Genesis
Chapter 48
Bliness ni Jacob sina Ephraim at Manasseh
1 Dumating ang panahon, may nagsabi kay Joseph na may sakit ang tatay nya. Kaya dumalaw sya kasama ang dalawa nyang anak na sina Manasseh at Ephraim. 2 Nung malaman ni Jacob na dumating si Joseph, pinilit nyang bumangon at umupo sa kama. 3 Tapos sinabi ni Jacob kay Joseph, “Nung nasa Luz ako, dun sa Canaan, nagpakita sa akin ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, at bliness nya ako. 4 Sabi nya sa akin, ‘Pararamihin ko ang lahi mo at gagawin ko silang malaking bansa. Ibibigay ko sa kanila ang lugar na ito at magiging kanila ito forever.’”
5 Sabi pa ni Jacob, “Joseph, sa akin mo ibibilang yung dalawa mong anak na pinanganak dito sa Egypt bago ako dumating. Kagaya nina Reuben at Simeon, anak ko rin sina Ephraim at Manasseh. 6 Pero yung mga susunod mo pang anak, sayo talaga sila, at sina Ephraim at Manasseh ang magbibigay ng mana sa kanila. 7 Ginagawa ko ito para sa nanay mong si Rachel. Nung pabalik ako galing sa Mesopotamia, namatay sya sa Canaan, malapit sa Ephrath, at sobrang lungkot ko nun. Dun ko sya nilibing sa tabi ng daan pa-Ephrath.” Ito yung tinatawag na Bethlehem ngayon.
8 Nung makita ni Jacob ang mga anak ni Joseph, tinanong nya, “Sino ang mga ito?”
9 Sumagot si Joseph, “Mga anak ko po, sila yung binigay sa akin ng Diyos dito sa Egypt.”
Sabi ni Jacob, “Ilapit mo sila sa akin para ma-bless ko sila.”
10 Matanda na nun si Jacob kaya malabo na ang mata nya. Nilapit nga sa kanya ni Joseph ang mga bata, tapos niyakap sila ni Jacob at kiniss. 11 Sabi nya kay Joseph, “Akala ko hindi na kita makikita, pero hinayaan ngayon ng Diyos na makita kita, pati ang mga anak mo.” 12 Kinuha ni Joseph ang mga bata na nakakalong sa lolo nila, tapos yumuko sya sa harap ni Jacob.
13 Nilagay ni Joseph si Ephraim sa kaliwa ni Jacob at sa kanan naman si Manasseh. 14 Pero pinagkrus ni Jacob ang mga kamay nya. Pinatong nya yung kanang kamay nya sa ulo nung mas bata na si Ephraim. Tapos yung kaliwang kamay naman, sa ulo nung panganay na si Manasseh. 15* Tapos bliness nya sila,
“I-bless sana kayo ng Diyos na pinaglingkuran ng mga tatay kong sina Abraham at Isaac,
ang Diyos na nag-guide sa akin noon hanggang ngayon.
16 I-bless sana kayo ng angel na nagligtas sa akin.
Dahil sa inyo, maaalala ang pangalan ko, pati yung mga tatay kong sina Abraham at Isaac.
Magkaron sana kayo ng maraming-maraming anak!”
17 Nung nakita ni Joseph na kay Ephraim pinatong ni Jacob ang kanang kamay nya, hindi nya yun nagustuhan. Hinawakan nya ang kamay ng tatay nya na nasa ulo ni Ephraim para ilipat sa ulo ni Manasseh. 18 Sabi nya, “Tay, ito po ang panganay! Sa kanya nyo ipatong ang kanang kamay nyo.”
19 Pero tumanggi si Jacob at sinabi, “Oo, anak, alam ko. Magiging malaking bansa ang lahi ni Manasseh, pero magiging mas malaking bansa ang lahi ni Ephraim kesa sa kanya. Magiging maraming bansa ang lahi nya.”
20 Sinabi pa ni Jacob,
Sa ganung paraan, ginawang una ni Jacob si Ephraim kay Manasseh.
“Babanggitin ng mga Israelites ang pangalan nyo pag magdi-declare sila ng blessing,
Sasabihin nila, ‘Maging kagaya sana kayo nina Ephraim at Manasseh!’”
21 Tapos sinabi ni Jacob kay Joseph, “Anak, malapit na akong mamatay. Pero kasama nyo ang Diyos at ibabalik nya kayo sa bayan ng mga ninuno nyo. 22 Sayo ko ibibigay ang Shechem at hindi sa mga kapatid mo. Nakuha ko ang lugar na yun sa mga Amorites, gamit ang espada at pana ko.”

Footnotes


48:15 + bliness nya sila: Sa Hebrew, bliness nya si Joseph.