iligtas ang maraming tao. 6 Two years pa lang ang taggutom, at may five years pang walang matatanim o maaani sa lupain. 7 Pinauna ako dito ng Diyos para iligtas kayo at ang pamilya nyo. 8 So, hindi talaga kayo ang nagdala sa akin dito, kundi ang Diyos. Ginawa nya akong pinakamataas na official ng hari. Ako din ang in-charge sa buong palasyo at namamahala sa buong Egypt.
9 “Umuwi na kayo kay tatay at sabihin nyong pinapasabi ng anak nyang si Joseph na ginawa ako ng Diyos na pinakamataas na official sa buong Egypt. Tapos papuntahin nyo agad sya dito. 10 Pwede syang tumira sa Goshen para mas malapit sya sa akin, pati ang mga anak nya, mga apo, mga tupa, baka, kambing at lahat ng property nya. 11 Pag nandun kayo sa Goshen, maaalagaan ko kayo. Five years pa kasi ang taggutom, at ayokong magutom kayo pati ang pamilya nyo at mga alagang hayop.”
12 Sinabi pa ni Joseph, “Ngayon nakikita nyo, pati ikaw Benjamin, na ako talaga si Joseph. 13 Sabihin nyo kay tatay kung gaano ako ka-powerful ngayon dito sa Egypt at sabihin nyo din lahat ng nakita nyo. Sige, umalis na kayo para maisama nyo na dito si tatay.”
14 After nun, niyakap nya si Benjamin at umiyak sya. Umiyak din si Benjamin at niyakap sya. 15 Isa-isa nyang niyakap at kiniss ang mga kapatid nya habang umiiyak. Tapos kinausap na nila si Joseph.
16 Nung mabalitaan sa palasyo na dumating ang mga kapatid ni Joseph, natuwa ang hari at ang mga officials nito. 17 Sinabi nya kay Joseph, “Sabihin mo sa mga kapatid mo na punuin nila ng pagkain ang dala ng mga hayop nila at umuwi na sa Canaan. 18 Tapos bumalik sila dito kasama ang tatay at pamilya nila. Ibibigay ko sa kanila ang pinakamagandang lupain dito sa Egypt at makakain nila ang pinakamasarap na pagkain sa bansang ito. 19 Ipagamit mo sa kanila ang mga karwahe ng Egypt para sa mga asawa at mga anak nila. Tapos isama nila dito ang tatay nila. 20 Wag na silang manghinayang sa maiiwan nilang ari-arian dun, kasi magiging kanila naman ang pinakamagandang lupain sa Egypt.”
21 Sinunod nga ito ng mga anak ni Jacob. Binigyan sila ni Joseph ng mga sasakyan at mga pagkain sa pag-alis nila, tulad ng sabi ng hari. 22 Binigyan din nya ang bawat isa ng mga bagong damit. Pero kay Benjamin, 300 pieces na silver at limang bagong damit ang binigay nya. 23 Pinadala naman nya para sa tatay nya ang sampung donkey na punung-puno ng mga best na produkto ng Egypt at sampung donkey na may kargang grain, tinapay, at iba pang pagkain para sa paglalakbay nila. 24 Pinauwi na nga ni Joseph ang mga kapatid nya at sinabi, “Wag kayong mag-aaway sa daan.”
25 So, umalis nga sila sa Egypt at umuwi na sa tatay nila sa Canaan. 26 Sinabi nila kay Jacob, “Buháy po si Joseph! Sya ngayon ang namumuno sa buong Egypt.” Nabigla si Jacob at hindi sya makapaniwala.
27 Pero nung makwento na nila sa kanya ang lahat ng sinabi ni Joseph, at nung nakita nya yung mga sasakyang pinadala ni Joseph para makapunta sya sa Egypt, nabuhayan sya ng loob. 28 Sabi nya, “Totoo nga! Buháy ang anak kong si Joseph. Pupunta ako dun para makita ko sya bago man lang ako mamatay.”