Genesis
Chapter 1
Ang Kwento ng Creation
1* Nung simula, nung crineate ng Diyos ang langit at ang lupa, 2 walang anyo ang lupa at walang anumang may buhay dun. Napapalibutan ng dilim ang malalim na tubig at kumikilos sa ibabaw nun ang Espiritu ng Diyos. 3 Sinabi ng Diyos, “Magkaron ng liwanag”—at nagkaron nga ng liwanag. 4 Nasiyahan sya nung makita nya yun. Hiniwalay nya ang liwanag sa dilim 5 at tinawag nyang “Araw” ang liwanag at “Gabi” ang dilim. Natapos ang gabi at dumating ang umaga—yun ang unang araw.
6 Tapos sinabi ng Diyos, “Magkaron ng kalangitan sa pagitan ng mga tubig para maghiwalay ang tubig sa itaas at tubig sa ibaba.” 7 So gumawa nga ang Diyos ng kalangitan at pinaghiwalay yung tubig na nasa ilalim ng kalangitan at yung tubig na nasa ibabaw nun. At nangyari nga yun. 8 Tinawag nyang “Langit” yung kalangitan. Natapos ang gabi at dumating ang umaga—yun ang pangalawang araw.
9 At sinabi ng Diyos, “Magsama-sama sa isang lugar ang mga tubig sa ilalim ng langit para lumitaw ang tuyong lupa”—at nangyari nga yun. 10 Tinawag nyang “Lupa” yung tuyong bahagi at “Dagat” naman yung nagsama-samang tubig. At nasiyahan ang Diyos sa nakita nya. 11 Tapos inutos nya, “Magkaron ng lahat ng klase ng halaman sa lupa na nagpo-produce ng mga butil at prutas”—at nangyari nga yun. 12 Tumubo sa lupa ang lahat ng klase ng halaman at nasiyahan ang Diyos sa nakita nya. 13 Natapos ang gabi at dumating ang umaga—yun ang pangatlong araw.
14 Tapos sinabi ng Diyos, “Magkaron ng mga liwanag sa langit para mahiwalay ang araw sa gabi, at para maging basehan sa pagbibilang ng mga araw, panahon, at taon. 15 Mula sa langit, magbibigay sila ng liwanag sa mundo.” At nangyari nga yun. 16 Gumawa ang Diyos ng dalawang malaking liwanag—yung araw para magliwanag sa maghapon at yung buwan para sa gabi. Ginawa rin nya ang mga stars. 17 Nilagay ng Diyos ang mga yun sa langit para bigyan ng liwanag ang mundo, 18 para maging ilaw sa umaga at gabi, at para mahiwalay ang liwanag sa dilim. At nasiyahan ang Diyos sa nakita nya. 19 Natapos ang gabi at dumating ang umaga—yun ang pang-apat na araw.
20 Sinabi ng Diyos, “Magkaron ng maraming klase ng creatures na may buhay sa mga tubig, at magkaron ng mga ibon sa kalangitan.” 21 Ginawa nga ng Diyos ang malalaking hayop sa dagat at lahat ng creatures na nabubuhay sa tubig, at lahat ng klase ng ibon. At nasiyahan ang Diyos sa nakita nya. 22 Bliness nya ang lahat ng mga yun at sinabi, “Kayong mga creatures sa tubig, magpakarami kayo at punuin ang dagat. Kayong mga ibon, magpakarami kayo at punuin ang mundo.” 23 Natapos ang gabi at dumating ang umaga—yun ang panglimang araw.
24 Sinabi ng Diyos, “Magkaron ng lahat ng klase ng hayop sa lupa: maamo at mabangis, malaki at maliit”—at nangyari nga yun. 25 Ginawa ng Diyos ang lahat ng ito, at nasiyahan sya sa nakita nya.
26 Tapos, sinabi ng Diyos, “Mag-create tayo ng tao na kagaya natin. Sila ang mamamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng mga hayop sa mundo—maamo at mabangis, malaki at maliit.” 27 Crineate nga ng Diyos ang tao at ginawang kagaya nya, crineate nya sila na lalaki at babae. 28 Bliness nya sila at sinabi sa kanila, “Magkaron kayo ng maraming anak. Punuin nyo ang mundo at kayo ang mamahala dito. Kayo ang magiging in-charge sa mga isda, ibon, at lahat ng hayop. 29 Tingnan nyo, binigyan ko kayo ng lahat ng klase ng butil at prutas para makain nyo, 30 mga damo at halaman naman ang pagkain ng mga hayop at ibon”—at nangyari nga yun. 31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat ng ginawa nya at nasiyahan talaga sya. Natapos ang gabi at dumating ang umaga—yun ang pang-anim na araw.

Footnotes


1:1 + Nung simula…lupa: o kaya Nung simulan ng Diyos ang pag-create sa langit at lupa.