Genesis
Chapter 42
Nagpunta sa Egypt ang mga Kapatid ni Joseph
1 Nang mabalitaan ni Jacob na may pagkain sa Egypt, sinabi nya sa mga anak nya, “Ano, magtitinginan na lang ba kayo dyan? 2 Balita ko, may pagkain daw sa Egypt. Pumunta kayo dun at bumili ng makakain para hindi tayo mamatay sa gutom.” 3 Pumunta nga sa Egypt yung sampung kapatid ni Joseph para bumili ng pagkain. 4 Hindi pinasama ni Jacob yung nakababatang kapatid ni Joseph na si Benjamin, kasi natatakot sya na baka may mangyaring masama sa kanya.
5 Pumunta nga sa Egypt yung mga anak ni Jacob para bumili ng pagkain. Ganun din ang ginawa ng ibang mga kababayan nila, kasi taggutom na sa buong Canaan. 6 Dahil si Joseph ang governor ng Egypt, sya ang nagbebenta ng pagkain sa lahat ng mga tao. Dumating ang mga kapatid ni Joseph at nag-bow sila sa harapan nya. 7 Nang makita ni Joseph ang mga kapatid nya, nakilala nya sila, pero hindi sya nagpahalata. Pagalit nya silang tinanong, “Taga-saan kayo?”
“Taga-Canaan po kami, bibili po kami ng pagkain,” sagot nila.
8 Na-recognize ni Joseph ang mga kapatid nya, pero hindi nila nakilala si Joseph. 9 Naalala nya ang mga panaginip nya tungkol sa kanila at sinabi nya, “Mga spy kayo! Nagpunta lang kayo dito para malaman ang kahinaan ng bansa namin.”
10 “Hindi po, sir,” sagot nila. “Bibili lang po kaming mga servants nyo ng pagkain kaya kami nandito. 11 Hindi po kami mga spy, magkakapatid kaming lahat at mga tapat po kaming tao.”
12 Sinabi ni Joseph sa kanila, “Hindi! Nagpunta lang kayo dito para alamin ang kahinaan ng bansa namin.”
13 Sumagot sila, “Sir, 12 po kaming magkakapatid. Taga-Canaan po ang tatay namin. Patay na yung isa naming kapatid, at yung bunso naman, kasama ngayon ng tatay namin.”
14 Pero sabi pa rin ni Joseph, “Sinabi ko na kanina, mga spy kayo. 15 Ganito na lang para malaman natin: sinusumpa ko sa pangalan ng hari, hindi kayo makakaalis hanggat hindi nyo dinadala dito ang bunso nyong kapatid. 16 Isa sa inyo ang uuwi para kunin ang kapatid nyo. Tapos yung iba, maiiwang nakakulong dito para malaman ko kung totoo nga ang mga sinasabi nyo. Kung hindi, tama nga ang iniisip ko, mga spy nga kayo.” 17 Tapos, kinulong nya silang lahat nang tatlong araw.
18 Nung pangatlong araw, sinabi ni Joseph sa kanila, “May takot ako sa Diyos, kaya hahayaan ko kayong mabuhay, pero sa isang kundisyon. 19 Kung talagang nagsasabi kayo ng totoo, maiwan dito sa kulungan ang isa sa inyo, tapos uuwi na yung iba para dalhin sa mga nagugutom nyong pamilya ang mga nabili nyong pagkain. 20 Tapos dalhin nyo yung bunso nyong kapatid sa akin. Dyan ko malalaman kung totoo nga ang sinasabi nyo. Pag ganun, hindi kayo mamamatay.”
Pumayag silang lahat.
21 Sinabi nila sa isat-isa, “Pinagbabayaran na natin yung ginawa natin sa kapatid natin. Hirap na hirap sya nun, pero hindi natin sya pinansin nung humihingi sya ng tulong. Kaya ngayon, tayo naman ang naghihirap.”
22 Sinabi ni Reuben, “Yan yung sinasabi ko sa inyo nun, wag nating saktan yung bata. Pero di kayo nakinig. Ngayon tuloy, nagbabayad tayo sa pagkamatay nya.” 23 Hindi nila alam na naiintindihan ni Joseph yung sinasabi nila, kasi may interpreter sya pag nakikipag-usap sa kanila. 24 Umalis muna si Joseph at umiyak. Tapos nung okay na sya, bumalik sya at nakipag-usap ulit sa kanila. After nun, hiniwalay nya si Simeon at ginapos sa harap nila.
Bumalik ang mga Kapatid ni Joseph sa Canaan
25 Inutos ni Joseph na punuin ng pagkain ang mga sako ng mga kapatid nya, at ilagay dun yung perang pinambayad nila. Pinabaunan pa nya ang mga ito ng makakain nila sa pag-uwi nila. At ganun nga ang ginawa sa kanila. 26 Kinarga nila ang mga biniling pagkain sa mga donkey, at saka sila umalis. 27 Nung tumigil sila sa isang lugar para magpalipas ng gabi, binuksan ng isa sa kanila ang sako nya para magpakain ng donkey. Tapos nakita nya yung pera nya sa loob ng sako. 28 Sinabi nya sa mga kapatid nya, “Hala, binalik sa akin yung pera ko, nandito sa sako!” Nanginig sila sa takot, at sinabi nila sa isat-isa, “Ano itong ginawa ng Diyos sa atin?”
29 Pagdating nila sa Canaan, kinwento nila sa tatay nilang si Jacob ang lahat ng nangyari sa kanila. 30 Sabi nila, “Grabe magsalita sa amin yung governor ng Egypt, pinagbintangan ba naman kaming nag-eespiya sa bansa nya! 31 Pero sabi namin, ‘Mga tapat po kaming tao, hindi kami mga spy. 32 Twelve kaming magkakapatid sa iisang tatay. Patay na ang isa naming kapatid, tapos yung bunso naman, naiwan sa Canaan, kasama ng tatay namin.’ 33 Tapos sabi nung governor, ‘Para malaman ko kung totoo nga ang sinasabi nyo, isa sa inyo ang maiiwan dito. Tapos yung iba, pwede nang umuwi dala ang pagkain para sa nagugutom nyong pamilya. 34 Dalhin nyo dito yung bunso nyong kapatid. Dun ko lang malalaman kung tapat nga kayo at hindi mga spy. Ibabalik ko din sa inyo ang kapatid nyo, tapos pwede pa kayong mag-stay dito at magnegosyo.’”
35 Nung inaalis na nila yung laman ng mga sako, nakita nila yung mga pera nila dun. Natakot silang lahat, pati ang tatay nila. 36 Sinabi sa kanila ng tatay nila, “Gusto nyo bang mawala sa akin ang lahat ng mga anak ko? Wala na si Joseph, wala na din si Simeon, tapos ngayon, gusto nyo pang dalhin dun si Benjamin? Napakahirap nito para sa akin!”
37 Sinabi ni Reuben sa tatay nya, “Pag hindi ko po nabalik si Benjamin sa inyo, patayin nyo ang dalawang anak ko. Basta, ako po ang bahala sa kanya, ibabalik ko sya sa inyo.”
38 Pero sabi ni Jacob, “Hindi nyo isasama ang anak ko! Namatay na ang kuya nya, at sya na lang ang naiwan. Baka may mangyari pa sa kanya sa daan. Matanda na ako, at mapapatay nyo ako sa ginagawa nyong yan.”