Genesis
Chapter 26
Tumira si Isaac sa Gerar
1 Nagkaron ulit ng taggutom sa lupain, iba pa ito sa taggutom nung panahon ni Abraham. Kaya pumunta si Isaac sa Gerar, isang lugar na sakop ni Abimelech na hari ng mga Philistines. 2 Nagpakita si Lord kay Isaac at sinabi, “Wag kang pumunta sa Egypt, mag-stay ka lang dito kung saan ko sinabi. 3 Dito ka muna tumira, sasamahan kita at ibe-bless. Ibibigay ko lahat ng lupaing ito sayo at sa magiging lahi mo. Tutuparin ko ang pangako ko sa tatay mong si Abraham. 4 Pararamihin ko ang magiging lahi mo, singdami ng mga stars sa langit, at ibibigay ko sa kanila lahat ng lupaing ito. Dahil bliness ko ang lahi mo, hihilingin ng lahat ng bansa na i-bless ko sila. 5 Ibe-bless kita kasi sinunod ako ni Abraham at ginawa nya ang lahat ng sinabi ko—yung mga utos, instructions, at mga tinuro ko.”
6 So, nag-stay nga si Isaac sa Gerar. 7 Napakaganda ni Rebecca, kaya pag tinatanong ng mga tagaroon kung kaanu-ano nya ito, ang sinasagot nya, “Kapatid ko sya.” Takot syang sabihin na asawa nya si Rebecca kasi baka daw patayin sya ng mga tao para makuha si Rebecca. 8 Minsan, nung matagal-tagal na silang nakatira dun, napatingin si King Abimelech sa labas ng bintana nya, at nakita nyang yakap-yakap ni Isaac si Rebecca. 9 Kaya pinatawag ni Abimelech si Isaac, at sabi nya, “So, asawa mo pala sya! Bakit mo sinabing kapatid mo sya?”
Sabi ni Isaac, “Iniisip ko kasi, baka may pumatay sa akin pag sinabi kong asawa ko sya.”
10 Sabi ni Abimelech, “Bakit mo ito ginawa sa amin? Kung ginalaw pala sya ng isang tagarito, eh di nagkasala pa kami dahil sa kagagawan mo?” 11 So winarningan ni Abimelech ang lahat ng mga tao, “Papatayin ang sinumang manakit sa mag-asawang ito.”
12 Habang nakatira si Isaac sa lugar na yun, nagtanim sya. Nung taon ding yun, nakapag-harvest nang 100 times ng tinanim nya, kasi bliness sya ni Lord. 13 Yumaman pa sya at nagkaron ng maraming ari-arian hanggang maging sobrang yaman na nya. 14 Ang dami-dami na nyang mga tupa, kambing, mga baka, at mga alipin, kaya nainggit sa kanya yung mga Philistines. 15 Kaya naman, tinabunan nila ng lupa yung mga balon na hinukay ng mga alipin ng tatay nyang si Abraham nung nabubuhay pa ito.
16 Tapos sinabi ni Abimelech kay Isaac, “Umalis ka na dito, masyado ka nang powerful kesa sa amin.” 17 Umalis nga si Isaac at tumira sa Gerar Valley, at dun na muna sya nag-stay. 18 Pinahukay ulit ni Isaac yung mga balong hinukay nung time ni Abraham na tinabunan ng mga Philistines pagkamatay nito. Kung anong pinangalan ng tatay nya sa mga balon, yun na din ang tinawag nya dun.
19 Isang araw, naghukay ang mga tauhan ni Isaac ng isang balon sa valley, at na-discover nila na malakas ang tubig dun. 20 Nakipag-away ang mga shepherd na taga-Gerar sa mga shepherd ni Isaac. Sabi nila, “Amin ang tubig na yan.” So, tinawag ni Isaac na “Balon ng Pag-aaway” ang balong yun, kasi inaway sila dun ng mga tagaroon.
21 Humukay ulit ang mga tauhan ni Isaac ng isa pang balon, at pinag-awayan na naman nila yun, kaya tinawag nya yung “Balon ng Alitan.” 22 Lumipat ulit si Isaac at nakahukay ng isa pang balon. Hindi pinag-awayan ang balong yun, kaya tinawag yun na “Balon ng Kalayaan,” kasi sabi nya, “Ngayon, malaya na tayong pinapatira ni Lord sa lupaing ito, at yayaman tayo dito.”
23 Umalis si Isaac dun at nagpunta sa Beersheba. 24 Nung gabing yun, nagpakita si Lord sa kanya at sinabi, “Ako ang Diyos ng tatay mong si Abraham. Wag kang matakot, kasi kasama mo ako. Ibe-bless kita at pararamihin ko ang magiging lahi mo kasi pangako ko yun sa servant kong si Abraham.” 25 Gumawa si Isaac ng altar dun at nag-worship sya kay Lord. Nagkampo sya sa lugar na yun, at naghukay ulit ang mga tauhan nya ng balon.
Ang Agreement nina Isaac at Abimelech
26 Pinuntahan ni King Abimelech si Isaac. Galing syang Gerar, at kasama nya ang adviser nyang si Ahuzzath, at si Phicol na commander ng army nya. 27 Tinanong ni Isaac, “Anong ginagawa nyo dito? Di ba ayaw nyo sa akin? Pinaalis nyo pa nga ako sa lugar nyo.”
28 Sumagot sila, “Alam na namin ngayon na tinutulungan ka ni Lord, kaya naisip namin, dapat magkaron tayo ng kasunduan. Mangako ka sa amin 29 na hindi mo kami gagawan ng masama, kung paanong di ka namin sinaktan noon. Naging mabait kami sayo at tahimik ka rin naming pinaalis. At ngayon, bine-bless ka nga ni Lord.” 30 Naghanda si Isaac ng maraming pagkain para sa kanila, tapos kumain sila at nag-inuman. 31 Maaga silang gumising kinabukasan at sumumpa sa isat-isa. Naging magkaibigan sila, tapos pinauwi na ni Isaac sina Abimelech.
32 Nung araw ding yun, dumating ang mga tauhan ni Isaac at binalita nilang may tubig ang balong hinukay nila. 33* Tinawag yun ni Isaac na “Balon ng Sumpaan.” Kaya hanggang ngayon, Beersheba ang pangalan ng city na yun.
Mga Asawa ni Esau
34 Nung 40 years old na si Esau, nag-asawa sya ng dalawang Hittite na babae, si Judith na anak ni Beeri at si Basemath na anak ni Elon. 35 Dahil sa kanila, naging miserable ang buhay ng mag-asawang Isaac at Rebecca.

Footnotes


26:33 + BEERSHEBA: Tingnan sa Genesis 21:31.