Bumalik sa Egypt ang mga Kapatid ni Joseph
1 Lalo pang tumindi ang taggutom sa Canaan. 2 Nung naubos na ng pamilya ni Jacob ang mga pagkaing nabili nila sa Egypt, sinabi ni Jacob sa mga anak nya, “Bumalik kayo dun, at bumili ng pagkain natin.”
3 Sinabi sa kanya ni Judah, “Winarningan po kami ng governor, wag daw kaming magpakita sa kanya kung hindi namin kasama ang bunso naming kapatid. 4 Kung papayag po kayo na isama namin si Benjamin, pupunta kami dun at ibibili namin kayo ng pagkain. 5 Pero kung ayaw nyo, hindi kami pupunta, kasi po sinabi sa amin nung governor, wag kaming magpapakita sa kanya kung hindi namin kasama ang kapatid namin.”
6 Sinabi ni Jacob, “Sobra nyo akong pinapahirapan sa ginawa nyong ito. Bakit nyo kasi sinabing may isa pa kayong kapatid?”
7 Sumagot sila, “Ang dami po kasing tanong nung governor tungkol sa amin at sa pamilya natin. Sabi po nya, ‘Buhay pa ba ang tatay nyo? Meron pa ba kayong ibang kapatid?’ Sinagot lang po namin yung mga tanong nya. Malay po ba naming iuutos nyang dalhin namin dun si Benjamin?”
8 Tapos sinabi ni Judah sa tatay nya, “Pasamahin nyo na sa amin yung bata para makaalis na kami at di tayo mamatay sa gutom. 9 Ako na pong bahala sa kanya. Promise, ibabalik ko sya sa inyo. At pag hindi ko sya nabalik sa inyo, sisihin nyo ako habang buhay. 10 Kung hindi nyo kami pinaghintay nang matagal, dalawang beses na sana kaming nakabalik ngayon.”
11 Sinabi ng tatay nila sa kanila, “Kung yun ang makakabuti, sige, payag na ako. Magdala kayo ng pinakamagagandang produkto dito sa atin. Regaluhan nyo yung governor ng konting pabango, konting honey, spices, pistachio nuts, at almonds. 12 Doblehin nyo ang dala nyong pera. Dalhin nyo din yung perang nabalik sa sako nyo, baka nagkamali lang sila ng lagay. 13 Isama nyo na din ang kapatid nyo at pumunta na kayo dun. 14 Tulungan sana kayo ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat, maawa sana sa inyo yung governor para ibalik nya si Simeon at si Benjamin. Kung mawawalan ako ng anak, wala na akong magagawa.”
15 Dinala nga ng magkakapatid ang mga regalo at dinoble nila yung dala nilang pera, tapos pumunta na sila sa Egypt kasama si Benjamin. Pagdating nila dun, humarap sila kay Joseph. 16 Nang makita ni Joseph na kasama nila si Benjamin, sinabi nya sa alipin na in-charge sa bahay nya, “Dalhin mo sila sa bahay ko, tapos magkatay ka ng hayop at iluto mo yun. Sabay-sabay kaming manananghalian.” 17 Sinunod ito ng alipin at dinala ang magkakapatid sa bahay ni Joseph.
18 Natakot sila nung dinala sila sa bahay. Naisip nila, “Siguro dinala tayo dito dahil dun sa perang nabalik sa mga sako natin nung unang punta natin dito. Baka bigla tayong saktan, tapos kunin yung mga donkey natin at gawin tayong mga alipin.” 19 Kaya nung nasa pinto na sila ng bahay, kinausap nila yung alipin, 20 “Sir, may sasabihin sana kami, pumunta kami dito dati para bumili ng pagkain. 21 Nung pauwi na kami, binuksan namin yung mga sako, tapos nakita namin sa loob yung perang binayad namin, nandun po lahat. Kaya dinala namin yun ngayon. 22 Nagdala din kami ng pera na pambili ulit ng pagkain. Hindi namin alam kung sinong naglagay nung pera sa mga sako namin.”
23 Sinabi ng alipin, “Wag kayong mag-alala. Wag kayong matakot. Siguro ang Diyos nyo, ang Diyos ng tatay nyo ang naglagay ng pera sa mga sako nyo. Natanggap ko ang bayad nyo.” Tapos dinala nya si Simeon sa kanila.
24 Pinapasok sila ng alipin sa bahay ni Joseph. Binigyan nya sila ng tubig na panghugas ng mga paa, tapos pinakain ang mga donkey nila. 25 Ni-ready nila yung mga regalo para mabigay nila kay Joseph pagdating nya, nasabihan kasi sila na dun sila kakain ng tanghalian. 26 Pagdating ni Joseph, binigay nila ang mga regalo nila at nag-bow sila sa harap nya. 27 Kinumusta sila ni Joseph at tinanong, “Kumusta ang tatay nyo? Di ba sabi nyo matanda na sya? Buhay pa ba sya?”
28 Sumagot sila, “Okay naman po ang tatay namin na servant nyo. Buhay pa sya hanggang ngayon.” Yumuko sila at nagbigay-galang.
29 Tapos nakita ni Joseph ang kapatid nyang si Benjamin at sinabi, “Sya ba yung sinasabi nyong bunso nyong kapatid? God bless you, anak!” 30 Biglang umalis si Joseph kasi naiiyak na sya, miss na miss na kasi nya ang kapatid nya. Kaya pumunta muna sya sa kwarto nya at dun umiyak. 31 After nun, naghilamos sya at lumabas. Kinalma nya ang sarili nya at pina-serve na yung pagkain. 32 Naghain sila kay Joseph sa isang table, at sa isang mesa naman ang mga kapatid nya. May sariling mesa ang mga Egyptians, kasi naniniwala sila na napakasamang kumain kasama ang mga Hebrews. 33 Pinaupo na ang magkakapatid sa harap ni Joseph. Napatingin sila sa isat-isa at takang-taka sila kasi nakaayos ang upo nila mula panganay hanggang sa bunso. 34 Sinerve din sa kanila yung mga pagkain na nasa mesa ni Joseph, pero limang beses na mas marami yung sinerve kay Benjamin. Uminom sila at nagsaya kasama si Joseph.