Ang Lahi ni Adam
(1 Chronicles 1:1-4)
1 Ito ang listahan ng lahing mula kay Adam. Nung crineate ng Diyos ang tao, ginawa nya sila na kagaya nya. 2 Crineate sila ng Diyos na lalaki at babae, bliness sila at tinawag na “Tao.” 3 Nung 130 years old na si Adam, naging anak nya si Seth, na kagaya nya. 4 Tapos, nabuhay pa si Adam nang 800 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 5 Namatay sya sa edad na 930.
6 Nung 105 years old na si Seth, naging anak nya si Enosh. 7 Tapos, nabuhay pa sya nang 807 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 8 Namatay sya sa edad na 912.
9 Nung 90 na si Enosh, naging anak nya si Kenan. 10 Tapos, nabuhay pa sya nang 815 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 11 Namatay sya sa edad na 905.
12 Nung 70 na si Kenan, naging anak nya si Mahalalel. 13 Tapos, nabuhay pa sya nang 840 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 14 Namatay sya sa edad na 910.
15 Nung 65 na si Mahalalel, naging anak nya si Jared. 16 Tapos, nabuhay pa sya nang 830 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 17 Namatay sya sa edad na 895.
18 Nung 162 na si Jared, naging anak nya si Enoch. 19 Tapos, nabuhay pa sya nang 800 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 20 Namatay sya sa edad na 962.
21 Nung 65 na si Enoch, naging anak nya si Methuselah. 22 Tapos, nabuhay pa si Enoch nang 300 years kasama ang Diyos at nagkaron sya ng iba pang mga anak. 23 Umabot sya sa edad na 365. 24 Namuhay syang kasama ang Diyos, tapos bigla syang nawala kasi kinuha sya ng Diyos.
25 Nung 187 na si Methuselah, naging anak nya si Lamech. 26 Nabuhay pa sya nang 782 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 27 Namatay sya sa edad na 969.
28 Nung 182 na si Lamech, nagkaron sya ng anak na lalaki. 29* Sinabi nya, “Mula sa lupang sinumpa ni Lord, ang batang ito ang magbibigay sa atin ng pahinga at mag-aalis ng lahat ng hirap natin.” Kaya Noah ang pinangalan nya sa bata. 30 Nabuhay pa si Lamech nang 595 years at nagkaron ng iba pang mga anak. 31 Namatay sya sa edad na 777.
32 Nung 500 years old na si Noah, naging anak nya sina Shem, Ham, at Japheth.
Footnotes
5:29
+ NOAH: Katunog nito yung Hebrew word para sa “pahinga.”