Proverbs
Chapter 3
Magtiwala kay Lord
1 Anak, wag mong kalimutan ang mga pangaral ko,
ang mga utos ko, isapuso mo.
2 Dahil sa mga ito, hahaba ang buhay mo,
at magkakaroon ka ng masaya at masaganang buhay.
3 Wag mong hayaang mawala sayo ang pagmamahal at katapatan,
gawin mo yung parang kwintas,
ilagay mo sa puso mo,
4 at magiging maganda ang pagtanggap sayo
ng Diyos at ng mga tao.
5 Magtiwala ka kay Lord nang buong puso,
at wag kang umasa sa sarili mong talino.
6 Sa lahat ng gagawin mo, hayaan mo syang mag-lead sayo,
at ituturo nya sayo ang dapat mong gawin.
7 Wag mong isiping marami ka nang alam,
sundin mo si Lord, at lumayo ka sa masama.
8 Pag ginawa mo yun, magiging healthy ang katawan mo,
at lalakas ang iyong mga buto.
9 I-honor mo si Lord gamit ang iyong kayamanan,
ibigay sa kanya ang unang bunga ng lahat ng tanim mo.
10 Pag ginawa mo yun, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega,
at ang mga lalagyan mo, mapupuno ng alak.
11 Anak, pag dinidisiplina ka ni Lord, tanggapin mo yun,
wag sasama ang loob mo pag kino-correct ka nya.
12 Kino-correct ni Lord ang mga mahal nya,
gaya ng ginagawa ng isang tatay sa mahal nyang anak.
13 Masaya ang taong nakahanap ng karunungan
at nagkaroon ng pang-unawa.
14 Mas may pakinabang pa yun kesa sa silver,
mas mahalaga pa kesa sa gold.
15 Mas mahal pa ang karunungan kesa sa mga alahas,
at di sya mapapantayan ng kahit anong gusto mo.
16 Nag-ooffer sya ng mahabang buhay,
nagbibigay din ng yaman at karangalan.
17 Gagawin nyang masaya ang buhay mo,
ili-lead ka nya sa safe na landas.
18 Para syang puno na nagbibigay-buhay,
masaya ang mga yumayakap sa kanya.
19 Karunungan ang ginamit ni Lord nung crineate nya ang mundo,
sa kanyang talino, nilagay nya ang langit sa pwesto nito.
20 Dahil sa kanyang karunungan, umagos ang mga ilog,
at mula sa mga ulap, pumatak ang ulan sa mundo.
21 Anak, maging marunong ka at magdesisyon ka nang tama,
lagi mong gawin yan.
22 Dahil dyan, magkakaroon ka ng buhay,
yung mahaba at magandang buhay.
23 Sa lahat ng gagawin mo, magiging safe ka,
hinding-hindi ka madadapa.
24 Makakapahinga ka nang walang takot,
makakatulog ka nang mahimbing.
25 Wag kang matakot sa panganib na biglang darating,
o sa bagyong wawasak sa masasama,
26 kasi kay Lord, makakaasa ka,
dahil sa kanya, di ka mahuhulog sa trap.
27 Kung kaya mo namang gumawa ng mabuti,
wag mo na yung ipagkait sa mga nangangailangan nun.
28 Wag mo nang sabihin sa kapwa mo, “Balik ka na lang bukas,”
kung kaya mo naman syang tulungan ngayon.
29 Wag kang magplano ng masama sa kapitbahay mo,
sila na kasama mo at may tiwala sayo.
30 Wag kang makipagtalo sa iba nang walang dahilan,
kung wala naman silang ginagawang masama sayo.
31 Wag kang mainggit sa bayolenteng tao,
at wag mong gayahin ang mga ginagawa nya,
32 kasi galit si Lord sa taong masama,
pero may tiwala sya sa taong gumagawa ng tama.
33 Sinusumpa ni Lord ang tahanan ng masasama,
pero bine-bless nya ang tahanan ng mabubuti.
34 Iniinsulto nya ang mga mapang-insulto sa ibang tao,
pero mabait sya sa mga humble.
35 Ang marurunong ay irerespeto ng mga tao,
pero mapapahiya ang mga bobo.