Genesis
Chapter 10
Ang Angkan ni Noah
(1 Chronicles 1:5-23)
1 Pagkatapos ng baha, nagkaron ng maraming apo si Noah mula sa mga anak nyang sina Shem, Ham, at Japheth. Ito ang mga lahi nila:
2 Anak ni Japheth sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshech, at Tiras. 3 Anak ni Gomer sina Ashkenaz, Riphath, at Togarmah. 4 Ang mga anak ni Javan ay sina Elishah, Spain, Cyprus, at Rhodes. 5 Silang lahat ang mga anak ni Japheth at ninuno ng mga taong nakatira sa tabing-dagat. Kumalat sila sa ibat-ibang lupain at nagkaron ng kanya-kanyang language, pamilya, at bansa.
6 Ang mga anak ni Ham ay sina Cush, Egypt, Libya, at Canaan. 7 Si Cush ang tatay nina Seba, Havilah, Sabtah, Raamah, at Sabteca. Anak naman ni Raamah sina Sheba at Dedan. 8 May anak si Cush na ang pangalan ay Nimrod. Sya ang pinakaunang malakas na warrior sa mundo. 9 Sa tulong ni Lord, naging magaling syang hunter. Kaya nga naging kasabihan sa kanila noon, “Sana gawin ka ni Lord na magaling na hunter gaya ni Nimrod!” 10 Nung una, kasali sa nasasakupan nya ang Babel, Erech, at Accad, na pare-parehong nasa Babylonia. 11 Mula dun, nagpunta sya sa Assyria at tinayo ang mga city ng Nineveh, Rehoboth-ir, Calah, 12 at yung Resen na nasa pagitan ng Nineveh at ng Calah na isang malaking city.
13 Si Egypt ang tatay nina Lydia, Anam, Lehab, Naphtuh, 14 Pathrus, Casluh, at ni Crete na ninuno ng mga Philistines.
15 Ang mga anak ni Canaan ay sina Sidon at Heth, panganay si Sidon. 16 Si Canaan din ang ninuno ng mga Jebusites, Amorites, Girgashites, 17 Hivites, Arkites, Sinites, 18 Arvadites, Zemarites, at ng mga Hamathites. Kumalat sa ibat-ibang lugar ang mga pamilyang Canaanites. 19 Umabot ang teritoryo nila mula sa Sidon tapos pa-south papuntang Gerar malapit sa Gaza, at pa-east papuntang Sodom, Gomorrah, Admah, at Zeboiim na malapit sa Lasha. 20 Ito ang mga lahi na galing kay Ham ayon sa kanya-kanyang pamilya, language, lupain at bansa.
21 Si Shem naman na kuya ni Japheth ang ninuno ng mga Hebrew. 22 Ang mga anak nya ay sina Elam, Asshur, Arpachshad, Lud, at Aram. 23 Mga anak ni Aram sina Uz, Hul, Gether, at Meshek. 24 Si Arpachshad ang tatay ni Shelah, na tatay naman ni Eber. 25* May dalawang anak na lalaki si Eber: yung isa ay tinawag na Peleg kasi watak-watak ang mga tao sa mundo nung time nya, at yung isa ay si Joktan. 26 Si Joktan ang tatay nina Almodad, Sheleph, Hazarmaveth, Jerah, 27 Hadoram, Uzal, Diklah, 28 Obal, Abimael, Sheba, 29 Ophir, Havilah, at Jobab. Silang lahat ang mga anak ni Joktan. 30 Umabot ang lupang tinitirhan nila mula Mesha hanggang Sephar, dun sa mabundok na lugar sa east. 31 Ito ang mga lahi na galing kay Shem ayon sa kanya-kanyang pamilya, language, lupain at bansa.
32 Ito ang mga pamilya ng mga anak ni Noah, ayon sa kanya-kanyang lahi at bansa. Sa angkan na ni Noah galing ang lahat ng tao sa mundo after ng baha.

Footnotes


10:25 + PELEG: Katunog nito yung Hebrew word para sa “watak-watak.”