Genesis
Chapter 40
Inexplain ni Joseph ang mga Panaginip
1 Isang araw, may nagawa ang taga-serve ng wine at ang head ng mga panadero na hindi nagustuhan ng hari ng Egypt. 2 Nagalit ang hari sa dalawang officials na ito 3 at kinulong sila sa bahay ng kapitan ng mga guard, kung saan nakakulong din si Joseph. 4 Matagal silang nakulong dun at si Joseph ang inassign ng kapitan para mag-serve sa kanila.
5 Isang gabi sa kulungan, nanaginip yung taga-serve ng wine at yung head ng mga panadero, at may kanya-kanyang meaning yung panaginip nila. 6 Nung umaga na, pagpunta ni Joseph sa kanila, napansin nyang mukha silang problemado. 7 Tinanong nya sila, “Bakit parang ang lungkot-lungkot nyo ngayon?”
8 Sumagot sila, “Pareho kasi kaming nanaginip, at wala man lang makapag-explain kung ano ang ibig sabihin nun.”
Sabi ni Joseph, “Ang Diyos ang nagbibigay ng kakayahang mag-explain ng panaginip. Ikwento nyo sa akin yung panaginip nyo.”
9 Sabi nung nagse-serve ng wine, “Nanaginip ako, meron daw puno ng ubas sa harap ko, 10 may tatlong sanga yun. Kakatubo pa lang ng mga dahon, namulaklak agad yung puno, tapos nahinog na yung mga ubas. 11 Hawak ko yung baso ng hari, tapos pinitas ko yung mga ubas, piniga ko yun sa baso at inabot sa kanya.”
12 Sabi ni Joseph, “Ito yung meaning ng panaginip mo. Yung tatlong sanga, ibig sabihin nun, tatlong araw. 13 At sa loob ng tatlong araw, palalayain ka ng hari, patatawarin ka at ibabalik sa dati mong posisyon. Ikaw na ulit ang magse-serve ng inumin ng hari, gaya ng ginagawa mo dati. 14 Pero pag nakalaya ka na, wag mo akong kalimutan at sana mabanggit mo ako sa hari para makalabas na ako dito. 15 Kasi kinuha lang ako sa lugar ng mga Hebrew, tapos kinulong ako dito kahit wala akong kasalanan.”
16 Nung marinig ng head ng mga panadero na maganda yung interpretation ng panaginip sa nagse-serve ng wine, sabi nya kay Joseph, “Nanaginip din ako. May tatlong basket daw ng tinapay na patung-patong sa ulo ko. 17 Yung basket sa pinakataas, may ibat-ibang pagkaing na-bake para sa hari, pero kinakain yun ng mga ibon.”
18 Sabi ni Joseph, “Ito yung meaning ng panaginip mo. Yung tatlong basket, ibig sabihin nun, tatlong araw. 19 Sa loob ng tatlong araw, palalayain ka ng hari pero papupugutan ka nya ng ulo. Tapos isasabit yung katawan mo sa poste at kakainin yun ng mga ibon.”
20 After three days, nag-birthday ang hari at naghanda sya ng malaking celebration para sa lahat ng officials nya. Pinalaya nya yung nagse-serve ng wine at yung head ng mga panadero at dinala sila sa harap ng mga officials nya. 21 Binalik nya sa posisyon yung nagse-serve ng wine 22 at pinugutan ng ulo ang panadero. Nangyari nga ang lahat ng sinabi ni Joseph. 23 Pero nakalimutan ng nagse-serve ng wine si Joseph, ni hindi man lang ito sumagi sa isip nya.