Genesis
Chapter 38
Si Judah at si Tamar
1 Nung time na yun, iniwan ni Judah yung mga kapatid nya at nag-stay sya dun kina Hirah, isang lalaking taga-Adullam. 2 Na-meet dun ni Judah ang isang dalagang Canaanite na anak ni Shua. Naging asawa nya ito, 3 nagkaron sila ng anak na lalaki, at tinawag nya itong Er. 4 Nabuntis ulit ang asawa nya, nanganak ng isa pang lalaki, at Onan ang pinangalan nya dito. 5 Tapos, nagkaanak ulit sya ng lalaki, Shelah naman ang pangalan nun. Nasa Achzib si Judah nung pinanganak ito.
6 Pumili si Judah ng mapapangasawa ng panganay nyang si Er, ang pangalan nung babae ay Tamar. 7 Sobrang sama ng ugali ni Er, kaya nagalit si Lord sa kanya at pinatay sya. 8 Tapos sinabi ni Judah kay Onan, “Sipingan mo ang asawa ng kapatid mo. Gawin mo yung obligasyon mo sa kanya para magkaron ng anak ang kuya mo.” 9 Pero alam ni Onan na hindi magiging kanya yung bata. Kaya tuwing may nangyayari sa kanila nung asawa ng kuya nya, tinatapon nya sa lupa yung sperm nya, para hindi sya magkaanak para sa kuya nya. 10 Nagalit si Lord sa masamang ginawa nya, kaya pinatay din sya. 11 Tapos sinabi ni Judah sa manugang nyang si Tamar, “Umuwi ka muna sa bahay ng tatay mo at wag kang mag-aasawa hanggang lumaki ang anak kong si Shelah.” Sinabi nya yun kasi natatakot sya na baka mamatay din si Shelah, kagaya ng mga kuya nito. Kaya umuwi si Tamar sa tatay nya.
12 After ng ilang years, namatay yung asawa ni Judah. Nung matapos syang magluksa, nagpunta sya sa Timnah kasama ang kaibigan nyang si Hirah na taga-Adullam. Dun nya kasi pinapagupitan yung mga tupa nya. 13 May nagsabi kay Tamar na papunta sa Timnah yung father-in-law nya para pagupitan ang mga tupa nito. 14 Nung marinig nya ito, pinalitan nya yung damit panluksa na suot nya. Nagtakip sya ng belo sa mukha, at umupo sa entrance ng Enaim, na nadadaanan papuntang Timnah. Alam nya kasing binata na ang bunso ni Judah na si Shelah, pero hindi pa ito pinapakasal sa kanya.
15 Nung makita ni Judah si Tamar na nakatakip ang mukha, akala nya prostitute ito. 16 Lumapit sya dito at niyaya ang babae na makipagtalik sa kanya. Pero hindi nya nakilala na daughter-in-law nya pala yun.
“Anong ibabayad mo sa akin?” tanong ng babae.
17 “Padadalhan kita ng batang kambing,” sagot nya.
“Sige,” sabi ng babae, “pero mag-iwan ka muna sa akin ng gamit mo, para sure akong padadalhan mo nga ako ng kambing.”
18 “Anong gusto mong ibigay ko sayo?” tanong ni Judah.
Sumagot yung babae, “Yang singsing na pantatak na nakakwintas sayo at yung dala-dala mong tungkod.” Binigay nga ito ni Judah sa kanya. Tapos nagtalik sila at nabuntis si Tamar.
19 Pagkauwi ni Tamar, tinanggal nya ang belo nya at sinuot ulit ang damit na panluksa.
20 Pinapunta ni Judah yung kaibigan nyang si Hirah para dalhin yung kambing at kunin yung mga gamit nya sa babae, pero hindi nya ito nakita. 21 Tinanong ni Hirah yung mga tao sa Enaim, “Nasaan na yung prostitute na nakaupo dito?”
“Walang prostitute dito,” sagot nila.
22 Bumalik sya kay Judah at sinabi, “Di ko sya nakita dun. Sabi ng mga tao wala daw prostitute dun.”
23 Sabi ni Judah, “Hayaan mo na sa kanya yung mga yun, baka pagtawanan pa tayo ng mga tao. Sinubukan ko namang bayaran sya kaso wala sya dun.”
24 Mga three months pagkatapos nun, may nagsabi kay Judah, “Yung manugang mong si Tamar, nagpaka-prostitute. Eto pa, buntis sya ngayon.”
Inutos ni Judah, “Ilabas nyo sya at sunugin hanggang sa mamatay.”
25 Nung kinakaladkad na si Tamar palabas, pinasabi nya sa byenan nya, “Nabuntis ako ng lalaking may-ari nitong singsing na nakasabit sa kwintas at nitong tungkod, tingnan nyo kung kanino ang mga ito.”
26 Nakilala ni Judah yung mga gamit at sinabi, “Wala syang kasalanan, ako yung nagkamali. Hindi ko kasi sya pinakasal sa anak kong si Shelah.” After nun, hindi na ulit nakipagtalik si Judah kay Tamar.
27 Nung manganganak na si Tamar, nalaman na kambal ang magiging anak nya. 28 Habang nagle-labor sya, lumabas yung kamay ng isang baby, hinawakan yun ng midwife at tinalian ng pulang sinulid at sinabi, “Ito yung panganay.” 29* Pero pinasok ulit ng baby ang kamay nya, tapos biglang yung kakambal nya ang lumabas. Sabi tuloy ng midwife, “Ayos ah, nakagawa ka ng butas para mauna kang lumabas!” Kaya Perez ang naging pangalan nung baby. 30* Tapos lumabas din yung kapatid nya na may pulang sinulid sa kamay, Zerah naman ang naging pangalan nito.

Footnotes


38:29 + PEREZ: Sa Hebrew, “gumawa ng butas” ang ibig sabihin ng pangalang ito.
38:30 + ZERAH: Sa Hebrew, “pulang liwanag pag sumisikat ang araw” ang ibig sabihin ng pangalang ito.