Ang Kasamaan ng Sodom
1 Nung gabing yun, pumunta yung dalawang angel sa Sodom. Nakaupo nun si Lot sa city gate. Pagkakita ni Lot sa kanila, tumayo sya at sinalubong sila. Tapos, dumapa sya sa lupa. 2 Sinabi nya, “Mga sir, dun na po kayo sa bahay ko mag-stay. Pwede kayong maghugas ng paa dun at magpalipas ng gabi. Tapos, ituloy nyo na lang bukas nang maaga yung lakad nyo.”
3 Pero pinilit nya yung dalawa hanggang sumama na sila sa bahay nya. Nagpa-bake si Lot ng tinapay at nagpahanda ng masarap na pagkain para sa mga bisita. Tapos, kumain na sila.
4 Nung matutulog na ang mga bisita, pinaligiran ng mga lalaking taga-Sodom ang bahay ni Lot. Nandun lahat ang mga lalaking taga-city, bata at matanda. 5 Tinawag nila si Lot at tinanong, “Nasaan yung mga lalaking nakituloy sayo ngayong gabi? Ilabas mo sila, gusto namin silang maka-sex!”
6 Kaya lumabas si Lot at sinara nya ang pinto. 7 Sinabi nya sa kanila, “Mga kaibigan, please lang, wag nyong gawin yan. Napakasama nyan! 8 Meron akong dalawang anak na virgin pa. Ilalabas ko sila dito at bahala na kayo kung anong gusto nyong gawin sa kanila. Pero wag nyong galawin ang mga lalaking ito. Bisita ko sila kaya kargo ko sila.”
9 Pero sinabi nila, “Umalis ka dyan! Dayo ka lang dito, bakit mas marunong ka pa sa amin? Tumabi ka dyan kung ayaw mong mas grabe pa ang gawin namin sayo.” Tinulak nila si Lot at lumapit sila para sirain yung pinto. 10 Pero hinila si Lot ng mga bisita nya papasok sa bahay at sinara nila ang pinto. 11 Tapos binulag nila ang mga lalaki sa labas, kaya hindi nakita ng mga ito ang pinto ng bahay.
Iniwan ni Lot ang Sodom
12 Sinabi ng dalawang lalaki kay Lot, “Kung may iba ka pang kasama dito—mga anak mo, manugang, o kahit sinong kamag-anak mo na nakatira rin sa city na ito, isama mo sila at umalis na kayong lahat dito. 13 Wawasakin na namin ang lugar na ito kasi narinig ni Lord ang mga reklamo laban sa mga tao dito. Pinapunta nya kami para wasakin ang Sodom.”
14 Pinuntahan nga ni Lot ang mga lalaking mapapangasawa ng mga anak nya at sinabi, “Dali, umalis na kayo dito! Wawasakin ni Lord ang lugar na ito!” Pero akala nila nagbibiro lang si Lot.
15 Nung madaling-araw na, minadali ng mga angel si Lot. Sabi nila, “Dalian mo! Umalis na kayo ng asawa at mga anak mo para di kayo madamay sa pagkawasak ng city.” 16 Kaso nag-alangan pa si Lot. Buti naawa sa kanya si Lord kaya hinila ng mga angel si Lot, ang asawa nya, at ang dalawa nyang anak, hanggang makalabas sila ng city. 17 Tapos sinabi ng isa sa mga angel, “Tumakbo na kayo! Iligtas nyo ang mga sarili nyo! Wag kayong lilingon at wag kayong hihinto sa valley. Pumunta kayo sa mga bundok para di kayo mamatay.”
18 Sumagot si Lot, “Please wag na po, mga sir. 19 Malaking bagay na yung ginawa nyo sa akin. Napakabait nyo, niligtas nyo ako. Pero sobrang layo po ng mga bundok, baka mamatay na ako at madamay sa pagkawasak ng Sodom bago pa ako makarating dun. 20 Ayun po, may maliit na bayan dun. Malapit lang yun dito, baka pwedeng dun na lang kami pumunta. Maliit lang ang bayan na yun pero safe kami dun.”
21 Sumagot sya, “Okay, sige. Hindi ko sisirain ang bayan na yun. 22* Bilis, tumakbo na kayo! Hindi ko masisimulan yung gagawin ko hanggat di kayo nakakarating dun.”
Ang Pagkasira ng Sodom at Gomorrah
23 Umaga na nung marating nila Lot ang Zoar. 24 Tapos, biglang nagpaulan si Lord ng apoy at sulfur sa Sodom at Gomorrah. 25 Tinupok nya ang mga city na yun at ang buong valley, kasama ang lahat ng nakatira dun, at lahat ng puno at halaman. 26 Pero lumingon ang asawa ni Lot kaya nanigas sya at naging estatwang asin.
27 Nung umaga ding yun, nagpunta si Abraham sa lugar kung saan sila tumayo at nag-usap ni Lord. 28 Tiningnan nya ang Sodom at Gomorrah at ang buong valley. Nakita nya yung usok sa buong lupain, parang usok na galing sa napakalaking lutuan. 29 Ganito nga winasak ng Diyos ang mga city sa valley kung saan nakatira si Lot. Pero nung wasakin yun ng Diyos, naalala nya si Abraham kaya niligtas nya si Lot mula dun.
Ang mga Moabites at Ammonites
30 Natakot si Lot na mag-stay sa Zoar kaya umakyat sya sa mga bundok kasama ang dalawa nyang anak na babae, at tumira sila sa isang kweba. 31 Isang araw, sinabi ng panganay dun sa mas bata, “Matanda na si tatay. Wala na ring lalaki sa lugar na ito para maging asawa natin. 32 Tara, lasingin natin si tatay, tapos sipingan natin sya para magkaanak tayo.” 33 Nung gabing yun, pinainom nila si Lot ng alak at nakipagtalik sa kanya yung panganay. Pero di nya alam yung mga nangyari kasi lasing na lasing sya.
34 Nung sumunod na araw, sinabi ng panganay sa kapatid nya, “Sinipingan ko si tatay kagabi. Lasingin ulit natin sya mamayang gabi, tapos ikaw naman ang tumabi sa kanya para pareho tayong magkaanak sa tatay natin.” 35 Kaya nung gabing yun, nilasing ulit nila si Lot at nakipagtalik sa kanya ang bunso nyang anak. Hindi nya ulit alam yung mga nangyari kasi lasing na lasing sya nun. 36 Ganito nga nabuntis ni Lot ang sarili nyang mga anak. 37* Nanganak ng lalaki yung panganay ni Lot, at Moab ang pinangalan sa bata. Sya ang ninuno ng mga Moabites ngayon. 38* Nanganak din ng lalaki yung bunso ni Lot, Benammi naman ang pinangalan dito. Sya ang ninuno ng mga Ammonites ngayon.
Footnotes
19:22
+ ZOAR: Katunog nito yung Hebrew word para sa “maliit.”
19:37
+ MOAB: Katunog nito yung Hebrew word para sa “galing sa tatay ko.”
19:38
+ BENAMMI: Sa Hebrew, “anak ng kamag-anak ko” ang ibig sabihin ng pangalang ito.