Ang Paghahanap ng Asawa para kay Isaac
1 Matandang-matanda na nun si Abraham, at bliness sya ni Lord sa lahat ng bagay. 2* Sinabi nya sa pinakamatandang servant nya na in-charge sa lahat ng properties nya, “Ilagay mo yung kamay mo sa gitna ng mga hita ko at manumpa ka. 3 Sumumpa ka sa pangalan ni Lord na Diyos ng langit at lupa, na hindi ka dito sa Canaan hahanap ng babaeng mapapangasawa ng anak ko. 4 Bumalik ka sa bayang pinanggalingan ko at dun ka sa mga kamag-anak ko maghanap ng mapapangasawa ng anak kong si Isaac.”
5 Pero nagtanong yung servant, “Paano po kung ayaw sumama nung babae? Papupuntahin ko na lang ba ang anak mo sa lugar na pinanggalingan mo?”
6 Sumagot si Abraham, “Wag! Wag mong papuntahin dun si Isaac. 7 Si Lord na Diyos ng langit, ang nagdala sa akin dito kaya iniwan ko ang tirahan ng tatay ko at ang lugar kung saan ako pinanganak. Nangako sya sa akin na ibibigay nya itong lupain sa magiging lahi ko. Papaunahin na nya yung angel nya para makahanap ka dun ng mapapangasawa ng anak ko. 8 Kung ayaw sumama sayo nung babae, hindi na kita sisingilin sa sumpaang ito. Pero wag na wag mong dadalhin dun ang anak ko.” 9 So, nilagay nga ng servant yung kamay nya sa gitna ng mga hita ng amo nyang si Abraham, at sumumpa syang gagawin yung napag-usapan nila.
10 Umalis nga yung servant, dala ang sampung camel ni Abraham at ibat-ibang magagandang pangregalo. Pumunta sya sa city sa may north ng Mesopotamia, kung saan nakatira ang kapatid ni Abraham na si Nahor. 11 Pagdating nya dun, pinahinto nya yung mga camel at pinaluhod sa may balon sa labas ng city. Medyo pagabi na nun at yun yung time na lumalabas ang mga babae para mag-igib ng tubig. 12 Nag-pray sya, “Lord, Diyos ng amo kong si Abraham, sana maging successful po ako sa pakay ko dito ngayon, tuparin nyo po ang pangako nyo sa amo kong si Abraham. 13 Nandito po ako ngayon sa may balon. Mamaya dadating dito yung mga babae sa city na ito para mag-igib ng tubig. 14 Makikiinom ako sa isa sa kanila. Pag pumayag yung dalaga at pinainom din nya yung mga camel ko, sya na nga ang pinili mo para sa servant mong si Isaac. Pag nangyari ito, alam kong tinupad mo na ang promise mo sa amo ko.”
15 Bago pa sya matapos mag-pray, dumating si Rebecca na may dalang jar sa balikat nya. Anak sya ni Bethuel, na anak naman ng kapatid ni Abraham na si Nahor at ng asawa nitong si Milcah. 16 Napakaganda ni Rebecca, dalaga sya at virgin pa. Bumaba sya papunta sa may balon at pinuno yung jar nya, tapos umakyat sya pabalik. 17 Tumakbo yung servant papunta sa kanya at sinabi, “Pwede ba akong makiinom kahit konti?”
18 Sabi nya, “Sige sir, inom po kayo.” Binaba nya agad yung jar at inalalayan yun habang umiinom yung servant. 19 Pagkatapos uminom nung servant, sabi ng babae, “Paiinumin ko na rin yung mga camel hanggang sa gusto nila.” 20 Binuhos nya agad yung laman ng jar nya sa pinag-iinuman nung mga hayop, tapos tumakbo sya sa balon para umigib pa ng tubig, hanggang sa mapainom nya lahat ng camel. 21 Tahimik lang syang pinanood nung servant, tinitingnan kung sya na ba ang sagot ni Lord sa prayer nya.
