Genesis
Chapter 23
Bumili si Abraham ng Libingan ni Sarah
1 Nabuhay si Sarah nang 127 years. 2 Namatay sya sa Hebron, sa lupain ng Canaan. Nagluksa si Abraham sa pagkamatay ni Sarah.
3 Tapos, iniwan muna ni Abraham ang bangkay ng asawa nya at nakipag-usap sya sa mga Hittites. Sabi nya, 4 “Dayo lang ako at nakikitira dito sa inyo. Bentahan nyo ako ng lupa na pwedeng paglibingan ng asawa ko.”
5 Sumagot ang mga Hittites, 6 “Ganito kasi yan, sir. Mataas ang tingin namin sayo dito, kaya piliin mo na ang pinaka-okay na libingan sa asawa mo. Willing kaming lahat na bigyan ka ng lupa para mailibing mo ang asawa mo.”
7 Nag-bow si Abraham sa harap nila 8 at sabi nya, “Kung willing kayo na ilibing ko dito ang asawa ko, pakisabi kay Ephron, yung anak ni Zohar, 9 baka pwede nyang ibenta sa akin yung kweba sa Machpelah, yung nasa dulo ng bukid nya. Kahit ibenta nya na sa akin nang buong presyo, babayaran ko sa harap nyong lahat, para maging akin na yun at magamit kong libingan.”
10 Actually, nandun din si Ephron sa meeting sa city gate, nakaupo kasama ng iba pang Hittites. Sinagot nya si Abraham na naririnig ng lahat, 11 “Wag na, sir. Ibibigay ko na sayo yung bukid, pati yung kweba dun. Witness ko ang lahat ng nandito, sayo na yun, ilibing mo na dun ang asawa mo.”
12 Nag-bow ulit si Abraham sa harap ng mga Hittites 13 at sinabi nya kay Ephron na naririnig ng lahat, “Please, pakinggan mo ako. Babayaran ko kahit magkano pa yung buong lupain. Tanggapin mo ang bayad ko para malibing ko dun ang asawa ko.”
14 Sumagot si Ephron, 15 “Ganito, sir, 400 pieces ng silver lang ang presyo ng lupang yan, magkano lang naman yun! Ilibing mo na dun ang asawa mo.” 16 Tinanggap ni Abraham ang alok at binayaran nya sa harap ng mga tao yung presyong sinabi ni Ephron—400 na piraso ng silver, ayon sa standard na presyuhan na ginagamit ng mga negosyante noon.
17 So, ganito napunta kay Abraham yung bukid ni Ephron sa Machpelah sa east ng Mamre, pati yung kweba dun at lahat ng mga puno sa bukid at sa buong lupain. 18 Naging kay Abraham yun, at witness ang lahat ng mga Hittites na nandun sa city gate.
19 Tapos, nilibing ni Abraham ang asawa nyang si Sarah dun sa kweba na nasa bukid ng Machpelah, sa east ng Mamre, sa lupain ng Canaan. Tinatawag ding Hebron ang lugar na yun. 20 Naging kay Abraham nga yung bukid at kweba na dating pag-aari ng mga Hittites, at ginawa nya yung libingan.