Si Abraham at si Abimelech
1 Umalis si Abraham sa Mamre at pumunta sa bandang south ng Canaan, tapos tumira sya sa pagitan ng Kadesh at Shur. Nung nasa Gerar pa sya, 2 pinakilala nyang kapatid ang asawa nyang si Sarah. Kaya pinakuha ng hari ng Gerar na si Abimelech si Sarah. 3 Isang gabi, nagpakita ang Diyos kay King Abimelech sa panaginip at sinabi, “Mamamatay ka kasi kinuha mo ang babaeng yan, may asawa na sya.”
4 Pero hindi pa naman nagagalaw ni Abimelech si Sarah, kaya sinabi nya, “Lord, papatayin mo ba ako at ang mga kababayan ko kahit inosente kami? 5 Sabi kasi ni Abraham, kapatid nya si Sarah, at ganun din ang pakilala ni Sarah sa amin. Malinis po ang konsensya ko, wala akong ginawang masama.”
6 Sinagot sya ng Diyos sa panaginip, “Oo, alam kong malinis ang konsensya mo nung ginawa mo yan, kaya nga di ko hinayaang magalaw mo si Sarah at magkasala ka sa akin. 7 Kaya ngayon, ibalik mo na sya sa asawa nyang si Abraham. Isa syang prophet at ipagpe-pray ka nya para di ka mamatay. Pero kung hindi mo ibabalik si Sarah, mamamatay ka at ang lahat ng mga kababayan mo.”
8 Kinabukasan, maagang pinatawag ni Abimelech ang lahat ng officials nya at kinwento nya yung nangyari. Takot na takot silang lahat. 9 Kaya pinatawag ni Abimelech si Abraham at tinanong, “Ano itong ginawa mo sa amin? Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit mo binigyan ng ganitong problema ang kaharian ko? Hindi tama ang ginawa mo! 10 Ano bang naisip mo at ginawa mo yun?”
11 Sumagot si Abraham, “Akala ko po kasi walang takot sa Diyos ang mga nakatira dito, kaya naisip kong baka patayin nila ako para makuha ang asawa ko. 12 Pero totoo pong kapatid ko rin sya. Anak sya ng tatay ko, pero sa ibang babae. Tapos po, naging asawa ko sya. 13 Kaya nung sinabi sa akin ng Diyos na umalis ako sa lugar ng tatay ko, sabi ko kay Sarah, kung talagang loyal sya sa akin, sabihin nya sa mga tao na magkapatid kami.”
14 After nun, binigyan ni Abimelech si Abraham ng mga tupa, baka, at mga alipin. Binalik na rin nya si Sarah sa asawa nitong si Abraham. 15 Sabi nya kay Abraham, “Ayan ang buong lupain ko, tumira ka kung saan mo gusto.” 16 Sinabi nya naman kay Sarah, “Bibigyan ko ng 1,000 na silver ang kapatid mo, para malaman ng lahat na wala kang ginawang mali.”
17 Tapos, pinag-pray ni Abraham ang hari at pinagaling sya ng Diyos. Pinagaling din ang asawa ng hari at ang mga alipin nyang babae para magkaanak sila. 18 Bago kasi yun, ginawa ni Lord na baog ang lahat ng babae sa palasyo ni Abimelech, kasi nga kinuha nya si Sarah na asawa ni Abraham.