Niligtas ni Abram si Lot
1 Nung panahong yun, ang mga haring sina Amraphel ng Babylonia, Arioch ng Ellasar, Chedorlaomer ng Elam, at Tidal ng Goiim, 2 ay nakipaglaban sa limang hari na sina Bera ng Sodom, Birsha ng Gomorrah, Shinab ng Admah, Shemeber ng Zeboiim, at ang hari ng Bela, isang city na tinatawag ding Zoar. 3 Pinagsama-sama nung limang hari ang mga army nila sa Siddim Valley, na tinatawag nang Dead Sea ngayon. 4 Twelve years silang nag-serve kay King Chedorlaomer, pero nung pang-13 na taon, nagrebelde sila laban sa kanya. 5 After one year, sumugod si King Chedorlaomer at ang mga haring kakampi nya, at yung mga army nila. Tinalo nila ang Rephaim sa Ashteroth Karnaim, ang Zuzim sa Ham, at ang Emim sa Kiriathaim. 6 Natalo rin nila ang mga Horites sa mga bundok ng Edom hanggang sa Elparan na malapit sa desert. 7 Tapos, umikot sila at bumalik sa Kadesh, na tinatawag ding Enmishpat noon. Sinakop nila ang lahat ng lugar ng mga Amalekites, pati ang mga Amorites na nakatira sa Hazazon Tamar.
8 Ni-ready naman ng mga hari ng Sodom, Gomorrah, Admah, Zeboiim, at Bela ang mga army nila sa Siddim Valley para labanan 9 ang mga hari ng Elam, Goiim, Babylonia, at Ellasar. Limang hari laban sa apat na hari ang gera na yun. 10 Nung natatalo na yung limang hari, tumakas sa labanan yung mga hari ng Sodom at Gomorrah, kaso nahulog sila sa mga hukay na may alkitran. Marami kasing ganun sa Siddim Valley. Tapos, yung tatlo pang hari, nakatakas naman sa mga bundok. 11 Nanalo nga sa gera sina King Chedorlaomer, at kinuha nila ang lahat ng nandun sa Sodom at Gomorrah, pati yung mga pagkain, saka sila umalis. 12 Nakatira sa Sodom si Lot na pamangkin ni Abram, kaya kinuha rin sya ng mga kalaban. Kinuha din nila ang lahat ng ari-arian nya.
13 Pero may isang taong nakatakas at nag-report ng lahat ng ito kay Abram na isang Hebrew. Nakatira si Abram malapit sa mga banal na puno ni Mamre na isang Amorite. Kakampi nya si Mamre at ang mga kapatid nitong sina Eshcol at Aner. 14 Nung malaman ni Abram na dinukot ang pamangkin nya, tinawag nya ang lahat ng mga tauhan nyang sanay sa labanan, 318 silang lahat na galing sa kampo nya. Hinabol nila ang mga kalaban nilang hari hanggang sa Dan. 15 Ginrupo ni Abram ang mga tauhan nya. Tapos nung gabi na, lumusob sila at tinalo ang mga kalaban. Hinabol nila yung mga yun hanggang sa Hobah, sa north ng Damascus. 16 Nabawi nga nila ang lahat ng mga ari-arian na kinuha ng mga kalaban. Nabawi rin ni Abram ang pamangkin nyang si Lot at ang lahat ng mga ari-arian nito, pati ang mga babae at iba pang mga kasama.
Bliness ni King Melchizedek si Abram
17 After matalo ni Abram si King Chedorlaomer at ang mga kakampi nitong hari, umuwi na sya. Sinalubong sya ng hari ng Sodom sa Shaveh Valley, na tinatawag ding King's Valley. 18 Dinalhan naman sya ng tinapay at alak ni Melchizedek na hari ng Salem. Priest din sya ng Pinakamataas na Diyos. 19 Bliness nya si Abram at sinabi, “I-bless si Abram ng Pinakamataas na Diyos na nag-create ng langit at ng lupa! 20 Purihin ang Pinakamataas na Diyos na nagpanalo sayo laban sa mga kaaway mo!” Tapos binigyan ni Abram si Melchizedek ng 10% ng lahat ng mga ari-arian na nakuha nya.
21 Sinabi ng hari ng Sodom kay Abram, “Sayo na yang mga nabawi mong ari-arian, pero isoli mo sa akin ang mga tauhan ko.”
22 Sumagot si Abram, “Sinusumpa ko sa harap ni Lord na Pinakamataas na Diyos at nag-create ng langit at lupa, 23 hindi ako kukuha ng kahit ano sa property mo, ni isang sinulid o strap ng sandals, para hindi mo masabi na ikaw ang nagpayaman sa akin. 24 Di ako kukuha ng para sa akin, yun na lang mga nakain ng mga tauhan ko. Pero sana ibigay mo sa mga kakampi kong sina Aner, Eshcol, at Mamre yung mga parte nila sa nasamsam namin.”