Si Joseph at ang Asawa ni Potiphar
1 Dinala nga ng mga Ishmaelites si Joseph sa Egypt at binenta sya kay Potiphar, isang official ng hari at kapitan ng mga guard sa palasyo. 2 Tinulungan ni Lord si Joseph at ginawang successful. Nakatira sya sa bahay ng amo nyang Egyptian. 3 Nakita ng amo nya na tinutulungan sya ni Lord, kasi nagiging successful ang lahat ng ginagawa nya. 4 Natuwa sa kanya si Potiphar at ginawa syang personal assistant. Pina-manage sa kanya ang bahay at ang lahat ng ari-arian nito. 5 Simula nun, dahil kay Joseph, bliness ni Lord ang buong pamilya nung Egyptian, at ang lahat ng pagmamay-ari nito sa bahay at sa bukid. 6 Pinagkatiwala ni Potiphar kay Joseph ang lahat ng ari-arian nya, kaya wala na syang iniintindi except sa kakainin nya.
7 Dumating yung time, nagkagusto sa kanya yung asawa ni Potiphar. Sinabi nito, “Halika, sipingan mo ako.” 8 Tinanggihan nya ito at sinabi, “Maam, mula nung dumating ako dito, wala nang pinroblema ang amo ko na kahit ano. Pinagkatiwala na nya sa akin ang lahat ng pag-aari nya. 9 Pantay lang kami dito sa bahay at wala syang pinagdamot sa akin except sayo na asawa nya. Hindi ako gagawa ng masama at ayokong magkasala sa Diyos.” 10 Araw-araw inaakit si Joseph nung babae, pero di nya ito pinapansin.
11 Pero isang araw, pagpunta ni Joseph sa bahay para magtrabaho, wala ni isang katulong na nandun. 12 Biglang hinatak nung babae ang damit ni Joseph at sinabi, “Sipingan mo na ako.” Pero umiwas sya at tumakbo palabas, at naiwan sa babae ang damit nya. 13 Nung makita ng babae na naiwan ni Joseph yung damit nya at nakalabas na sya sa bahay, 14 tinawag nya agad ang mga katulong at sinabi, “Tingnan nyo ito! Iniinsulto tayo ng Hebrew na dinala dito ng asawa ko. Pumasok sya sa kwarto ko at gusto akong rape-in, buti na lang nakasigaw agad ako. 15 Tapos nung sumigaw ako, bigla syang tumakbo palabas, kaya naiwan ang damit nya dito.”
16 Tinabi nya yung damit hanggang dumating ang asawa nya. 17 Tapos inulit nya yung kwento nya, “Pumasok sa kwarto ko yung Hebrew na alipin na dinala mo dito, gusto nya akong rape-in. 18 Pero nung sumigaw ako, bigla syang tumakbo palabas, at naiwan ang damit nya dito.”
19 Galit na galit si Potiphar sa kinwento ng asawa nya. 20 Pinaaresto nya si Joseph at dinala sa kulungan kung saan nandun yung mga pinakulong ng hari. At dun nga pinag-stay si Joseph. 21 Pero hindi sya pinabayaan ni Lord at bliness pa sya. Natuwa sa kanya yung bantay ng kulungan. 22 Ginawa sya nitong in-charge sa ibang mga preso at sa kanya pinagkatiwala ang lahat ng gawain dun. 23 Hindi na pinoproblema ng bantay yung mga ginagawa ni Joseph, kasi lagi syang tinutulungan ni Lord at nagiging successful ang lahat ng ginagawa nya.