Genesis
Chapter 15
Ang Kasunduan ng Diyos kay Abram
1 After nun, kinausap ni Lord si Abram sa isang vision at sinabi nya, “Abram, wag kang matakot. Poprotektahan kita at bibigyan kita ng malaking reward.”
2 Pero sumagot si Abram, “O, Lord God, para saan pa po yung reward na ibibigay nyo, eh wala naman akong anak? Si Eliezer lang na taga-Damascus ang tagapagmana ko. 3 Hindi nyo po ako binigyan ng anak, kaya alipin ko ang magmamana ng mga ari-arian ko.”
4 Tapos nagsalita ulit si Lord, “Hindi! Hindi si Eliezer na alipin mo ang magmamana ng mga kayamanan mo, sarili mong anak ang magiging tagapagmana mo.” 5 Dinala sya ni Lord sa labas ng tent nya at sinabi, “Tumingin ka sa langit, tingnan mo ang mga stars. Kaya mo bang bilangin yan? Ganyan kadami ang magiging mga anak mo.”
6 Naniwala si Abram kay Lord, at dahil dun, tinuring sya ni Lord na matuwid.
7 Tapos sinabi ni Lord, “Ako si Lord na kumuha sayo sa Ur na bayan ng mga Chaldeans, para ibigay sayo ang lupaing ito.”
8 Sumagot si Abram, “Pero, Lord God, paano ko po malalaman na magiging akin nga ito?”
9 Sumagot sya, “Dalhan mo ako ng tig-iisang baka, babaeng kambing, at lalaking tupa na lahat three years old. Magdala ka din ng isang kalapati at isang pigeon.” 10 Dinala nga ni Abram ang lahat ng yun sa Diyos. Hinati nya sa gitna yung mga hayop except sa mga ibon, tapos pinagtapat-tapat nya ang tig-kalahati ng mga ito. 11 Nagdatingan ang mga ibong kumakain ng patay at binugaw ni Abram ang mga yun.
12 Nung sunset na, nakatulog nang mahimbing si Abram, tapos dumilim ang buong paligid at nakaramdam sya ng matinding takot. 13 Sabi ni Lord sa kanya, “Makinig kang mabuti. Magiging dayo sa ibang bansa ang mga anak mo. Magiging alipin sila dun at pahihirapan sa loob ng 400 years. 14 Pero paparusahan ko ang bansang magpapahirap sa kanila, at aalis sila dun na may dalang maraming kayamanan. 15 Ikaw naman, Abram, magiging mahaba ang buhay mo, mamamatay ka nang mapayapa, tapos ililibing ka. 16 Dadaan ang apat na generation bago makabalik dito ang lahi mo. Hindi ko muna paparusahan ang mga Amorites na nakatira dito, hanggang maging sobrang sama na nila.”
17 Nung nakalubog na ang araw at madilim na, biglang lumitaw ang isang umuusok na palayok at isang nag-aapoy na torch. Dumaan ang mga yun sa gitna ng mga hinating katawan ng hayop. 18 Nung oras ding yun, gumawa si Lord ng kasunduan nila ni Abram. Sabi nya, “Pina-promise ko sayo, ibibigay ko sa magiging lahi mo ang lahat ng lupain mula sa border ng Egypt hanggang sa Euphrates River, 19 pati ang lupain ng mga Kenites, Kenizzites, Kadmonites, 20 Hittites, Perizzites, Rephaites, 21 Amorites, Canaanites, Girgashites, at Jebusites.”