Ang Pinangakong Anak kay Abraham
1 Nagpakita si Lord kay Abraham sa mga banal na puno ng Mamre. Tanghaling tapat nun at nakaupo si Abraham sa pintuan ng tent nya. 2 Tumingala sya at may nakita syang tatlong lalaki na nakatayo malapit sa kanya. Pagkakita sa kanila, tumakbo si Abraham para salubungin sila, tapos dumapa sya sa lupa. 3 Sinabi nya, “Mga sir, kung okay lang po sa inyo, tumuloy muna kayo sa bahay ko, aasikasuhin ko kayo. 4 Dadalhan ko kayo ng tubig na panghugas ng mga paa nyo. Tapos, magpahinga muna kayo sa ilalim ng punong ito. 5 Magpapahanda din ako ng pagkain para may lakas kayo na ituloy ang lakad nyo. Malaking bagay sa akin na maging bisita kayo.”
6 Nagmadaling pumasok si Abraham sa tent at sinabi kay Sarah, “Dali, kumuha ka ng pinakamagandang harina, damihan mo at mag-bake ka ng tinapay.” 7 Tapos, tumakbo si Abraham sa mga alaga nyang hayop at pumili ng isang mataba at batang baka. Binigay nya yun sa alipin nya, na agad naman yung niluto. 8 Kumuha si Abraham ng yogurt at gatas. Kinuha rin nya yung karne ng baka, tapos sinerve ang mga yun sa mga bisita. Nakatayo lang si Abraham sa malapit habang kumakain ang mga bisita sa ilalim ng puno.
9 Tapos nagtanong sila, “Nasaan ang asawa mong si Sarah?”
10 Sinabi ng isa sa mga bisita, “Babalik ako next year, ganitong panahon din, at may anak na nun si Sarah.”
11 Sobrang tanda na nun nina Abraham at Sarah, at menopause na si Sarah nun. 12 Natawa tuloy sya sa loob-loob nya. Sabi nya sa sarili, “Sa edad kong ito, ma-eenjoy ko pa bang sumiping sa asawa ko eh ang tanda na rin nya?”
13 Tapos tinanong ni Lord si Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at parang ayaw nyang maniwala na magkakaanak sya kahit matanda na sya? 14 Meron bang di kayang gawin si Lord? Sabi ko nga sayo, babalik ako next year sa ganitong panahon din at magkakaanak si Sarah ng lalaki.”
15 Natakot si Sarah kaya nag-deny sya. “Hindi po ako tumawa,” sabi nya.
Nagmakaawa si Abraham para sa Sodom
16 Pagkatapos, umalis ang mga lalaki at hinatid sila ni Abraham sa lugar na kita nila ang buong Sodom. 17 At sinabi ni Lord sa sarili nya, “Hindi ko itatago kay Abraham ang gagawin ko. 18 Magiging malaki at malakas na bansa ang lahi nya, at ibe-bless ko ang lahat ng mga bansa dahil sa kanya. 19 Pinili ko sya para ituro nya sa mga anak at sa buong angkan nya na sundin ako at gawin kung ano ang tama at patas. Pag ginawa nila yun, tutuparin ko ang lahat ng pinromise ko.”
20 Tapos sinabi ni Lord kay Abraham, “Grabe ang mga sumbong sa akin laban sa Sodom at Gomorrah, ang laki-laki ng kasalanan nila. 21 Bababa ako dun para malaman kung totoo nga ang mga yun.”
22 Tapos umalis na ang dalawang lalaki at pumunta sa Sodom, pero nagpaiwan si Lord kasama ni Abraham. 23 Lumapit si Abraham kay Lord at nagtanong, “Idadamay nyo po ba yung mabubuti sa pagwasak nyo sa masasama? 24 Paano kung may 50 na mabuting tao dun, wawasakin nyo pa rin ba yung buong city? Di nyo ba sila patatawarin para iligtas yung 50? 25 Sure ako na hindi nyo idadamay yung mabubuti sa parusa sa masasama. Hindi kayo ganun. Dapat patas ang Judge ng buong mundo, di po ba?”
26 Sumagot si Lord, “Kung may 50 na mabuting tao sa Sodom, patatawarin ko ang buong city para sa kanila.”
27 Nagsalita ulit si Abraham, “Lord, sorry sa sasabihin ko. Tao lang po ako, di ko dapat sinasabi ito. 28 Pero kung 45 lang ang inosente dun at hindi 50, wawasakin nyo ba yung buong city dahil kulang sila ng lima?”
29 Nagsalita ulit si Abraham, “Eh kung 40 lang po?”
30 Sabi ni Abraham, “Please wag kayong magalit, Lord, hihirit ulit ako. Paano po kung 30 lang sila?”
31 Sabi ulit ni Abraham, “Lord, sorry ang kulit ko. Eh kung 20 lang yung makita mong mabuti dun?”
32 Sinabi pa ni Abraham, “Please wag kayong magalit, Lord, last na lang po. Paano kung sampu lang ang makita nyong inosente dun?”
33 Pagkasabi nito, umalis na si Lord at umuwi naman si Abraham.