Genesis
Chapter 31
Tinakasan ni Jacob si Laban
1 Nabalitaan ni Jacob na sinasabi ng mga anak ni Laban, “Kinuha na ni Jacob lahat ng pag-aari ng tatay natin. Lahat ng yaman nya, galing kay tatay!” 2 Napansin din nya na iba na ang trato ni Laban sa kanya kumpara dati. 3 Tapos sinabi ni Lord sa kanya, “Umuwi ka sa bayan ng tatay mo at ng mga kamag-anak mo. Sasamahan kita.”
4 So, nagpasabi si Jacob kina Rachel at Leah na puntahan sya sa bukid kung saan sya nag-aalaga ng mga hayop. 5 Sabi nya sa kanila, “Napansin kong iba na ang trato ng tatay nyo sa akin, di na gaya ng dati. Pero hindi naman ako iniiwan ng Diyos ng tatay ko. 6 Alam nyong binigay ko ang lahat ng lakas ko sa pagtatrabaho para sa tatay nyo. 7 Kaso dinaya nya ako, sampung beses na nyang pinapalitan yung sweldo ko. Pero hindi hinayaan ng Diyos na malamangan nya ako. 8 Pag sinasabi ni Laban na ibabayad nya sa akin yung mga kambing na batik-batik ang kulay, ang nangyayari, lahat ng pinapanganak na kambing, may batik-batik. Pag sinabi naman nyang yung mga kambing na stripes ang pambayad nya, lahat ng baby na kambing, pinapanganak na may stripes. 9 Kinuha ng Diyos ang mga alagang hayop ng tatay nyo, at binigay yun sa akin.
10 “Nung time na nagbi-breed yung mga hayop, nanaginip ako. Yung mga lalaking kambing daw, puro may mga stripes, spots, at batik-batik. 11 Tapos dun sa panaginip ko, tinawag ako ng angel ng Diyos, sabi nya, ‘Jacob!’ Sumagot ako, ‘Ano po yun?’ 12 Sabi nung angel, ‘Tingnan mo, lahat ng lalaking kambing ngayon, puro may mga stripes, spots, at batik-batik. Nangyayari ito ngayon kasi nakita ko ang ginagawa ni Laban sayo. 13 Ako ang Diyos na nagpakita sayo sa Bethel, kung saan mo dinedicate at binuhusan ng olive oil yung isang bato para maging marker nung nangyari, at nangako ka sa akin dun. Ngayon, mag-ready ka at umuwi ka na sa lugar kung saan ka pinanganak.’”
14 Sinagot sya nina Rachel at Leah, “Wala na kaming mamanahin kay tatay. 15 Parang taga-ibang lugar ang trato nya sa amin. Binenta nya kami, tapos ngayon nagastos na nya lahat ng perang binayad para sa amin. 16 Lahat ng kayamanan na kinuha ng Diyos kay tatay, sa amin yun at sa mga anak namin. So ngayon, gawin mo ang sinabi ng Diyos sayo.”
17 Nag-ready na si Jacob, at sinakay nya sa camel ang mga anak at mga asawa nya. 18 Dinala nya lahat ng mga alaga nyang hayop at lahat ng yaman na naipon nya sa Mesopotamia, at pumunta sya sa Canaan, sa lugar ng tatay nyang si Isaac. 19 Umalis nun si Laban para gupitan ang mga tupa nya. At habang wala sya, ninakaw ni Rachel ang mga diyus-diyosan nya. 20 Naisahan ni Jacob si Laban na isang Aramean, kasi hindi nya pinaalam na aalis na sya. 21 Tumakas sya dala ang lahat ng pag-aari nya. Tumawid sya sa ilog ng Euphrates at pumunta sa mabundok na bayan ng Gilead.
Hinabol ni Laban si Jacob
22 After three days, may nagsabi kay Laban na umalis na si Jacob. 23 So, nagsama sya ng mga kamag-anak nya at sinundan nila si Jacob for seven days. Naabutan nila si Jacob sa mabundok na bayan ng Gilead. 24 Pero nung gabing yun, kinausap ng Diyos si Laban sa panaginip. Sabi nya, “Mag-ingat ka sa sasabihin mo kay Jacob, wag mo syang pagbabantaan!” 25 Nagtayo si Jacob ng kampo nya sa bundok, si Laban naman at yung mga kamag-anak nya, nagkampo sa mabundok na bayan ng Gilead.
26 Sabi ni Laban kay Jacob, “Bakit mo ginawa ito? Bakit mo ako niloko? Tinangay mo yung mga anak ko na parang mga bihag sila sa gera. 27 Bakit mo ako tinakasan? Niloko mo ako, hindi mo sinabi na aalis ka. Eh di sana nagpa-despedida ako, may kantahan pa, tapos may tutugtog ng tambourine at lyre. 28 Hindi mo man lang ako pinahalik sa mga anak at apo ko para magpaalam sa kanila. Grabe ka, hindi ka nag-iisip! 29 Kayang-kaya kitang gawan ng masama, pero kagabi, kinausap ako ng Diyos ng tatay mo. Sabi nya, ‘Mag-ingat ka sa sasabihin mo kay Jacob, wag mo syang pagbabantaan.’ 30 Okay, alam kong umalis ka kasi gusto mo na talagang umuwi sa bahay ng tatay mo, pero bakit mo ninakaw yung mga diyos ko?”
