1 Pumunta nga si Joseph sa hari at sinabi, “Dumating na po ang aking tatay at mga kapatid galing Canaan. Dala nila yung mga alaga nilang hayop, mga baka at lahat ng ari-arian nila. Nasa Goshen po sila ngayon.” 2 Tapos pinakilala ni Joseph sa hari yung limang kapatid nya. 3 Tinanong sila ng hari, “Ano ang trabaho nyo?”
4 Nagpunta po kami dito para tumira sa bayan nyo. Malala na po kasi ang taggutom sa Canaan, at wala na ding makain ang mga alaga namin. Kung okay lang po sana, payagan nyo kaming tumira sa Goshen.” 5 So sinabi ng hari kay Joseph, “Nandito na ang tatay at mga kapatid mo. 6 Since ikaw naman ang governor ng buong Egypt, ibigay mo sa kanila yung best na lugar dito. Patirahin mo sila dun sa Goshen. Kung may mahusay sa kanilang magpastol, sila ang gawin mong in-charge sa mga alaga kong hayop.”
7 After nun, dinala ni Joseph ang tatay nya at pinakilala sa hari, tapos bliness ni Jacob ang hari. 8 Tinanong ng hari si Jacob, “Ilang taon na po kayo?”
9 Sumagot sya, “Mga 130 years na po akong nagpapalipat-lipat sa ibat-ibang lugar. Maiksi ang buhay ko at mahirap, kumpara sa mahabang buhay ng mga ninuno ko nung palipat-lipat din sila.” 10 Bliness ulit ni Jacob ang hari at saka sya umalis. 11 Pinatira nga ni Joseph ang tatay nya at mga kapatid nya sa Egypt. Binigay sa kanila ang best na lugar malapit sa Rameses, gaya ng inutos ng hari. 12 Binigyan din nya ng pagkain ang tatay nya, mga kapatid, at ang lahat ng kamag-anak nya, base sa dami ng anak nila.
Ang Taggutom
13 Lalong lumala ang taggutom, wala nang pagkain kahit saan. Sa sobrang gutom, nanghina na ang mga nakatira sa Egypt at Canaan. 14 Binenta ni Joseph ang mga pagkain sa mga tao. Inipon nya ang mga perang kinita at dinala sa palasyo. 15 Nung wala nang pambili ang mga taga-Egypt at Canaan, lumapit sila kay Joseph at sinabi, “Bigyan mo kami ng pagkain, mamamatay na kami sa gutom. Wala na kaming pera.”
16 Sumagot si Joseph, “Kung wala na kayong pera, ibigay nyo na lang sa akin yung mga alaga nyo, papalitan ko ng pagkain.” 17 Dinala nga nila kay Joseph ang mga alaga nilang kabayo, tupa, kambing, baka, at donkey, at pinalitan nya yun ng mga pagkain. Isang taon silang binibigyan ni Joseph ng pagkain kapalit ng mga hayop nila.
18 After one year, lumapit ulit sila kay Joseph at sinabi, “Sir, alam nyo pong wala na kaming pera at nasa inyo na rin ang mga hayop namin. Wala nang natira sa amin kundi ang mga sarili namin at mga bukid. 19 Tulungan nyo po kami! Hahayaan nyo ba kaming mamatay at mapabayaan ang mga bukid namin? Bigyan nyo kami ng pagkain at mga buto na pwede naming itanim, kapalit ng mga sarili namin at mga bukid. Okay po sa amin na maging alipin kami ng hari.”
20 Binili nga ni Joseph ang lahat ng lupain sa Egypt para sa hari. Sa sobrang gutom, napilitan ang mga Egyptians na ibenta ang mga bukid nila kaya napunta sa hari ang lahat ng lupain. 21 Ginawa rin ni Joseph na alipin ng hari ang lahat ng nakatira sa Egypt. 22 Yung lugar lang ng mga priest ang hindi nya nabili. Hindi kailangang ibenta ng mga priest yung lupa nila kasi binibigyan sila ng hari ng allowance para mabuhay. 23 Tapos sinabi ni Joseph sa mga tao, “Makinig kayo! Ngayon, binili ko na kayo at ang mga lupa nyo para sa hari. Ito na yung mga buto na itatanim nyo sa bukid. 24 Sa panahon ng anihan, ibibigay nyo sa hari ang 20% ng harvest nyo, tapos yung natira, pwede nyo ulit itanim o ipakain sa mga pamilya nyo.”
25 Sabi nila, “Sir, ang bait nyo po sa amin, niligtas nyo kami. Okay po sa amin na maging alipin kami ng hari.” 26 So, gumawa si Joseph ng batas sa Egypt, na ang 20% ng mga ani ay mapupunta sa hari. Hanggang ngayon, pinapatupad pa ang batas na yan. Yung lupa lang ng mga priest ang hindi napunta sa hari.
Ang Huling Request ni Jacob
27 Sa Egypt na nga tumira ang mga Israelites, dun sa may Goshen. Nagkaron sila ng mga ari-arian dun, at dumami pa ang lahi nila. 28 Seventeen years tumira si Jacob sa Egypt, at umabot sya ng 147 years old. 29* Nung malapit na syang mamatay, tinawag nya si Joseph at sinabi, “Anak, may request sana ako sayo, ilagay mo yung kamay mo sa gitna ng mga hita ko at mangako ka na hindi mo ako ililibing dito sa Egypt. 30 Gusto kong malibing kasama ng mga ninuno ko. Ilabas mo ako dito sa Egypt at ilibing mo ako kung saan sila nakalibing.”
31 Sabi ni Jacob, “Mangako ka,” at nangako nga si Joseph. Tapos yumuko si Jacob at nag-pray sa may higaan nya.
Footnotes
47:29
+ ILAGAY…HITA KO: Tingnan sa Genesis 24:2.