Ang Lahi ni Esau
1 Ito ang listahan ng lahi ni Esau na tinatawag ding Edom. 2 Nag-asawa sya ng mga Canaanite, sina Adah, Oholibamah, at Basemath. Si Adah yung anak ni Elon na Hittite, si Oholibamah naman yung anak ni Anah, at apo ni Zibeon na Hivite, 3 at si Basemath yung anak ni Ishmael at kapatid ni Nebaioth. 4 Naging anak ni Esau kay Adah si Eliphaz, kay Basemath si Reuel, 5 at kay Oholibamah sina Jeush, Jalam, at Korah. Ito yung mga anak ni Esau, pinanganak silang lahat sa Canaan.
6 Sinama ni Esau ang mga asawa nya, mga anak, mga kamag-anak at alipin, pati mga alagang hayop at mga napundar nya sa Canaan, at pumunta sya sa lugar na malayo kay Jacob. 7 Ginawa nya ito kasi sobrang dami na ng mga alaga nilang hayop at masikip na yung lugar para sa kanila. 8 Kaya dun na tumira si Esau, na tinatawag ding Edom, sa mabundok na lugar ng Seir.
9 Si Esau ang ninuno ng mga Edomites at ito yung lahi nya: 10-13 Anak ni Esau kay Adah si Eliphaz. Anak ni Eliphaz sina Teman, Omar, Zepho, Gatam, at Kenaz. Si Amalek naman ang anak ni Eliphaz kay Timna.
14 Anak ni Esau kay Oholibamah sina Jeush, Jalam at Korah. Si Oholibamah ang anak ni Anah at apo ni Zibeon.
15 Ito yung mga angkan na galing kay Esau: ang panganay nyang si Eliphaz ang ninuno ng mga angkan nina Teman, Omar, Zepho, Kenaz, 16 Korah, Gatam, at Amalek. Silang lahat ang angkan ni Esau sa asawa nyang si Adah.
17 Si Reuel naman ang ninuno ng mga angkan nina Nahath, Zerah, Shammah, at Mizzah. Sila yung angkan ni Esau sa asawa nyang si Basemath.
18 Yung mga angkan nina Jeush, Jalam, at Korah ay ang angkan ni Esau sa asawa nyang si Oholibamah, na anak ni Anah. 19 Kay Esau galing ang mga angkang ito.
Ang Lahi ni Seir
20 Ito yung mga anak ni Seir na isang Horite: sina Lotan, Shobal, Zibeon, Anah, 21 Dishon, Ezer, at Dishan. Sila yung unang tumira sa Edom.
22 Si Lotan ang tatay nina Hori at Heman, kapatid ni Lotan si Timna.
23 Si Shobal ang tatay nina Alvan, Manahath, Ebal, Shepho, at Onam.
24 Si Zibeon ang tatay nina Aiah at Anah—si Anah yung nakakita ng hot spring sa desert habang inaalagaan nya ang mga donkey ng tatay nya. 25 Si Anah ang tatay ni Dishon. May anak din syang babae, si Oholibamah. 26 Si Dishon ang tatay nina Hemdan, Eshban, Ithran at Cheran.
27 Si Ezer ang tatay nina Bilhan, Zaavan at Akan.
28 Si Dishan ang tatay nina Uz at Aran. 29-30 Ito ang mga angkan ng Horite sa Edom: Lotan, Shobal, Zibeon, Anah, Dishon, Ezer, at Dishan. 31-39 Bago magkaron ng mga hari ang Israel, ito yung mga naging hari sa Edom: 40-43 Si Esau ang ninuno ng mga angkan ng Edomites na ito: Timna, Alvah, Jetheth, Oholibamah, Elah, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram. Pinangalan sa angkan nila yung mga lugar kung saan sila tumira.