Genesis
Chapter 22
Tinest ng Diyos si Abraham
1 After ng ilang panahon, tinest ng Diyos si Abraham. Tinawag sya ng Diyos, “Abraham!” Sumagot naman sya, “Nandito po ako, ano po yun?”
2 Sabi ng Diyos, “Isama mo ang anak mo, ang kaisa-isa mong anak na si Isaac, na mahal na mahal mo, at pumunta kayo sa lupain ng Moriah. Ialay mo sya sa akin bilang sacrifice, dun sa bundok na ipapakita ko sayo.”
3 Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham at nagsibak ng kahoy para sa gagawing sacrifice, tapos ni-ready nya ang donkey nya. Umalis sya kasama si Isaac at yung dalawa nyang alipin papunta sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya. 4 Nung pangatlong araw, natanaw na ni Abraham yung lugar na pupuntahan nila. 5 Sabi nya sa mga alipin nya, “Dito na muna kayo kasama ng donkey. Pupunta kami dun ng bata at magwo-worship, tapos babalikan namin kayo.”
6 Pinabuhat ni Abraham kay Isaac yung mga kahoy na gagamitin para sa sacrifice, tapos dala naman nya yung kutsilyo at yung pampaapoy. Nung naglalakad na sila, 7 sabi ni Isaac, “Tatay!”
“Ano yun, anak?” sagot ni Abraham.
Sabi ni Isaac, “Meron tayong pampaapoy at mga kahoy, pero nasaan yung tupa na iaalay natin?”
8 Sumagot si Abraham, “Ang Diyos ang magbibigay nun.” Kaya tumuloy na sila sa paglalakad.
9 Pagdating nila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya, gumawa si Abraham ng altar at inayos nya dun yung mga kahoy. Tinali nya ang anak nya at hiniga nya sa altar, sa ibabaw ng mga kahoy. 10 Tapos kinuha nya ang kutsilyo para patayin ang anak nya. 11 Pero bigla syang tinawag ng angel ni Lord galing sa langit, “Abraham, Abraham!”
“Ano po yun?” sagot nya.
12 Sabi ng angel, “Wag mong saktan ang bata, wag mo syang gawan ng kahit ano. Alam ko na ngayon na may takot ka sa Diyos, kasi ni hindi mo pinagdamot sa kanya ang anak mo, yung kaisa-isa mong anak.”
13 Tumingin si Abraham sa paligid, at ayun, may nakita syang lalaking tupa na nasabit yung sungay sa mga sanga ng mababang puno. Kinuha ni Abraham yung tupa, at yun ang inalay nya bilang sacrifice, imbes na yung anak nya. 14 Tinawag ni Abraham ang lugar na yun na, “Si Lord ang Nagbibigay.” At hanggang ngayon, sinasabi pa rin ng mga tao na, “Sa bundok ni Lord, sya ang nagbibigay.”
15 Mula sa langit, tinawag ulit ng angel ni Lord si Abraham, 16 “Ito ang sinasabi ni Lord: Sumusumpa ako sa aking pangalan. Dahil ginawa mo ito at hindi mo pinagdamot ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, 17 sobrang ibe-bless kita at pararamihin ko ang mga anak mo, singdami ng mga stars sa langit at mga buhangin sa dagat. Tatalunin ng mga anak mo ang mga kaaway nila, 18 at hihingin ng lahat ng bansa na i-bless ko din sila kagaya ng pag-bless ko sa lahi mo. Mangyayari lahat ng ito kasi sumunod ka sa akin.” 19 Tapos nun, bumalik si Abraham sa mga alipin nya, at magkakasama silang pumunta sa Beersheba. Dun tumira si Abraham.
Ang mga Angkan ni Nahor
20 After nito, nalaman ni Abraham na nagkaron ng walong anak si Milcah sa kapatid nyang si Nahor: 21 Si Uz ang panganay, sumunod si Buz, si Kemuel na tatay ni Aram, 22 si Chesed, si Hazo, si Pildash, si Jidlaph, at si Bethuel 23 na tatay ni Rebecca. Anak ni Milcah ang walong ito kay Nahor na kapatid ni Abraham. 24 Si Reumah naman ang asawang-lingkod ni Nahor. May apat silang anak: sina Tebah, Gaham, Tahash, at Maacah.