22 Nung napainom na yung mga camel, nilabas ng servant yung dala nyang mamahaling gold na hikaw sa ilong at dalawang malalaking bracelet, at sinuot yun sa babae. 23 Tapos nagtanong sya, “Kaninong anak ka? Pwede ba kaming makitulog sa bahay nyo?”
24 Sumagot ang babae, “Tatay ko po si Bethuel, anak sya nina Nahor at Milcah. 25 Maraming pagkain ng camel sa bahay namin, at meron ding space dun na pwede nyong pag-stayan.”
26 Nag-bow ang servant at sumamba kay Lord. 27 Sabi nya, “Praise the Lord, ang Diyos ng amo kong si Abraham! Naging tapat sya, tinupad nya ang pangako nya. Dinala ako ni Lord dito mismo sa mga kamag-anak ng amo ko.”
28 Tumakbo yung dalaga papunta sa bahay ng nanay nya at kinwento nya sa kanila yung mga nangyari. 29 May kuya si Rebecca, Laban ang pangalan. Tumakbo si Laban papunta sa balon kung nasan yung servant. 30 Nakita nya kasi yung hikaw sa ilong ni Rebecca at yung mga suot nitong bracelet. Narinig din nya kay Rebecca yung mga sinabi nung servant. So pumunta nga sya sa balon at nakita nyang nakatayo dun yung servant kasama ang mga camel nito. 31 Sabi ni Laban, “Bakit andyan ka lang sa labas? Halika na, lalaking bliness ni Lord. Pina-ready ko na yung tutuluyan nyo sa bahay, pati yung lugar para sa mga camel mo.”
32 Pumasok nga yung servant sa bahay. Kinalagan ni Laban yung mga camel at pinakain ang mga yun ng dayami. Binigyan nya yung servant at mga kasama nito ng tubig na panghugas ng paa nila. 33 Nung nakahain na ang pagkain, sabi nung servant, “Hindi ako kakain hanggat di ko nasasabi yung pakay ko.”
34 Ito yung sinabi nya: “Servant ako ni Abraham. 35 Sobrang bliness ni Lord ang amo ko at pinayaman nya talaga. Binigyan sya ng maraming tupa at kambing, maraming baka, mga silver at gold, mga aliping lalaki at babae, mga camel, at mga donkey. 36 Matanda na yung asawa nyang si Sarah nung nagkaanak sila, at binigay ng amo ko ang lahat ng yaman nya sa anak nya. 37 Pinag-promise ako ng amo ko. Sabi nya sa akin, ‘Wag ka dito sa Canaan humanap ng babaeng mapapangasawa ng anak ko. 38 Pumunta ka sa bayan ng tatay ko at mga kamag-anak namin, at dun ka maghanap ng mapapangasawa nya.’ 39 Tapos tinanong ko yung amo ko, ‘Paano kung ayaw sumama nung babae?’ 40 Sabi nya, ‘Si Lord ang lagi kong sinusunod. Magpapadala sya ng angel na sasama sayo at ibe-bless nya ang lakad mo. Makakahanap ka ng mapapangasawa ng anak ko galing sa mga kamag-anak ko, sa pamilya ng tatay ko. 41 Pag tumanggi yung mga kamag-anak ko, hindi na kita sisingilin. Yun lang ang kundisyon para makalaya ka sa sumpaan natin.’
