1 Tinawag ni Isaac si Jacob, bliness nya ito at binilinan, “Wag kang mag-aasawa ng babaeng taga-Canaan. 2 Pumunta ka sa Mesopotamia, sa pamilya ng lolo mong si Bethuel. Pakasalan mo yung isa sa mga anak ng Tito Laban mo, kuya ng mama mo yun. 3 I-bless ka sana ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat at bigyan ka ng maraming anak, para maging tatay ka ng maraming bansa! 4 I-bless ka sana nya at ang magiging lahi mo, kung paano nya bliness si Abraham. Maging sayo sana ang lupang tinitirhan mo na binigay ng Diyos kay Abraham!” 5 Pinapunta nga ni Isaac si Jacob sa Mesopotamia para hanapin si Laban. Anak sya ni Bethuel na isang Aramean, at kapatid ni Rebecca na nanay nina Jacob at Esau.
Nag-asawa Ulit si Esau
6 Nalaman ni Esau na bliness ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Mesopotamia para maghanap ng asawa, at binilinang wag mag-aasawa ng taga-Canaan. 7 Nalaman din nyang sinunod ni Jacob ang tatay at nanay nya at nagpunta nga ito sa Mesopotamia. 8 Alam na ni Esau na ayaw ng tatay nyang si Isaac sa mga babaeng taga-Canaan, 9 kaya pumunta sya sa lugar ni Ishmael na anak ni Abraham, at nag-asawa ulit sya. Pinakasalan nya ang anak ni Ishmael na si Mahalath, na kapatid ni Nebaioth.
Nanaginip si Jacob sa Bethel
10 Umalis nga si Jacob sa Beersheba at pumunta sa Haran. 11 Inabot sya ng paglubog ng araw sa isang lugar at dun na sya nag-stay buong gabi. Kumuha sya ng bato na ginawa nyang unan, at dun na sya natulog. 12 Napanaginipan nya na meron daw hagdan na abot sa langit, at umaakyat-baba dun yung mga angel ng Diyos. 13 Tapos, nakatayo si Lord dun sa tabi nya, at sinabi, “Ako si Lord, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ibibigay ko sayo at sa magiging lahi mo ang lupaing ito na hinihigaan mo. 14 Marami kang magiging anak, kasingdami ng mga alikabok sa lupa, at makakaabot sila sa lahat ng sulok ng mundo. Mabe-bless ang lahat ng bansa dahil sayo at sa lahi mo. 15 Tandaan mo, sasamahan kita at iingatan kahit saan ka magpunta, at ibabalik kita sa lugar na ito. Hindi kita iiwan hanggat di ko natutupad ang pinangako ko sayo.”
16 Biglang nagising si Jacob at sabi nya, “Nandito si Lord! Hindi ko alam na nandito pala sya!” 17 Natakot sya, at sabi pa nya, “Nakakakilabot itong lugar na ito! For sure, ito ang bahay ng Diyos, ang gate ng langit.”
18 Kinabukasan, maagang gumising si Jacob. Tinayo nya dun sa lupa yung batong inunan nya para maging marker nung nangyari. Binuhusan nya yun ng oil at dinedicate sa Diyos. 19* Tinawag nyang Bethel ang bayan na yun, na dating tinatawag na Luz. 20 Tapos sumumpa si Jacob, “Kung sasamahan mo ako, O Diyos, at iingatan mo ako sa pupuntahan ko, at bibigyan mo ako ng pagkain at damit, 21 at makakabalik ako nang safe sa bahay ng tatay ko, ikaw na po, Lord, ang magiging Diyos ko. 22 Ang batong ito na tinayo ko ang magiging lugar kung saan ka sasambahin, at ibibigay ko sayo ang 10% ng lahat ng ibibigay mo sa akin.”
Footnotes
28:19
+ BETHEL: Sa Hebrew, “bahay ng Diyos” ang ibig sabihin ng salitang ito.