Genesis
Chapter 12
Tinawag ng Diyos si Abram
1 Sinabi ni Lord kay Abram, “Iwanan mo ang bayan mo, ang mga kamag-anak mo, pati ang bahay ng tatay mo, at pumunta ka sa lugar na ituturo ko sayo. 2 Bibigyan kita ng maraming anak at apo at magiging isang malaking bansa sila. Ibe-bless kita at makikilala ang pangalan mo para maging blessing ka sa iba.
3 Ibe-bless ko ang magbe-bless sayo,
pero susumpain ko ang susumpa sayo.
Dahil sayo, mabe-bless ang lahat ng mga bansa.”
4 Nung 75 years old si Abram, umalis sya sa Haran gaya ng inutos sa kanya ni Lord. Sumama sa kanya si Lot. 5 Sinama nya ang asawa nyang si Sarai at ang pamangkin nyang si Lot, at nagpunta sila sa Canaan. Dala nila ang lahat ng yaman na napundar nila at lahat ng alipin na nakuha nila sa Haran.
Pagdating sa Canaan,
6 tumuloy pa si Abram hanggang sa marating nya ang banal na puno ng Moreh na nasa Shechem. Nung panahon na yun, nakatira pa dun ang mga Canaanites. 7 Nagpakita si Lord kay Abram at sinabi sa kanya, “Ito yung lupaing ibibigay ko sa lahi mo.” Tapos, nagtayo dun si Abram ng altar para kay Lord na nagpakita sa kanya. 8 Mula dun, naglakbay sya sa mabundok na lugar sa bandang east ng Bethel, at nagtayo sya ng tent sa pagitan ng Bethel sa west at Ai sa east. Nagtayo din sya ng altar dun at nag-worship sya kay Lord. 9 Tapos, nagpatuloy sya sa paglalakbay sa ibat-ibang lugar papunta sa south ng Canaan.
Sina Abram at Sarai sa Egypt
10 Nagkaron ng taggutom sa Canaan, at sa sobrang tindi nun, napilitan si Abram na pumunta sa Egypt para dun muna tumira. 11 Nung papasok na sila ng Egypt, sinabi nya sa asawa nya, “Sarai, maganda kang babae. 12 Pag nakita ka ng mga Egyptians, iisipin nilang asawa kita at papatayin nila ako. Pero ikaw, hahayaan ka nilang mabuhay. 13 Kaya sabihin mo sa kanila na magkapatid tayo, para di nila ako patayin at maging okay ang trato nila sa akin dahil sayo.” 14 Pagpasok nila sa Egypt, napansin nga ng mga Egyptians na napakaganda ni Sarai. 15 Nakita sya ng mga officials dun at binalita nila sa hari kung gaano sya kaganda. Kaya dinala si Sarai sa palasyo. 16 Dahil kay Sarai, naging maganda ang trato ng hari kay Abram. Binigyan pa sya nito ng mga alagang tupa, kambing, baka, donkey, camel, at ng mga alipin.
17 Pero dahil nga kinuha ng hari si Sarai, nagpadala si Lord ng mga malalang sakit sa hari at sa mga tao sa palasyo nya. 18 Kaya pinatawag ng hari si Abram at tinanong, “Bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit di mo sinabi na asawa mo sya? 19 Sabi mo magkapatid kayo kaya kinuha ko sya para maging asawa ko! Eto na ang asawa mo, kunin mo na sya at umalis na kayo!” 20 Inutos ng hari sa kanyang mga tauhan na paalisin na si Abram, kasama ang asawa nya at lahat ng ari-arian nya.