Genesis
Chapter 17
Ang Sign ng Kasunduan ng Diyos at ni Abram
1 Nung 99 years old na si Abram, nagpakita sa kanya si Lord at sinabi, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sumunod ka sa akin at lagi mong gawin ang tama. 2 Gagawa ako ng kasunduan natin at bibigyan kita ng sobrang daming anak at apo.” 3 Dumapa si Abram sa lupa, tapos sinabi ng Diyos sa kanya, 4 “Ito ang kasunduan natin: Pina-promise ko sayo, magiging tatay ka ng maraming bansa. 5* Hindi na Abram ang pangalan mo kundi Abraham na, kasi gagawin kitang tatay ng maraming bansa. 6 Pararamihin ko ang lahi mo, at sa sobrang dami, magiging mga bansa sila. Yung iba sa kanila, magiging mga hari.
7 “Tutuparin ko ang promise ko sayo at sa mga susunod na generation ng lahi mo. Walang katapusan ang kasunduan nating ito. Magiging Diyos mo ako at ng buong lahi mo. 8 Ibibigay ko sayo at sa kanila ang lupain kung saan ka nakikitira ngayon bilang dayuhan. Forever magiging sa inyo ang buong lupain ng Canaan, at ako ang magiging Diyos nila.”
9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Pero ikaw at ang lahat ng magiging anak at apo mo sa mga susunod na generation, dapat nyong tuparin ang part nyo sa kasunduan natin. 10 Ito ang gagawin nyo: Dapat magpatuli ang bawat lalaki sa pamilya mo 11 at yan ang magiging sign ng kasunduan natin. 12 Tutuliin ang bawat lalaking baby, eight days pagkapanganak nya. Kasali rin sa tutuliin yung mga alipin na pinanganak sa bahay nyo at yung mga aliping binili nyo sa mga dayuhan. 13 Tutuliin kayong lahat, at ito ang magiging sign sa katawan nyo na walang katapusan ang kasunduan natin. 14 Ang sinumang lalaki na di natuli ay hindi na kasama sa bayan ko kasi di sya tumupad sa kasunduan.”
15 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Wag mo nang tawaging Sarai ang asawa mo. Sarah na ang pangalan nya ngayon. 16 Ibe-bless ko sya, at bibigyan kita ng anak sa kanya. Ibe-bless ko sya at magiging nanay sya ng mga bansa. Magkakaron ng mga hari sa lahi nya.”
17 Dumapa ulit si Abraham sa lupa. Pero natawa sya nung naisip nyang, “Pwede pa bang magkaanak ang isang lalaking 100 years old na? Mabubuntis pa ba si Sarah kahit 90 na sya?” 18 Tinanong nya ang Diyos, “Di po ba pwedeng si Ishmael na lang ang magmana ng promise nyo sa akin?”
19* Pero sinabi ng Diyos, “Hindi. Magkakaanak ka ng lalaki sa asawa mong si Sarah, at Isaac ang ipapangalan mo sa bata. Tutuparin ko sa kanya ang kasunduan natin. Walang katapusan ang kasunduang ito na aabot hanggang sa mga anak at apo nya. 20 Pero narinig ko ang request mo tungkol kay Ishmael, kaya ibe-bless ko sya at bibigyan ng maraming anak at apo. Magiging tatay sya ng 12 na matataas na leader. Magiging malaking bansa ang lahi nya. 21 Pero yung kasunduan natin, kay Isaac ko tutuparin. Ipapanganak sya ni Sarah mga ganitong time next year.” 22 Pagkasabi nun, iniwan na ng Diyos si Abraham.
23 Nung araw ding yun, sumunod si Abraham sa Diyos. Tinuli nya ang anak nyang si Ishmael at lahat ng mga lalaki sa bahay nya, pati yung mga aliping pinanganak dun at yung mga aliping binili nya. 24 Ninety-nine years old na si Abraham nung tinuli sya 25 at 13 years old naman nun si Ishmael. 26 Pareho silang tinuli nung araw na yun, 27 kasabay ng lahat ng mga alipin ni Abraham.

Footnotes


17:5 + ABRAHAM: Katunog nito yung Hebrew word para sa “tatay ng maraming bansa.”
17:19 + ISAAC: Sa Hebrew, “tumawa sya” ang ibig sabihin ng pangalang ito.