Naghiwalay sina Abram at Lot
1 Mula Egypt, nagpunta sa bandang south ng Canaan si Abram at ang asawa nya, dala ang lahat ng ari-arian nya. Kasama din nya si Lot. 2 Mayamang-mayaman na nun si Abram. Marami na syang tupa, kambing, at baka, pati mga silver at gold. 3 Mula sa Negeb, tumuloy sya sa paglalakbay hanggang makarating sya sa Bethel. Nakarating sya sa lugar sa pagitan ng Bethel at Ai kung saan sya nag-stay 4 at nagtayo ng altar dati. Sa lugar na yun, nag-worship si Abram kay Lord.
5 Si Lot na kasama ni Abram ay may sarili ring pamilya at mga alipin. Marami rin syang mga tupa, kambing, at baka, 6 kaya hindi na sila kasya ni Abram sa lugar na pinapastulan nila. Sa sobrang dami ng mga alaga nila, di na sila pwedeng tumira nang magkasama sa isang lugar. 7 Nag-aaway-away na rin yung mga shepherd ni Abram at yung mga shepherd ni Lot. Nung time na yun, nakatira pa sa lupaing yun ang mga Canaanites at Perizzites.
8 Tapos, sinabi ni Abram kay Lot, “Magkamag-anak tayo, wag sana tayong mag-away. Hindi rin dapat nag-aaway ang mga tauhan natin. 9 Malawak naman itong lugar, mas okay siguro kung maghiwalay tayo. Mamili ka kung saan mo gusto. Kung gusto mong pumunta dun, dito ako sa kabila.”
10 Tiningnan ni Lot ang paligid at nakita nyang maraming tubig sa buong Jordan Valley hanggang sa Zoar, gaya ng Garden ni Lord o ng lupain ng Egypt. Nangyari ito bago wasakin ni Lord ang Sodom at Gomorrah. 11 So pinili ni Lot ang buong Jordan Valley at nagpunta sya sa east. At ganun nga sila naghiwalay. 12 Tumira si Abram sa Canaan, tapos si Lot naman, nag-stay sa mga city na nasa valley at nagkampo malapit na sa Sodom. 13 Masasamang tao yung mga nakatira sa Sodom at sobrang laki ng kasalanan nila kay Lord.
Lumipat si Abram sa Hebron
14 Pagkaalis ni Lot, sinabi ni Lord kay Abram, “Tumingin ka sa buong paligid mo. 15 Ibibigay ko sayo at sa magiging lahi mo ang lahat ng lupain na nakikita mo. Magiging sa inyo ang lahat ng yan forever. 16 Pararamihin ko ang lahi mo, singdami ng alikabok sa lupa. Hindi sila kayang bilangin ng kahit sino. 17 Sige, lumakad ka at ikutin mo ang buong lupain kasi ibibigay ko sayo lahat ng yan.” 18 So lumipat si Abram at tumira sya malapit sa mga banal na puno ng Mamre na nasa Hebron. Tapos, nagtayo sya dun ng altar para kay Lord.