Genesis
Chapter 34
Ni-rape ni Shechem si Dinah
1 Isang araw, binisita ni Dinah ang ilang babaeng taga-Canaan. Si Dinah ay anak na babae nina Leah at Jacob. 2 Nakita sya ni Shechem, anak ni Hamor na isang Hivite at leader ng lugar na yun. Hinila ni Shechem si Dinah at saka ni-rape. 3 Pero nahulog ang loob ni Shechem kay Dinah. Na-inlove sya sa dalaga kaya sinuyo nya ito. 4 Kaya sabi nya sa tatay nyang si Hamor, “Gawan nyo ng paraan para maging asawa ko ang dalagang ito.”
5 Nabalitaan ni Jacob na pinagsamantalahan ang anak nyang si Dinah. Kaso, nasa bukid pa nun ang mga anak nyang lalaki at nag-aalaga ng mga baka nila, kaya wala syang nagawa hanggang sa makauwi ang mga ito. 6 Pumunta kay Jacob ang tatay ni Shechem na si Hamor para kausapin sya. 7 Sakto, dumating na rin ang mga anak nya galing sa bukid. Nung marinig nila yung nangyari, sobrang sama ng loob nila at galit na galit sila kasi grabeng insulto sa Israel ang pangre-rape ni Shechem sa anak ni Jacob. Hindi dapat ginagawa ang ganung bagay! 8 Sinabi ni Hamor sa kanila, “Gustung-gusto ng anak kong si Shechem ang anak mo. Please, ipakasal mo ang anak mo sa anak ko. 9 Magkasundo tayo. Ipakasal nyo sa amin ang mga anak nyong babae, at pwede nyo ring pakasalan yung mga anak naming babae. 10 Pwede kayong tumira dito sa amin, welcome kayo sa lugar na ito. Pwede kayong pumunta at mag-stay kung saan nyo gusto, at magkaron ng sarili nyong property.”
11 Sinabi rin ni Shechem sa tatay at sa mga kapatid ni Dinah, “Pumayag na kayo. Kahit anong gusto nyo, ibibigay ko. 12 Sabihin nyo kung magkano ang dapat naming ibigay at kung anong regalo ang gusto nyo para maging asawa ko sya. Ibibigay ko kung anong hingin nyo, basta ipakasal nyo sa akin ang dalaga nyo.”
13 Inutakan ng mga anak ni Jacob ang mag-amang Shechem at Hamor kasi pinagsamantalahan ni Shechem ang kapatid nilang si Dinah. 14 Sabi ng magkakapatid, “Hindi namin pwedeng ipakasal ang kapatid namin sa lalaking hindi tuli. Kahihiyan yun para sa amin. 15 Papayag lang kami sa isang kundisyon: dapat maging kagaya namin kayo at magpatuli ang lahat ng mga lalaki sa inyo. 16 Saka pa lang kami papayag na maikasal ang mga anak natin. Tapos titira kami kasama nyo at magiging isang bayan tayo. 17 Pero kung ayaw nyo sa kundisyon namin at ayaw nyong magpatuli, kukunin namin ang dalaga namin at aalis na kami.”
18 Naging okay naman kina Hamor at Shechem yung sinabi nila, 19 kaya sinunod agad ng binata ang gusto nila, kasi inlove na inlove sya sa anak ni Jacob. Si Shechem ang pinakaginagalang sa buong pamilya nya.
20 Pumunta ang mag-amang Hamor at Shechem sa city gate at sinabi sa mga kababayan nila, 21 “Mabait sa atin ang mga taong ito. Hayaan natin silang tumira sa lugar natin at pumunta kung saan nila gusto. Malaki naman ang lupain para sa ating lahat. Pakasalan natin ang mga anak nilang babae at ipakasal din natin sa kanila ang mga anak natin. 22 Pero papayag lang silang tumira dito at maging isang bayan kasama natin sa isang kundisyon: dapat magpatuli ang lahat ng lalaki sa atin, kagaya nila. 23 Magiging atin din naman yung mga baka, mga property, at lahat ng mga hayop nila, di ba? Kung papayag tayo, dito na sila titira sa atin.” 24 So, pumayag nga ang lahat ng nasa city gate sa sinabi nina Hamor at Shechem. Tapos, tinuli ang lahat ng lalaking nandun.
25 After three days, nung mahapdi pa ang mga sugat ng mga tinuli, pumunta sa city ang dalawang anak ni Jacob na sina Simeon at Levi, na mga kuya ni Dinah. Dala nila sa city ang mga espada nila, pero hindi sila nagpahalata. Tapos, pinatay nila ang lahat ng mga lalaki. 26 Pinatay din nila si Hamor at ang anak nyang si Shechem. Tapos kinuha nila si Dinah sa bahay ni Shechem at saka umalis. 27 After nung pagpatay, kinuha naman ng iba pang mga anak ni Jacob ang mga ari-arian sa city para gumanti sa kahihiyang ginawa sa kapatid nila. 28 Kinuha nila yung mga tupa, mga baka, mga donkey, at lahat ng nandun sa city at sa mga bukid. 29 Kinuha nila ang lahat ng kayamanang nandun, pati lahat ng nasa mga bahay. Ginawa naman nilang bihag ang mga babae at mga bata.
30 Sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi, “Binigyan nyo ako ng sakit ng ulo. Magagalit na sa akin ang lahat ng nakatira ditong Canaanites at Perizzites. Pag nagkampi-kampi ang mga yan at umatake, patay tayong lahat, buong pamilya natin. Alam nyo namang konti lang ang mga tauhan ko.”
31 Pero sumagot sila, “Papayag ba kami na tratuhin nyang parang prostitute ang kapatid namin?”