42 “Pagdating ko sa may balon kanina, nag-pray ako, ‘Lord, Diyos ng amo kong si Abraham, please, gawin mong successful itong lakad ko. 43 Nandito ako sa may balon. Pag may dumating na dalaga para mag-igib, makikiinom ako sa tubig na inigib nya. 44 Pag pumayag sya tapos pinainom pa nya yung mga camel ko, ibig sabihin nun, Lord, sya na yung babaeng pinili mo para sa anak ng amo ko.’ 45 Bago pa matapos yung prayer ko, dumating si Rebecca, may dalang jar sa balikat nya. Bumaba sya papunta sa may balon. Sabi ko sa kanya, ‘Pwede bang makiinom?’ 46 Binaba nya agad yung jar sa balikat nya, sabi nya, ‘Sige po, paiinumin ko na rin yung mga camel nyo.’ So uminom ako, tapos pinainom nya rin yung mga camel. 47 Tinanong ko sya, ‘Kaninong anak ka?’ Sabi nya, tatay daw nya si Bethuel na anak nina Nahor at Milcah. Tapos nilagyan ko sya ng hikaw sa ilong at sinuotan ng mga bracelet. 48 Yumuko ako at sumamba kay Lord. Pinuri ko si Lord, ang Diyos ng amo kong si Abraham, kasi dinala nya ako dito mismo sa kamag-anak ng amo ko para mahanap yung mapapangasawa ng anak nya. 49 Ngayon kung tutupad kayo at payag kayo sa gusto ng amo ko, sabihin nyo lang. Kung hindi, sabihin nyo rin, para alam ko kung ano na ang gagawin ko.”
50 Sumagot sina Laban at Bethuel, “Galing kay Lord ang lahat ng ito kaya wala na kaming masasabi. 51 Sige, ito na si Rebecca, isama nyo na sya. Payag kaming maging asawa sya ng anak ng amo mo, gaya nga ng sabi ni Lord.” 52 Pagkarinig nito, nag-bow ang servant ni Abraham at sumamba kay Lord. 53 Tapos naglabas sya ng mga damit at mga alahas na silver at gold, at binigay nya yun kay Rebecca. Binigyan din nya ng mamahaling mga regalo yung kuya at nanay nito.
54 After nun, kumain at uminom yung servant ni Abraham at yung mga kasama nya, at dun na sila nagpalipas ng gabi. Pagkagising nila nung umaga, sabi nya, “Uuwi na ako sa amo ko.”
55 Pero sabi ng kuya at nanay ni Rebecca, “Baka pwedeng mag-stay muna si Rebecca dito sa amin nang ilang araw, mga 10 days, tapos pwede na syang umalis.”
56 Pero sabi nung servant, “Wag nyo na po akong pigilan. Bliness na ni Lord ang lakad ko, kaya pabalikin nyo na po ako sa amo ko.”
57 Sumagot sila, “Tanungin na lang natin si Rebecca kung anong gusto nya.” 58 So tinawag nila si Rebecca at tinanong, “Gusto mo bang sumama sa taong ito?”
59 Kaya pumayag na silang umalis si Rebecca at ang yaya nya, pati yung servant ni Abraham at mga kasama nito. 60 Tapos bliness nila si Rebecca:
“Kapatid, magkaron ka sana ng maraming-maraming anak!
Masakop sana ng magiging lahi mo yung mga lupain ng kaaway nila!”
61 Tapos, nag-ready na si Rebecca at yung mga katulong nya. Sumakay sila sa mga camel at umalis na nga kasama ng servant ni Abraham.
62* Nung time na yun, galing si Isaac sa desert na tinatawag na Beer-lahai-roi at tumira sya sa may south ng Canaan. 63 Isang gabi, lumabas sya para maglakad-lakad sa bukid, tapos pagtingin nya, nakita nyang may mga camel na padating. 64 Nung makita ni Rebecca si Isaac, bumaba sya sa camel nya 65 at tinanong yung servant, “Sino yang lalaki sa bukid na sumasalubong sa atin?”
66 Kinwento nung servant kay Isaac lahat ng ginawa nya. 67 Tapos dinala ni Isaac si Rebecca sa tent na tinirhan ng nanay nyang si Sarah. Naging asawa nya si Rebecca at minahal nya ito. Dahil kay Rebecca, na-comfort si Isaac sa pagpanaw ng nanay nya.
Footnotes
24:2
+ ILAGAY…HITA KO: Ginagawa ito pag sumusumpa.
24:62
+ BEER-LAHAI-ROI: Tingnan sa Genesis 16:14.