Pinanganak si Isaac
1 Bliness ni Lord si Sarah, gaya ng sinabi nya, at tinupad ni Lord ang pangako nya. 2 Kahit matanda na si Abraham, nabuntis pa rin si Sarah at nagkaanak ng isang lalaki. Pinanganak yung bata sa eksaktong panahon na sinabi ng Diyos. 3 Isaac ang pinangalan ni Abraham sa anak nya. 4 Nung eight days na si Isaac, tinuli sya ni Abraham, gaya ng inutos ng Diyos. 5 Pinanganak si Isaac nung 100 years old na si Abraham. 6 Sabi ni Sarah, “Nakakatawa itong ginawa ng Diyos sa akin. For sure, matatawa ang lahat pag nabalitaan nila ito.” 7 Tapos sabi pa nya, “Sinong mag-aakala at makakapagsabi kay Abraham na mag-aalaga pa ako ng bata? Pero nagkaanak ako sa kanya kahit matanda na sya.”
8 Nung lumaki yung bata at tumigil na sya sa pagdede sa nanay nya, naghanda si Abraham para i-celebrate yun.
Pinalayas sina Hagar at Ishmael
9 Isang araw, nakita ni Sarah na nakikipaglaro si Ishmael sa anak nyang si Isaac. Si Ishmael yung anak ni Abraham kay Hagar na isang Egyptian. 10 Sabi ni Sarah kay Abraham, “Palayasin mo yang alipin na yan at yung anak nya. Hindi dapat makihati ang anak ng babaeng yan sa mamanahin ng anak kong si Isaac.” 11 Ang sakit-sakit nun para kay Abraham kasi anak din naman nya si Ishmael. 12 Pero sabi ng Diyos kay Abraham, “Wag ka nang mag-alala para sa bata at sa alipin mo. Gawin mo yung sinabi ni Sarah sayo, kasi kay Isaac ko tutuparin yung pinromise kong lahi sayo. 13 Pero bibigyan ko rin ng maraming anak yung anak ng alipin, at gagawin ko silang isang bansa, kasi anak mo rin naman sya.”
14 Kinabukasan, maagang gumising si Abraham at binigyan nya si Hagar ng pagkain at tubig. Pinabuhat nya kay Hagar ang mga yun, at pinaalis sya kasama ang bata. Umalis nga sya at nagpagala-gala sa desert ng Beersheba. 15 Nung naubos na yung tubig nila, iniwan ni Hagar ang bata sa ilalim ng maliit na puno, 16 tapos umupo sya sa bandang malayo, mga 100 meters yun. Sabi nya sa sarili, “Hindi ko kayang makitang mamatay ang anak ko.” Naupo na lang sya dun at umiyak.
17 Narinig ng Diyos na umiiyak yung bata, tapos isang angel ng Diyos ang kumausap kay Hagar, “Anong iniiyak mo, Hagar? Wag kang matakot. Narinig ng Diyos ang iyak ng bata. 18 Lapitan mo sya at patahanin. Gagawin kong malaking bansa ang lahi nya.” 19 Tapos binuksan ng Diyos ang paningin ni Hagar at nakita nya ang isang balon. Pumunta sya dun at pinuno nya ng tubig yung dala nyang lalagyan, tapos pinainom nya yung bata. 20 Hindi nga pinabayaan ng Diyos si Ishmael sa paglaki nya, tumira sya sa desert ng Paran at naging mahusay na hunter. 21 Ikinuha sya ng nanay nya ng isang Egyptian na mapapangasawa nya.
Ang Agreement nina Abraham at Abimelech
22 Nung time na yun, pinuntahan ni Abimelech si Abraham. Sinama nya si Phicol na commander ng army nya. Sabi nya kay Abraham, “Kasama mo ang Diyos sa lahat ng ginagawa mo. 23 Sumumpa ka ngayon sa harap ng Diyos na hindi mo ako lolokohin, o yung mga anak ko, o yung mga magiging anak ng mga anak ko. Naging loyal ako sayo, kaya mangako ka na magiging loyal ka rin sa akin at sa bansang ito kung saan ka nakatira.”
24 Sumagot si Abraham, “Sige, nangangako ako.”
25 Nagreklamo si Abraham kay Abimelech tungkol sa isang balon na inagaw ng mga alipin nya. 26 Ang sagot ni Abimelech, “Hindi ko alam kung sinong gumawa nyan, hindi mo naman sinabi sa akin, at first time ko yang mabalitaan ngayon.” 27 Tapos nun, gumawa sila ng agreement, at binigyan ni Abraham si Abimelech ng mga tupa at baka. 28 Hiniwalay ni Abraham yung pitong babaeng tupa sa mga alaga nya. 29 Kaya tinanong sya ni Abimelech, “Para saan yang pitong tupa? Bakit mo hiniwalay?”
30 Sumagot si Abraham, “Para sayo ang pitong tupa na ito. Pag tinanggap mo ang mga ito, ibig sabihin, tinatanggap mong ako ang humukay sa balon na ito.” 31* Kaya tinawag na Beersheba ang lugar na yun, kasi doon sila sumumpa sa isat-isa.
32 After ng agreement nila dun sa Beersheba, bumalik na si Abimelech sa Philistia, kasama si Phicol na commander ng army nya. 33* Tapos, nagtanim si Abraham ng puno ng tamarisk sa Beersheba at sinamba nya si Lord, ang Diyos na nabubuhay forever. 34 Tumira si Abraham sa Philistia sa loob ng mahabang panahon.
Footnotes
21:31
+ BEERSHEBA: Sa Hebrew, “balon ng sumpaan” ang ibig sabihin ng salitang ito.
21:33
+ PUNO NG TAMARISK: Isang puno na nabubuhay sa desert.