Genesis
Chapter 46
Pumunta ang Pamilya ni Jacob sa Egypt
1 Umalis nga si Jacob papuntang Egypt, dala ang lahat ng ari-arian nya. Tumigil sya pagdating sa Beersheba, at nag-offer ng sacrifice sa Diyos ng tatay nyang si Isaac. 2 Nung gabing yun, tinawag sya ng Diyos sa isang vision, “Jacob, Jacob!”
“Ano po yun?” sagot nya.
3 “Ako ang Diyos, ang Diyos ng tatay mo,” sabi nya. “Wag kang matakot na pumunta sa Egypt. Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo dun. 4 Sasamahan kita papuntang Egypt at ibabalik ko ang lahi mo sa lugar na ito. Nasa tabi mo si Joseph pag namatay ka.”
5 Tapos umalis na si Jacob sa Beersheba. Sinakay sya ng mga anak nya sa karwaheng pinadala ng hari, kasama ang mga asawa at mga anak nila. 6 Dinala rin nila ang mga alaga nilang hayop at ari-ariang napundar nila sa Canaan, at pumunta sila sa Egypt. Sinama ni Jacob ang buong angkan nya, 7 mga anak at apo, lalaki at babae.
8 Ito ang mga pangalan ng mga anak at apo ni Jacob na kasama nyang pumunta sa Egypt:
Ang panganay na si Reuben,
9 at ang mga anak nyang sina Hanoch, Pallu, Hezron, at Carmi.
10 Si Simeon at ang mga anak nyang sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jachin, Zohar, at si Shaul na anak ng babaeng Canaanite.
11 Si Levi at ang mga anak nyang sina Gershon, Kohath, at Merari.
12 Si Judah at ang mga anak nyang sina Shelah, Perez, at Zerah. Namatay sa Canaan yung dalawa nyang anak na sina Er at Onan. Anak naman ni Perez sina Hezron at Hamul.
13 Si Issachar at ang mga anak nyang sina Tola, Puah, Jashub, at Shimron.
14 Si Zebulun at ang mga anak nyang sina Sered, Elon, at Jahleel.
15 Ito ang mga anak at apo ni Jacob na pinanganak ni Leah sa Mesopotamia. Kasama dito si Dinah, ang babaeng anak ni Jacob. Thirty-three silang lahat.
16 Si Gad at ang mga anak nyang sina Zephon, Haggi, Shuni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli.
17 Si Asher at ang mga anak nyang sina Imnah, Ishvah, Ishvi, Beriah, at yung kapatid nilang babae na si Serah. Anak naman ni Beriah sina Heber at Malchiel.
18 Sixteen ang mga anak at apo ni Jacob kay Zilpah, yung babaeng alipin na binigay ni Laban sa anak nyang si Leah.
19 Dalawa ang mga anak ni Jacob kay Rachel, sina Joseph at Benjamin.
20 Nagkaron ng dalawang anak si Joseph sa Egypt, sina Manasseh at Ephraim. Anak nya sila kay Asenath, na anak ni Potiphera na priest ng Heliopolis.
21 Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Becher, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Rosh, Muppim, Huppim, at Ard.
22 Fourteen ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Rachel.
23 Si Dan at ang anak nyang si Hushim.
24 Si Naphtali at ang mga anak nyang sina Jahzeel, Guni, Jezer, at Shillem.
25 Pito ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Bilhah, yung babaeng alipin na binigay ni Laban sa anak nyang si Rachel.
26 Bale, 66 lahat ang mga anak at mga apo ni Jacob na kasama nyang pumunta sa Egypt. Hindi pa kasama dito yung mga asawa ng mga anak nya 27 at yung dalawang anak ni Joseph na pinanganak sa Egypt. Kaya 70 silang lahat sa pamilya ni Jacob na pumunta dun.
Si Jacob at ang Pamilya Nya sa Egypt
28 Pinauna ni Jacob si Judah para sabihin kay Joseph na magkita sila sa Goshen. Pagdating nila dun, 29 pina-ready ni Joseph ang karwahe nya at pumunta sa Goshen para makipagkita sa tatay nya. Nung magkita na sila, niyakap ni Joseph ang tatay nya at umiyak sya nang umiyak. 30 Sabi ni Jacob kay Joseph, “Pwede na akong mamatay, kasi nakita na kitang buháy.”
31 Tapos sinabi ni Joseph sa mga kapatid nya at sa buong pamilya ng tatay nya, “Aalis muna ako, sasabihin ko lang sa hari na dumating na kayo galing sa Canaan. 32 Sasabihin ko sa kanya na mga shepherds kayo at dinala nyo ang lahat ng mga alaga nyong hayop, pati mga ari-arian nyo. 33 Pag pinatawag kayo ng hari at tanungin nya kung ano ang trabaho nyo, 34 sabihin nyo, bata pa lang kayo, nag-aalaga na kayo ng mga hayop, kagaya ng mga ninuno nyo. Pag sinabi nyo yun, papatirahin nya kayo sa Goshen. Sobrang baba kasi ng tingin ng mga Egyptians sa mga shepherds.”