31 Sumagot si Jacob, “Natakot ako, baka kasi pwersahan nyong kunin sa akin yung mga anak nyo. 32 Pero sige, kung kanino nyo makita yung mga diyos nyo, dapat syang mamatay. Witness ang mga kamag-anak natin, ituro nyo kung alin dyan ang iyo, tapos kunin nyo.” Hindi alam ni Jacob na kinuha ni Rachel yung mga diyus-diyosan ni Laban.
33 So, pumasok si Laban sa tent ni Jacob para hanapin ang mga yun. Sunod naman, sa tent ni Leah, tapos sa tent nung dalawang katulong, pero hindi nya nakita yung mga diyus-diyosan nya. Tapos, pumasok sya sa tent ni Rachel. 34 Kaso natago na ni Rachel yung mga diyus-diyosan sa pansapin sa likod ng camel at inupuan nya yun. Naghanap si Laban sa buong tent, pero hindi nya yun nakita. 35 Sabi ni Rachel sa tatay nya, “Tay, sorry, wag kang magalit kung di ako makatayo, meron po kasi ako ngayon.” Naghanap pa rin si Laban, pero hindi nya nakita ang mga diyus-diyosan nya.
36 Nagalit na si Jacob at tinaasan nya ng boses si Laban, “Ano bang mali ko? May kasalanan ba ako kaya gustung-gusto nyo akong hulihin? 37 Nahalungkat nyo na lahat ng gamit ko, may nakita ba kayong inyo dyan? Kung meron, ilabas nyo dito sa harap ng mga kamag-anak natin na kasama nyo at kasama ko. Tapos, sila na ang magsabi kung sino sa atin ang tama. 38 Sa 20 years na kasama nyo ako, never namatayan ng anak yung mga tupa at kambing mo, at hindi ako kumain ng lalaking tupa galing sa mga alaga mo. 39 Pag may tupa kang napatay ng mabangis na hayop, hindi ko na yun dinadala sayo. Ako na po ang umaako sa pagkamatay nun. Pag may tupang nanakaw, kahit umaga pa yan o gabi, pinapapalitan nyo yun sa akin. 40 Ganun ang sitwasyon ko nun, halos masunog ako sa init ng araw, tapos giniginaw naman ako sa gabi, hindi ako nakakatulog. 41 Twenty years akong nasa poder nyo, nagtrabaho ako nang 14 years para sa dalawa mong anak na babae, 6 years para sa mga alaga mong hayop, pero grabe, sampung beses nyong binago-bago yung sweldo ko. 42 Kung hindi po ako sinamahan ng Diyos ng mga ninuno ko, ang Diyos ni Abraham at ang sinasamba ni Isaac, siguradong pinaalis nyo na lang ako na walang dala. Pero nakita ng Diyos yung paghihirap at pagtatrabaho ko, at kagabi nga, pinagsabihan na nya kayo.”
Ang Kasunduan nina Jacob at Laban
43 Sinagot ni Laban si Jacob, “Anak ko ang mga babaeng ito, at yung mga anak nila, akin din. Pati yang mga hayop, akin. Actually, lahat ng nakikita mo, akin yan. Pero ngayon, wala na akong magagawa para sa mga anak at apo ko. 44 Sige, gumawa tayo ng kasunduan para maalala natin ang usapan na ito.”
45 So kumuha si Jacob ng bato, at tinayo nya yun para maging alaala ng mga nangyari. 46 Pinakuha nya ng mga bato yung mga tauhan nya, at pinagpatung-patong nila yun. Tapos, kumain sila sa tabi nung mga bato. 47* Tinawag yun ni Laban na Jegar Sahadutha, si Jacob naman, tinawag yung Galeed. 48 Sinabi ni Laban, “Ang mga batong ito ang magpapaalala ng kasunduan nating dalawa.” Kaya tinawag na Galeed ang lugar na yun. 49* Sabi pa ni Laban, “Bantayan sana tayo ni Lord habang magkalayo tayo sa isat-isa.” Kaya tinawag din yung Mizpah. 50 Nagsalita pa si Laban, “Pag minaltrato mo ang mga anak ko, o nag-asawa ka ng iba, kahit hindi ko yan malaman, tandaan mo, nakikita tayo ng Diyos. 51 Tingnan mo itong mga batong pinagpatung-patong at itong batong tinayo ko bilang alaala. 52 Reminder sa atin ang mga batong ito. Hindi ako lalampas sa mga batong ito para gawan ka ng masama, at ganun ka rin dapat sa akin. 53 Ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Nahor, sya ang magja-judge sa ating dalawa.” At nanumpa si Jacob sa pangalan ng Diyos na sinasamba ng tatay nyang si Isaac. 54 Tapos, pumatay si Jacob ng hayop at inoffer nya yun dun sa bundok. Tinawag nya ang mga kamag-anak nya para kumain at dun na sila nagpalipas ng gabi. 55 Maaga pa kinabukasan, bumangon na si Laban. Kiniss nya ang mga apo at mga anak nya, at bliness sila. Tapos umalis na sya at umuwi.

Footnotes


31:47 + JEGAR SAHADUTHA: Sa Aramaic, ibig sabihin nito, “isang tumpok ng bato na ginawa para magpaalala ng isang pangyayari.”
31:47 + GALEED: Sa Hebrew, ibig sabihin nito, “isang tumpok ng bato na ginawa para magpaalala ng isang pangyayari.”
31:49 + MIZPAH: Katunog nito yung Hebrew word para sa “bantayan.”